CHAPTER 5

16.6K 449 104
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 5

CARNASYON MARIA ZEIL'S POV

Kasalukuyan kaming magkaharap ngayon dito sa opisina ni Ser. Nasa kaliwa akong upuan habang nasa kanan naman si ma'am betiful. Nakakunot noong nakatingin si Ser Axel samin.

"Now fvcking tell me what the hell happened." Mariin nyang saad habang nagpabalik-balik ang tingin samin. Yung mga mata ko hanggang saan saan pumupunta kasi wala akong naiintindihan sa inglis nya. Tumingin ako kay ma'am at nakita kong inikotan nya ako ng mga mata. Napakasungit naman sakin ni ma'am betiful di ko naman sya inaano ah!

"Ganito kasi yun Axle dear. That ugly girl over there is a thief. That slut-" Naputol ang sinabi ni ma'am betiful at napalunok nang biglang hampasin ni Ser ng malakas ang lamesa.

"Don't fucking call her a Slut Georgina." Madiin at galit na saad ni Ser Axel habang nakatitig kay Ma'am betiful. Georgina pala pangalan nya? Ang ganda naman.

Parang may napapansin ako. Kanina pa ako dito pero di ako kasama sa pag-uusap nila. Matanong nga.

Pinitik ko ang kamay ko sa harap ng mukha ni Ser. Nakita kong napasinghap si Ma'am Georgina.

"What are you doing, do you want to die?" Mahinang bulong ni ma'am Georgina sakin habang nakatingin sa kamay ko. Di ko lang sya pinansin kasi unang una sa lahat di ko naiintindihan ang inglis nya. Tamo to sila. Kitang nasa Pilipinas ingles ng ingles.

Pinagpatuloy ko ang ginawa kong pagpitik sa harap ng mukha ni Ser.  Nakasalubong ang kilay nya habang nakatingin sakin. Sinalubong ko ang tingin nya at ngumiti ng malapad na malapad.

"Pwede magtanong Ser?" Sabi ko sabay ngiti ulit ng malapad. Nawala ang pagkasalubong ng kilay nya.

"Go ahead" Mahinahon nyang saad. Narinig ko ulit ang pagsinghap ni ma'am Georgina. Kanina pa sya singhap ng singhap na parang nakakita o nakarinig ng magandang balita.

"Ano kasi Ser. Napapansin ko na kanina pa tayo dito pero wala naman akong naiintindihan sa pinagsasabi nyong dalawa. Aalis na ako ha? Magtatrabaho pa ak-" Naputol ang sasabihin ko sana nang sumabat sya.

"You may leave Georgina." Saad nya pero nanatiling nasa akin parin ang paningin nya. Nakita kong dali-daling tumayo si Georgina at mabilis na umalis.

"And YOU, are NOT GOING anywhere. Dito ka lang. Di kita hahayaang umalis." Saad nya na nanatiling nasa akin ang malamig nyang mga mata. Ano ba naman to si Ser. Di ko na nga naiintindihan ang sinasabi nya. Titig ng titig pa. Ito siguro ang epekto ng demonyo kanina. Bahala na nga. Tinitigan ko pabalik si Ser na mukhang nagulat dahil sa ginawa ko.

Ngumisi ako.

"Alam mo Ser. Pwedeng wag kang inglis ng inglis kasi alam mong di ko naiintindihan okie!?" Saad ko.

Madiin syang pumikit.

"God, what kind of brain do you have woman?" Dahil natatamad na akong mag translet ng inglis nya, tumahimik nalang ako. Bahala syang magdadada jan.

"Hello? Yes, in a minute." Nakakunot noong saad nya sa kausap nya sa telepono.

Tumingin sya sakin at nagbuntong hininga bago ibinalik ang telepono sa lalagyan.

"You-I mean ikaw, puntahan mo nalang pala ang dapat mong puntahan. May gagawin ako at di naman kita pwedeng isama dun." Sabi nya sabay tayo.

Tumango nalang ako sa kanya sabay pumunta sa pintuan para umalis. Lumingon ako sa kanya.

"Mauna na ako Ser" Mahinang saad ko sabay ngiti sa kanya. Tinanguan lang din nya ako kaya lumabas na ako.

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now