CHAPTER 37

10.9K 306 10
                                    

WRITTEN BY

MissteriousGuile

CHAPTER 36

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Nasa bahay ako ngayon ng nanay ko, sabado ngayon at wala akong klase. Sabi ni ma'am at ni sir ay day off ko raw ngayon kaya pwede akong pumunta kung saan ko gusto. Alas 11 na ng gabi pero nakatitig parin ako sa kalangitan. Kitang kita ang mga maningning na mga butuin na nagpaganda sa gabi.

Hindi ko mapigilang magbalik tanaw sa mga nangyari. Ang pagpasok ko ng trabaho, ang pagiging P.A ko, ang panliligaw n'ya sa akin, ang pagsagot ko sa kanya, ang pagbalik ng nobya n'ya at ang panahong sinaktan n'ya ako.

Ang sakit kapag maisip mo ang taong mahal na mahal mo. Ang taong nagturo sa'yo kung paano magmahal. Yung taong nangakong hindi ka iiwan at sasaktan pero s'ya pala yung taong babali sa pangako n'ya.

Tumulo na naman ang mga luha ko, napakasakit ng nararamdaman ko. Hindi n'ya ako sineryoso kasi isa lang akong hamak na P.A at utusan. Isang alalay.

Niloko n'ya ako. Pinaramdaman n'ya sa akin na mahal n'ya ako pero peke pala ang lahat. Isang kasinungalingan. Hindi porket mahal mo ang isang tao ay dapat magkatulad na kayo ng nararamdaman.

Napahagulgol ako sa sakit, minsan umaasa akong bigla s'yang mag text o di kaya tumawag o magpakita para magpaliwanag pero wala. Hinayaan n'ya lang ako.

"A-anak? Bakit hindi kapa natutulog?" Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko sa biglaang pagdating ni inay.

"Teka umiiyak kaba?" Umiling iling ako.

"W-wala po inay. M-may iniisip lang po." Agap kong sagot.

Baka pag malaman n'yang umiiyak ako ay mag-aalala na naman s'ya. Hindi pa naman n'ya alam na wala na kami ni Axel.

"Wag mo akong lokohin Carnasyon alam na alam ko kung kailan ka nagsisinungaling." Hindi ko na mapigilang umiyak sa harap n'ya, durog na durog ako at pag hindi ko 'to ipapalabas ay alam kong sasabog ako.

"N-nay." Bigla akong humagulgol at yumakap sa kanya. Tila ay nagulat s'ya pero hinayaan lang ako.

Binuhos ko ang sakit habang kayakap ang nanay ko. Kung sa panahong wala ka nang kapitan ay wag kakalimutan ang pamilya at ang panginoon. Sila lang ang tanging nandyan para sayo.

"A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Diba dapat masaya ka kasi nakapag-aral kana?" Umiling-iling ako sa sinabi n'ya. Hinahaplos haplos n'ya ang likod ko habang patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Ilabas mo lang 'yan anak. Makikinig si nanay pag napalabas mo na lahat ng sakit." Tumango ako.

Nang napalabas ko na lahat, kumalas ako ng yakap at pinunasan ang mga luha ko sabay tawa.

"Ahahahahahaha ano ba naman yan naiiyak ako hahahahah." Hindi bumenta kay inay ang peke kong mga tawa. Tumitig s'ya sa akin ng seryoso kaya napatigil ako at napayuko.

"Sabihin mo sa akin kung bakit ka umiiyak Carnasyon at wag na wag mong susubukang magsinungaling dahil kilalang kilala kita." Nanatili lang akong nakayuko. Di nagtagal ay tumingin ako sa mga mata n'ya.

Ano kayang magiging reaksyon n'ya pag malaman n'ya ang totoo?

"N-nay?" Panimula ko.

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon