CHAPTER 36

10.7K 296 15
                                    

WRITTEN BY

MissteriousGuile

CHAPTER 36

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Nandito ako ngayon sa bago kong tatarbahuan, ang laki laki ng bahay. Ang gara-gara, pero mas magara ang bahay ni ser. Teka teka, sinampal sampal ko ang sarili. Bakit ko ba iniisip si Axel? Hindi n'ya ako mahal kaya niloko n'ya ako!

"Maghanda kayo, dadating ang asawa at anak ko. Kailangan malinis ang bahay, kailangan walang duming makikita ang asawa ko. At pagdating nila paki-tulungan sa pagbubuhat ng mga gamit." Seryosong saad ng bago kong amo na si Sky Monteverde. Seryoso n'yang binilinan kami ng dapat gawin.

Nakahilera kaming mga katulong sa harap n'ya habang pinagsasabihan kami kung ako ang dapat gawin.

Dumating na ang asawa at anak n'ya, tumulong ako sa pagbubuhat ng gamit. Kahit mabigat ay hindi ko ito iniinda kailangan ko ng mapaglilibangan para hindi ko maalala si Axel.

"Ahh excuse me ma'am, sir paano PO kong aalis muna kayo PO dyan sa may pinto PO dahil ilalagay ko PO tong mga gamit ng mga anak n'yo, pwede PO ba?" Nakaharang kasi sila sa daraanan yung tipong maghahalikan pa.

Ang ganda ganda ng asawa nitong si Sir Sky medyo masungit ang mukha n'ya pero ang ganda parin. Maputi rin s'ya may napakagandang katawan. Dali dali naman silang umalis sa pintuan at naglakad papasok.

Ilang buwan na ang lumipas sa pagtatrabaho ko rito sa bagong amo ko at masasabi kong napakabait nila. Ang ganda ng ugali at maganda rin ang sweldo.

Dahil sa pagtatrabaho ko rito ay hindi ko na masyadong naaalala si ser pero may mga times na iniisip kong bumalik kasi baka miss na n'ya ako pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong masaya na s'ya ngayon sa taong mahal n'ya.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay  nang makita ko si ma'am Athena na tila may malalim na iniisip.

"Ma'am ano PO bang problema nyo PO ang lalim PO ng iniisip nyo PO. Alam nyo PO bang madali kayong magka wrinkles nyan PO?" Mukha s'ya naalibadbaran sa sinabi ko at nilingon ako.

Nakasuot nga pala ako ng pang maid na uniform at tila tinititigan n'ya ang buo kong pagkatao dahil sa klase ng tingin na ibinigay n'ya sa'kin.

May hawak akong basurahan. Galing kasi ako  sa labas para itapon ang mga basura galing sa loob ng bahay. Naabutan ko lang s'yang nakapangumbaba.

Nandito kasi s'ya sa labas  sa may garden sa harap ng bahay nila.

"Hi." Sabi n'ya sa akin at ngumiti ng matamis.

Tila may naalala s 'ya na gusto n'yang itanong. Lumapit ito sa akin at nagsalita.

"Pwedeng magtanong?" Mahinang saad n'ya.

"Pwedeng pwede PO ma'am ano PO bang gusto nyong itanong PO?" Hyper kong sagot. Para talagang ma-alibadbaran s'ya sa kaka PO ko dahil tuwing mag-uusap kami ay kumukunot ang noo n'ya.

"Nag-aaral ka pa ba?" Biglang nawala ang pagiging masiyahin ko sa tanong n'ya. Nawala ang peke kong mga ngiti, ang mga ngiting puno ng pagpapanggap.

"Tumigil na po kasi ako ma'am ehh." Malungkot kong saad sa kanya. Kita ko naman ang pagkadismaya n'ya.

"Bakit saka anong grade kana? Sayang naman." Nanghihinayang n'yanb sagot sa akin.

"Ayy ma'am college na PO ako ma'am PO" Mahina s'yang napatawa dahil bumalik na naman ang maraming PO ko.

Para namang naguguluhan s'ya dahil sa sinagot ko.

"College kana? Ilang taon kana pala?" Sunod sunod n'yang tanong sa akin. Ano ba naman 'to si ma'am? Di ba halata na dalaga na ako? Grabe naman.

"Sa tingin PO ninyo ma'am PO?" Saad ko nalang sabay ngisi.

Sa tingin ko ay sinusuri n'ya ako kasi ang napaka ano ng klase ng mga titig n'ya sa akin eh. Parang sinusuri ang buo kong pagkatao.

"17?" Naguguluhan n'yang sagot.

Bigla akong humalakhak ng malakas kaya ata napakunot noo s'ya, pero nang nakita ko s'yang napatigil ay bigla akong humingi ng patawad dahil baka nabastos ko s'ya.

"S-sorry po ma'am." Ngumiti ako s'ya dahil sa ginawa kong paghingi ng tawad.

"Okay lang ano kaba, ilang taon kana pala?" Balik n'ya ulit sa tanong kanina.

"20 na po ako ma'am." Hindi ata s'ya naniwala sa sagot ko. Grabe talaga.

"Ahh sege PO ma'am, pasok lang PO ako PO ha?" Saad ko sa kanya dahil baka tanungin pa ako ng kung ano-ano. Tumango nalang s'ya bilang tugon.


Ang bait bait ng mga amo ko, napakabait nila sa amin. Hindi ako nagsisisi na napunta ako sa kanila, kahit makulit ang kambal na anak nila ay masasabi kong maswerte parin ako sa kanila.

Lumabas ako sa o

"Zeil, halika nga." Dali dali naman akong lumapit sa kanya.

"Yes ma'am?"

"May ipapakuha ako sayo, yong envelope na brown na nasa desk pwede mo bang kunin at basahin ang nasa loob nito?" Tumango ako at tumungo sa desk na sinasabi n'ya.

May nakita akong brown envelope kaya kinuha ko ito, pagbalik ko ay may dala-dala na akomg gamit na pinapakuha n'ya. Sinabi n'yang buksan ko ito at basahin ang nasa loob kaya ginawa ko ito.

"Congratulations Ms. Maria Zeil Batobalani you are now officially enrolled t-to W-West S-Side I-international S-scho—" Di ko  natapos ang aking binabasa dahil  humagulgul na ako at natawa naman s'ya sa reaksyon ko.

"Thank you po ma'am huhuhuhuhu." Iyak ko na sabay na nagpapasalamat.

"Ako narin pala ang magpapa-aral sa kapatid mo, kaya alam ko to ay dahil pinaimbestigahan kita sorry."

Di ko alam kong bakit magaan ang loob ko kay ma'am dahil siguro sa pagiging mabait n'ya. Pina-imbestigahan n'ya ako kaya siguro naawa s'ya sa mga  naranasan ko. Di na kasi ako nakapag aral ng college dahil tumigil na ako sa pag-aaral para pakainin ang sarili, isang kapatid at mama kk. Nalaman n'ya rin siguro na kusa akong tumigil para pag aralin ang kapatid ko.

"Ako dapat ang magpasalamat sayo ma'am dahil sa ginawa mo huhuhuhu, pero baka ma disappoint kayo sa magiging grades ko ma'am dahil di naman ako matalino kahit anong sipag ko sa pag-aaral, sa pagluto lang naman po ako magaling." Ngumiti s'ya sa akin.

"Alam ko narin yan, kaya HRM ka na enrolled." Mas lalo naman akong umiyak dahil sa sinabi n'ya.

Yumakap sya sakin.

"Salamat po talaga ng marami." Masaya kong sambit sa kan'ya.

Masaya naman ako habang nag-aaral. Sobrang saya ko dahil sa wakas matutupad na ang mga pangarap ko. Nagtatrabaho parin ako habang nag aaral kasi nakakahiya naman na pinag aral na nga ako magiging batugan pa ako. Masaya rin sila mama para sa akin at si bunso.

Totoo nga talaga, after a rainbows thirs a rain!

********************
Hit it dudes
—MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now