U N O

133 38 12
                                    

CAPITULO 1

Vynette Nadia POV

Makalipas ang dalawang araw mag mula ang incident.

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng whole body mirror ko habang pinag mamasdan ang suot kong uniform ni Ate Vivana. Hiningi ko sa matrona ng bahay ampunan itong uniform ni Ate Vivana kahapon. Matapos ay kinuha ko ang isang paper bag na nag lalaman ng kabibili kong damit para sana ibigay kay Ate Vivana ngayon kaarawan niya.

I was supposed to give you this today, Ate Vivana. Pero, hindi ko naman alam na hindi ka na aabot sa kaarawan mo.

"Are you sure about this??" Napalingon ako kay Kuya Mack na katayo sa likod ko. Ipinatong ko sa may bedside table ang paper bag matapos ay napalingon kay Kuya Mack.

"Salamat sa pag aalala sa akin Kuya Mack kahit hindi kita ka dugo. Pero, kaya ko protektahan sarili ko. Remember, I am a self trained martial artist." matapos ay sumuntok pa sa hangin saka ngumiti. Pang palubag loob lang dahil alam kong natatakot para sa akin si Kuya Mack.

"Kahit na. Hindi mo pa rin alam kung ano ang pwedeng gawin sayo ng lalaking pumatay doon sa kapatid mo. O kaya, ako nalang ang pupunta doon at mag tatanong tanong." nag aalalang saad pa ni Kuya Mack matapos ay napayakap ako dito.

"It's okay, Kuya Mack. I want to do this for my sister. And ayoko ng abalahin ka pa po kasi madami ka pa na hinahawakang kaso, Mr. Attorney Mack Xavier Aranda." matapos ay inginuso ko ang office room niyang nag lalaman ng sandamakmak na mga papel. Napabuntong hininga lang siya. Napatingin ako sa wristwatch saka nag paalam kay Kuya Mack.

"Aalis na po ako. Uuwi rin po ako pag katapos ng klase." matapos ay tuluyang lumabas ng bahay.

Naisipan ko munang dumaan sa convenience store bago pumasok sa loob ng Universidad para bumili ng maiinom marahil nakakaramdam na naman ako ng uhaw. Medyo may kalayuan kasi ang Bus Stop sa Gehanna State University at nilakad ko lang 'yon. Tumungo ako sa may mga vending machines sa loob ng convenience store matapos ay kumuha ako ng isang bottled water doon saka tumungo ako sa counter.

Habang hinihintay ang sukli ay napalingon ako sa labas ng convenience store at napansing nahulog ang wallet ng isang lalaking nag lalakad sa may pedestrian lane. Kaagad naman akong lumabas nang masuklian ako, matapos ay pinulot 'yon.

Hinabol ko ang lalaking naka hoodie matapos ay humarang sa dinaraanan niya. "Excuse me, Sir..." Blangko ang ekspresyon niyang napatingin sa akin matapos ay ibinaba niya ang head cover ng hoodie niya. Naka suot siya ng eyeglasses habang ang kanyang buhok naman ay magulo. "Why?" iniabot ko sa kanya ang wallet niya. Kinuha niya 'yon matapos ay pumasok sa loob ng University.

Napabuntong hininga lang ako saka pumasok rin sa loob ng University.

•.•

Nasa hallway ako ngayon habang naka sunod sa homeroom teacher ng classroom na papasukan ko. Sa tingin ko ay mukhang nasa 20's lang siya dahil medyo bata pa ang itsura niya. Inilibot ko ang paningin ko at napansing halos may kalumaan na ang mga kagamitan dito sa loob ng University. Sa bawat estudyanteng makakasalamuha namin ay panay tingin sila sa gawi ko matapos ay agad rin mag iiwas ng tingin na aking ipinagtaka.

Malayo palang ay naririnig mo na ang ingay ng nga estudyante sa loob ng classroom na papasukan ko. May kanya-kanya silang mundo kung kaya't sumigaw ang gurong nasa harapan ko ngayon nang makarating kami sa may bukana ng pintuan. Ngunit, hindi siya pinansin ng mga estudyante.

Seksyon 2-C Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon