V I E N T E D O S

22 6 13
                                    

CAPITULO 22

Mack Xavier Aranda POV

Kinapa ko sa aking bulsa ang susi ng bahay nang mapansin kong bukas ang pinto. Marahan ko itong binuksan at pumasok sa loob. Kaagad kong binuksan ang mga ilaw saka sinuri ang paligid.

Naluwagan ako nang makitang walang tao. Naihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha at napabuntong hininga. Inilapag ko ang gamit ko sa sofa muling tumungo sa may pintuan saka sinara ang pinto nang mayroon akong masipa. Isang brown box. Kinuha ko ito at inilapag sa lamesa hinanap ko ang pangalan ng sender ngunit, wala akong nakita.

Ang kaninang seryosong mukha ay napalitan na ng pag aalala. Napa sabunot ako sa aking buhok nang makitang si Vynette ang nasa litrato.

"Fuck!" mabilis pa sa alas kwarto kung umalis ako sa bahay. Pinaandar ko ang kotse matapos ay tuluyang umalis.

Vynette Nadia POV

Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Madalim ang paligid at naka higa ako ngayon sa Dental chair habang naka tali ang mag kabilang kamay ko kung kaya't hindi ako maka alis.

"Oh, no. Don't try to escape. Masasaktan ka lang lalo." hinanap ko sa kadiliman ang nag sasalita nang mapansin kong mag lakad siya papalapit sa akin. Sinamaan ko ng tingin ang copycat ni Riley na may hawak na syringe. Nahagip ng paningin ko ang aking kanang kamay na mayroong nakadikit ng bulak at medical tape sa isa sa mga daliri ko.

"Don't worry, hindi kita papatayin." para bang nabunutan ako ng tinik nang sabihin niya 'yon.

"Pero, hindi ibig sabihin ay makakalabas ka ng buhay sa eskwelahang ito..." lumapit siya ngayon malapit sa isang bakanteng lamesa na malapit sa akin at may roon pang kinuha doon.

"Anong ibig mong sabihin? Anong gagawin mo sa akin??!"

"Sabihin nalang nating wala sa dalawa ang nabunot mo." nanlaki ang mga matang napatingin ako sa kanya.

"P-paano mo nalaman??"

"Isa sa lang naman ang sagot diyan. May taong naka bantay sa inyo, bawat kilos niyo. Dahil sa tulong niya may record kami ng mga nabunot niyo. At ang taong 'yon ay tulad mong estudyante rin ng Unibersidad na ito.." aniya habang abala sa kanyang ginagawa.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng blangkong papel??" muli siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko.

Tama siya. Blangkong papel ang nabunot ko. Nung una kampante pa ako na wala sa dalawa ngayon, parang mas gugustuhin ko nalang maging sacrifice.

"You're chosen to be part of our human experiment, Ms. Aranda. You'll become our research subject for our experiment. " naramdaman ko ang pag inject niya ng syringe sa braso dahilan para makaramdam ako ng hilo.

"Huwag kang mag alala, sa oras na magising ka wala ka ring maaalala sa nangyari ngayon. Good night."
Rinig ko pa na wika niya bago tuluyang mawalan ng malay.


•.•

Kaagad akong napa balikwas sa kama. Inilibot ko ang mga mata ko at napansing nasa loob na ako ngayon ng dorm.

*clicked! *

Lumabas ako sa kwarto namin at nakitang kapapasok lang ni Riley sa loob ng dorm

"Vynette ayos ka lang??" automatiko akong napa iwas nang hawakan niya ako. Ngunit, agad rin akong humingi ng paumanhin.

Seksyon 2-C Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon