C I N C O

70 33 20
                                    

CAPITULO 5

Acha Isla (Ayla) Casales POV

"So, what are your plans now, Ate Acha?" Napa buntong hininga na lamang ako ng marinig ko muli ang boses na 'yan.

"Vivana. You're already dead. Please stop haunting me." pag mamakaawa ko saka uminom ng gamot matapos ay humiga sa aking kama at tuluyang naka tulog.

•.•

Inilibot ko ang aking paningin at napansin kong narito ako sa lobby ng orphanage.

"Ate Acha." Napalingon ako sa taong tumawag sa 'kin. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako dinala sa garden kung saan palagi kaming nag uusap. Umupo kami sa bench nang marinig kong muli siyang nag salita

"Ate Acha. Thank you sa lahat ng naitulong mo sa akin. Pasensya ka na kung minsan ay natatakot kita. You were a great help to me. Promise me that you'll take care of my younger twin. Don't worry sa oras na magising ka hindi mo na po ako makikita..."

Iminulat ko ang aking mga mata at ka agad hinanap sa loob ng silid si Vivana. Ngunit, hindi ko na siya nakita pa kasabay ng pag buhos ng aking mga luha.


Vynette Nadia POV

"Wag ka na naman gagabihin, bunso." pahabol ni Kuya Mack bago ako makalabas ng aming tinutuluyan.

Kaagad rin naman akong nakasakay bus at nakarating ng University. Kakapasok ko palang sa loob ng lobby nang maramdaman kong nag vibrate ang aking cellphone.

*Brrzzk!*

Kaagad kong kinuha sa aking bulsa ang aking phone at nakitang nakatanggap ako ng text message.

From: 0917........

"Why are you still here, Vynette?? This is Ate Acha."

I saved her number then, I replied to her.

To: Ate Acha

"Good Morning po. Don't worry Ate Acha I'll make sure that no can harm me. Naisaulo ko na po lahat ng paalala niyo po sa akin. Hindi ko naman po pwedeng hayaan nalang makalaya ang mga taong pumatay kay Ate."

•.•

Hindi pa ako nakaka pasok ng classroom nang maka salubong ko sila Kesari, Riley at Gadiel sa hallway. "Hey, Vynette. Tara sa Alderaan." ani Kesari. "Mamaya mo na iwan gamit mo." Singit ni Riley na may hawak na namang libro.

Nag tungo kami sa Alderaan at sumalubong sa amin ang napaka tahimik na paligid. Binuksan ni Gadiel ang ilaw saka umupo sa sofa pati na rin si Kesari at Riley.

"Where's Xeres?" sabay sabay kami napalingon sa lalaking kakalabas lang sa hilera ng mga bookshelves.

"I'm here." Halos mapa talon naman ako sa gulat nang marinig ang boses ni Xeres sa tabi ko. Inis ko siyang siniko dahilan para mapangiwi siya sa sakit.

"What the heck is your problem??!" Salubong ang mga kilay na tanong niya sa akin.

"Ikaw yung problema ko! Palagi ka nalang nang gugulat!!" singhal ko sa kanya.

"Stop that both of you. Mabalik tayo sa announcement ko. Mr. Demetrio Sanchez decided to bring back the 3 months rule." Pag pipigil sa amin ni Adrian.

Seksyon 2-C Where stories live. Discover now