V I E N T E N U E V E

26 5 18
                                    

Third Person POV

"Agent Izan Dario Mendoza speaking. Requesting for back up." saad niya sa walkie talkie matapos ay muli itong sinuksok sa kanyang bulsa. Sa kabilang banda, ka agad namang nai-transmit ng kasamahan niyang nakatambay sa labas ng Universidad ang mensahe ni Agent Izan sa Main Station nila.

Nasa labas ngayon ng Cafeteria si Agent Mendoza. Nag hahanap siya ng tiyempo na maka pasok marahil marami rami ang mga nakabantay sa bawat sulok ng Cafeteria.

•.•

"Ms. Acha. Bakit naririto po-" umiling lang si Ms. Acha matapos ay nag tungo sa monitor ng mga camera. Dito ay kitang kita ang kabuuan ng Universidad pwera na lamang ang laboratory kung nasaan sila Vynette.

"Halikayo tulungan niyo ko dito." pag anyaya ni Ms. Acha sa dalawa. "Daniel bantayan mo itong mga camera. Sabihan mo kami kapag mayroong papalapit dito sa atin. At ikaw Konnor tulungan mo ko dito sa electrical circuit wires."

"Bakit po? Para saan? " nag tatakang tanong ni Konnor. Hindi siya pinansin ni Ms. Acha na seryosong inihihiwalay ang mga circuit wires.

"Ms. Acha..."

"Basta tulungan mo lang ako dito. At ikaw Daniel paki sabi kung namatay ang ilaw ng Cafeteria ha." maingat na nag tanggal sila connector Konnor at Ms. Acha. Inihiwalay nila ang electrical wire ng security room at utility room.

"Teka, teka. Namatay po yung ilaw sa Cafeteria." ani Daniel kung kaya't nag tungo si Ms. Acha sa pwesto ni Daniel.

Sumunod naman si Konnor nang biglang bumalik ang ilaw sa Cafeteria.
"Ay, bumalik ulit."

Muling nagtungo sa dating pwesto si Ms. Acha at hinanap ang electrical wire na konektado sa Cafeteria. Nang mahanap 'yon ay maingat nilang ginalaw ito hanggang sa tuluyang mag blackout ang buong Cafeteria.

•.•

Kaagad na nakahanap ng tiyempo si Agent Izan nang mag black out ang buong Cafeteria. Isa isa niyang napa tumba ang mga naka bantay na guwardiya. Nasa likod siya ngayon ng Cafeteria at pumasok sa loob ng masigurong wala ng mga nakabantay. Kinapa niya ang bawat pader nang muli siyang nakarinig ng mga yapak papalapit sa kinaroroonan niya.

"Anong nangyayari??" ani Ms. Merel habang pinagmamasdan ang patay sindi na ilaw sa loob ng laboratory. Bahagyang napangisi si Xeres matapos ay nilingon ang gawi ng Dean.

"They're here."

Flashback...

Kakagaling ngayon ng dorm ni Xeres ngayon nag tungo siya sa garden ng University  habang pinag mamasdan ang panyo ni Sir Izan nang matanaw niya sa kalayuan si Gadiel na mayroong kausap sa cellphone niya.

Naisipan niya itong lapitan nang hatakin siya ni Adrian patungo sa ilalim ng puno kung saan hindi sila makikita ni Gadiel.

"What the hell? What are you doing??" ani Xeres saka hinatak ang braso niya.

"I think I know who killed Vivana. Come with me."

Muli silang nag tungo sa loob ng Alderaan. Nang makapasok ay kaagad na ni-lock ni Adrian ang mga pinto.

Daglian niyang kinuha ang libro sa isang bookshelf na kanyang tinago at ipinakita ito kay Xeres. Nag pa palit palit ng tingin si Xeres sa libro at kay Adrian habang hinintay niya ang sasabihin nito.

Seksyon 2-C Where stories live. Discover now