V I E N T E U N O

19 6 17
                                    

CAPITULO 21

Vynette Nadia POV

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame.

Nasaan ako??

Marahan akong bumangon at nakitang walang katao tao sa loob ng clinic.

*clicked! *

Napalingon ako sa pintuan nang pumasok si Mia kasama ng Doctor.

"Gising ka na pala, Ms. Aranda." dagliang lumapit sa akin si Mia habang hawak hawak ang sumbrerong suot suot ko kanina.

"Ayos ka lang Vynette??" mababakas  ang pag a-alala sa kanyang boses. Ngumiti ako matapos ay marahan na tumango. Medyo nahihilo pa ako ngayon pero, kaya ko naman na.

Iniabot niya sa akin ang sumbrero. "Nahulog sa lupa kanina habang buhat buhat ka ni Xeres." automatiko akong napalingon sa kanya nang sabihin niya 'yon.

T-teka tama ba ang pag kaka rinig ko binuhat niya ako?!

"Nasaan sila??" pag iiba ko ng usapan matapos ay kinuha ko ang sumbrero na hawak ni Mia.

"Nasa may soccer field pa rin. Nag pa practice para dahil ipe present sa harapan nila Ms. Acha at Sir. Izan ang bawat steps at movements gamit ang arnis." dali dali akong bumaba sa hospital bed nang lapitan ako ng Doctor.

"Ms. Aranda. Kailangan mo munang mag pahinga isasagawa natin ang CT Scan mamaya base kasi sa sinabi ni Konnor at Xeres mukhang malakas ang pag kakatama ng bola sayo. Kahit mamaya ka na pumunta sa open grounds."

"Nako Doc. Ayos lang po ako. Okay naman na po ako ngayon. Mukhang kaya ko naman na po." pag dadahilan ko pa matapos ay isinuot ang sapatos ko nang marinig ko siyang napa buntong hininga.

"Sige. Pero, sa loob ng tatlong oras tubig lang ang inumin mo ha. Hindi ka pu-pwedeng kumain. Tapos bumalik ka dito kung hindi kami ang pupunta sa classroom mo." dagdag pa ni Doc kaya nag pasalamat ako sa kanya at tuluyan kaming lumabas ni Mia ng clinic.

"Salamat pala kanina ha."

"Ayos lang, Mia. Ano ba ang nangyari bakit ginulo ka nila??"

"Dahil sa mata ko." natigilan ako at nag tatakang lumingon sa kanya.

"Wala namang problema sa mata mo."

Baka sila ang may problema sa mata nila.

"Nung una kitang nakasalamuha sa hallway. Hindi ba't binigyan kita ng blangkong ekpresyon? Ganoon kasi ako kapag may nakikita akong pamilyar na tao. Kanina yung babaeng naka bangga ko, pamilyar siya. Ang dating sa kanya para bang nag hahamon ako ng away." saad niya habang patuloy kami sa pag lalakad.

Kaya pala. Akala ko katulad siya ng ibang estudyante dito na grabe lang kung maka tingin.

"Hala. Vynette ayos ka lang ba??" salubong ni Kesari nang makalapit ako sa kinaroroonan ng grupo nila. "Dapat nag pahinga ka muna. Excused ka naman sabi ni Sir. Izan at Ms. Acha." singit ni Riley kung kaya't mrahan akong dumistansya sa kanya.

Seksyon 2-C Where stories live. Discover now