D I E C I O C H O

31 5 14
                                    

CAPITULO 18

Vynette Nadia POV

*Siren*

Automatikong napa lapit sa aming pwesto si Konnor habang si Xeres naman ay malutong na napa mura nang makarinig kami ng siren na hindi namin alam kung saan ito nang gagaling. Hindi kami mag kamayaw sa pag hahanap ng aming pag tataguan.

"Anong nangyayari?" wika ko habang walang pa ring ideya sa nangyayari. Hinatak ako ni Xeres sa isang sulok samantalang, si Konnor naman ay sumunod sa amin.

Sabay sabay kaming napa takip ng aming mga tainga nang lalo pa itong lumakas.

"Hindi ko rin alam kung anong nangyayari. Wala naman akong natatandaan na ganitong pangyayari nung huling beses na nag karoon ng 3 months rule sa University na 'to." paliwanag ni Konnor.

Mag sasalita pa sana ako nang takpan ni Xeres ang bibig ko na aking ipinagtaka. Sumenyas lamang siya na wag akong maingay kasabay nang biglang nawala ang ingay ng siren.

*creak! *

Automatiko kaming napalingon sa likuran namin nang makarinig kami ng pag bukas ng pinto. Malapit sa aming pinag tataguan.

"Anong ginagawa niyo diyan??" bulong ng isang professor sa University.

"Dito. Dalian niyo." Daglian kaming nag si pasok sa loob ng isang kwarto malapit sa aming pinag tataguan. Madilim ang kabuuan ng kwarto at tanging liwanag ng buwan ang nag sisilbing ilaw sa loob ng kwarto sapat na ito para makita namin ang mukha ng bawat isa. Si Sir Izan pala ang narito.

"Bakit hindi pa kayo nag si pasok sa dorm niyo?" ani Sir Izan. Habang pasulyap sulyap sa maliit na bintana ng pinto.

"Sir. Nag usap usap lang po kami sa may garden." pag dadahilan ni Konnor habang pinapagpag ang sleeves niya.

"Ano po ang nangyayari??" wika naman ni Xeres habang naka upo sa hindi kalayuan at nag hahabol ng pag hinga.

"Wala rin akong ideya kung anong nangyayari. Napansin ko na lamang na biglang nag si pasok ang ibang mga staffs sa loob ng mga silid upang mag tago kung kaya't tumakbo ako rito at nasulyapan ko kayo." Hinarap kami ni Sir Izan habang sumusulyap sa kanyang relo.

"Ganito, makinig kayo sa akin sa oras na tumahik ang buong paligid bumalik na kayo sa dorm ninyo. Mas ligtas kayo doon." akmang babalik pa si Sir Izan sa dati niyang pwesto nang matigilan siya sa kanyang kinaroroonan kasabay nang pag alingawngaw ng isang matinis na tunog sa buong kapaligiran. Muli kaming napa takip ng aming tainga sa ikatlong pag kakataon.

"Sir! A-Ayos lang po ba kayo??!" daglian akong lumapit sa kanyang kinaroroonan habang pilit na binabalewala ang isang matinis na tunog nang bigla siyang mapaluhod habang hindi pa rin siya gumagalaw.

"A-ACKK!!" automatikong nanlaki ang mga mata ko nang makitang mayroong dugong lumabas mula sa kanyang bibig. Patuloy lang ito sa pag agos at hindi kami mag kanda ugaga sa aming pinaggagawa malaman lamang kung anong nangyayari sa kanya.

"Sir Izan!" tinapik tapik ni Konnor ang pisngi ng Professor na pilit pa rin na nag hahabol ng hininga.

*Blag!*

Agad kaming napalingon sa may pintuan nang marinig namin ang isang malakas na kalampag sa labas ng silid.

Lahat kami ay nakatingin lamang sa pintuan habang inaabangan kung may papasok ba sa loob ng silid. Nasa tabi lang ako ngayon ni Sir Izan habang inaalalayan siya. Mabuti nalang at tumigil na rin ang pag agos ng kanyang dugo subalit, hindi pa rin siya gumagalaw at dilat pa rin ang mga mata niya

Seksyon 2-C Where stories live. Discover now