T R E S

76 34 7
                                    

CAPITULO 3

Vynette Nadia POV

Hindi gaanoon ka layo ang pwesto ni Adrian sa pwesto ko kung kaya't napansin ko ang pag tulo ng kanyang mga luha.

"Adrian are you okay??" tinapik siya ng isang babaeng na mukhang ngayon ko lang nakita. May itsura at may katangkaran rin.

"Rileeeey!!" automatikong napaka takip ako ng tainga nang sumigaw si Kesari nang makita ang babaeng kararating lang. Maya't maya ay bumaling rin si Riley sa gawi ko at pansin kong natigilan rin sa kanyang ginagawa. Sumenyas si Kesari na lumapit ako at agad ko rin siyang sinunod.

"Ah. Siya nga pala si Vynette Nadia Aranda, Riley." pag papakilala ni Kesari at mukhang natauhan na rin si Riley.

"Hi, Vynette. I'm Riley Ara Herrera nice meeting you." bahagyang iniangat niya sa ere ang kamay niya kaya naman ay nakipag kamay ako matapos ay naupo siya sa isang bakanteng pwesto malapit kay Adrian.

Muli akong nag tungo sa pwesto ko. Hindi pa man ako nakaka upo nang may maramdaman akong yumakap sa aking likuran na aking ikinagulat. Automatiko akong kumawala sa pag kakayakap niya saka siya hinarap.

"What do you think you're doing?!" Salubong ang mga kilay na usal ko.

"I-I'm sorry. I thought you're V-"

"She's not her, she's not your ex-girlfriend Adrian." Napalingon ako sa pinang galingan ng boses, si Xeres. As usual walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. Matapos ay nilampasan kaming dalawa at lumabas ng classroom.

Ex-girlfriend?

*Brzzk!*


*Brzzk!*

Kinapa ko sa aking bulsa ang cellphone ko nang mag vibrate ito at nakitang tumatawag si Kuya Mack. Dali-dali akong lumabas ng classroom saka sinagot ang tawag habang nag lalakad.

"Hello po? Bakit po kayo napatawag?"

["Vynette. Ang katawan ng Ate Vivana mo ipapa-cremate sa Huwebes."]

"Ha?! Sino ang nag approve niyan?! Ako lang ang nag iisang ka pamilya niya. Ngunit, wala akong natanggap na patungkol diyan. I wanted her to be buried not cremated." napa takip ako ng bibig nang mapansin kong napatingin sa akin ang karamihan ng tao dito sa lobby dahil sa lakas ng aking boses. Pinipigilan ko na mai banggit ang pangalan ni Ate.

["Mamaya tayo mag usap sa bahay, bunso."]

"Sige po." usal ko saka pinatay ang tawag matapos ay napa buntong hininga.

"Don't mind him. Hindi niya lang siguro matanggap ang pag kawala ng girlfriend niya." napa lingon ako sa taong nag salita.

Konnor?

"Ahh. Sorry nakita ko kasi yung nangyari sa inyo kanina sa classroom niyo hehe." Para bang nahihiyang usal ni Konnor.

*Kringg!*

Isang tunog ang aming narinig na hudyat ng pagsisimula ng klase. Nag paalam na ako kay Konnor at saka naunang nag lakad.

"T-teka... Ihatid na kit-"

*Blag!*

Seksyon 2-C Where stories live. Discover now