N U E V E

44 15 15
                                    

CAPITULO 9

Mack Xavier Aranda POV

Tatlong araw bago ang cremation.

Daglian akong nag punta sa Crematorium nang maka tanggap ako ng tawag sa aking secretary na ipapa-cremate ang katawan ni Vivana. Natawagan ko na si bunso patungkol dito at mamaya na lamang kami mag uusap. 

"Atty. Aranda. Nasa loob po." Salubong sa akin ni Castillo, ang aking secretary, nang makarating ako. Humugot ako ng malalim na pag hinga saka pumasok sa loob.

Flashback- 

Tatlong oras pagka tapos ng pag kamatay ni Vivana. 

"Hinding hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa Ate ko!" naaawa akong napalingon kay Vynette na nag pipigil ng galit. 

"Autopsy. Gusto kong isagawa ang autopsy sa katawan ng Ate ko. Kuya Mack, tulungan mo ako." napa buntong hininga ako saka siya niyakap. 

"Promise, tutulungan ka ni Kuya." sagot ko saka kumalas sa pag kakayakap at hinarap siya. Mugtong-mugto ang mga mata niya ngayon. 

"Sigurado akong pinatay si Ate Vivana." aniya habang nakatingin sa kawalan. 

End of Flashback-

"Ay, siya nga pala. Nakumpirma mo na ba kung sino ang nag approve ng cremation?" Muli kong tanong kay Castillo dahilan para mag iwas siya ng tingin. 

"Hindi pa, Atty. Ang hirap mangalap ng impormasyon." usal niya at hinimas pa ang batok niya. 

•.•

Napa sapo ako sa aking noo nang makalabas kami ng Crematorium. "Atty. Ako na po ang bahala dito." dismayado akong napalingon kay Castillo.

"Sigurado ka?" 

"Kayang kaya ko na po, Atty." napa buntong hininga na lamang ako saka tinapik siya sa kanang balikat at tuluyang umalis. 

Hindi kami makapsok sa loob kung na saan ang container ng katawan ni Vivana sa kadahilanang maraming guwardiya ang naka bantay dito. Nag tungo ako pabalik ng Office at tinapos ang ibang mga papeles nang makatanggap ako ng tawag mula kay Castillo. 

["Mamayang alas diyes nang gabi ay babalik kami."] 

"Mag iingat kayo." wika ko matapos ay pinatay ko ang tawag. 

Third Person POV 

Lumipas ang ilang oras at sumapit ang alas diyes ng gabi. Muling nag tungo sa Crematorium sila Castillo kasama ang dalawa niyang tauhan.

*clicked!*

"Jose dito." senyas ni Castillo sa kasamahan niya saka ito tumuloy papasok sa loob ng Crematorium. Napaka tahimik at binabalot ng kadiliman ang buong paligid kung ito'y susuriin.

"Agent Castillo dito po." wika ng isang kasamahan nila nang makita ang kinalalagyan ng container ng katawan ni Vivana.

Kaagad nilang nilipat sa isang container ang katawan ni Vivana. Marahan nilang inilabas ang container na hawak nila saka nag tungo sa kanilang sasakyan.

"Mernard. Ikaw na bahala sa Crematorium. Hihintayin ka namin dito." utos ni Agent Castillo sa isang kasamahan niya.

"Yes, Agent."

Maingat siyang nag tungo sa container na kanina'y kinalalagyan ng katawan ni Vivana sa loob ng Crematorium. Saka ito nilagyan ng manika na kamukhang kamukha ni Vivana. Ipinasadya nila ito na halos inabot rin ng halos ilang araw hindi mo talaga mahahalatang isa itong manika. Dagliang nag tungo sa may security area si Mernard at tinanggal ang cctv footage kung saan nakita o nahagip sila sa loob ng Crematorium saka siya tuluyang lumabas at pumasok sa loob ng van.

Sa kabilang banda, si Attorney Mack Xavier naman ay nag aalalang naka tingin sa isang papel na hawak niya—ang sulat ng kanyang kapatid.

'Kuya, pasensya na po kung hindi po ako makakapag paalam ng personalan sa inyo nag hihintay na po kasi yung mga guwardiya sa labas. Nag karoon po kasi ng 3 months rule ang Unibersidad. Sa ngayon ay hindi ko pa po alam ang magiging takbo nitong 3 months rule ang alam ko lamang po ay hindi na muna ako makakauwi sa loob ng tatlong buwan.

Huwag ka na po mag alala, kayang kaya ko na po sarili ko. Yung pa tungkol naman po sa cremation ng katawan ni Ate Vivana, kayo na po ang bahala. Love you po, Kuya.'

Nai-hilamos ng hindi oras ni Attorney Mack ang kanyang dalawang palad sa kanyang mukha nang mabasa niya ang sulat ng kanyang kapatid.

'Just wait, bunso. I' ll bring justice to your twin.'

*Brzzk*

*Brzzk*

"Hello, Agent Castillo. " wika ni Attorney Mack.

["Nadala na po namin sa hospital ang katawan upang maisagawa na ang autopsy. Hintayin nalang po natin ang resulta mamayang alas otso ng umaga."] ani ni Agent Castillo.

["Atsaka Castillo nalang po, Attorney. Parang wala naman tayong pinagsamahan.] natawa na lamang si Attorney sa sinabi ng kanyang secretary nang mayroon siyang maalala.

"Sandali, hindi ba't sabi mo may kasamahan ka na undercover agent?" pahabol ni Attorney.

["Ahh.. Si Agent Mendoza po, Attorney."] sagot ni Agent Castillo sa kabilang linya.

"Can you contact him??"

["I'll send you his number, Attorney."]

"Salamat, Castillo." matapos ay pinatay ni Attorney Mack ang tawag.

Naisipan na itanong ni Attorney Mack  'yon kay Agent Castillo upang ma kumpira kung tama ang pag kakaalala niya sa kanyang nakalap na impormasyon.

Wala pang ilang minuto ay nakatanggap ng text message si Attorney Mack at ka agad niya itong sinave matapos ay sinendan ng message.

•.•


Nagising si Attorney mula sa mahimbing na pag kaka tulog nang makatanggap siya ng tawag. Kinapa niya ang kanyang bedside table  at sinagot ang tawag. 

"Hello?" tanong niya sa kabilang linya. 

["Magandang umaga, Attorney Mack Xavier Aranda."] bati ng nasa kabilang linya. Napa balikwas si Attorney nang mapag tanto na si Agent Mendoza ang kanyang kausap. 

"Agent Mendoza??" paninigurado pa ni Attorney.

["This is Agent Izan Dario Mendoza speaking.."]  

Someone's POV 

Alas sais na ng umaga at medyo may kadiliman pa rin ang bumabalot sa loob ng Unibersidad. Narito ako sa may Cafeteria habang tinatanggal ang aking nadumihang gloves at itinapon ito sa basurahan. Kasabay nang pag pasok ng isang lalaki.

"Oh, magandang umaga po, Sir." bati niya saka kumuha ng tray. 

"Magandang umaga rin sayo Sir. Izan Dario Mendez." bati ko dito habang nakatingin sa kanyang name tag sa kanang bahagi ng kanyang polo. Nginitian niya lamang ako matapos ay nag tungo siya sa counter upang kumuha ng kanyang makakain. Tinapunan ko siya ng masamang tingin at kaagad din natauhan nang makarinig ako ng mga yapak at ingay ng mga estudyante na nasa hallway papasok sa Cafeteria. 

Pa simple kong inayos ang aking kurbata saka pa simpleng lumabas ng Cafeteria. Sa bawat estudyante na aking makakasalubong ay puro pag bati ang aking natatanggap.  

Seksyon 2-C Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon