V I E N T E T R E S

18 6 11
                                    

CAPITULO 23

Xeres Fresco POV

Naka sandal ako ngayon sa puno habang hindi pa rin alam ang susunod na gagawin.

"Atty. Aranda. Hindi po maaari." napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at na estatwa nang mapansing nakatayo si Sir Izan malapit sa kinaroroonan ko habang may kausap sa cellphone niya.

"Ako na po ang bahala..." naisipan kong mag paka layo layo muna dahil mukhang importante ang pinag uusapan nila nang agad rin akong matigilan.

"Huwag po kayong mag alala. Sinisigurado ko po ang kaligtasan ni Ms. Aranda..." mahina ang kanyang boses pero, sapat na para marinig ko. Umalis ako sa kinaroroonan ko matapos ay hinarap si Sir Izan. Binaba niya ang cellphone niya habang walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.

"Mr. Valenciano. What are you doing her-"

"Ano po ang ibig ninyong sabihin kanina??" pag puputol ko sa sasabihin niya. Bahagya nalamang akong natawa sa ginawa ko.

Bobo, Xeres! Wag kang mag pa dalos dalos. Hindi mo alam kung ano talaga ang motibo ni Sir.

"Never mind. I'll just pretend I never heard anything."

Tinalikuran ko si Sir Izan at nag lakad pa balik sa classroom. Nang masagi ko si Ms. Merel. Humingi ako ng paumahin ngunit, hindi niya ako pinansin at nag madaling nag lakad palayo. Pinanood ko lamang siya nang mapansin ko ang hawak niyang brown envelope.

This seems so familiar.

Palihim ko siyang sinundan. Nag tungo siya sa may Dean's Office ngunit, hindi pa man siya nakakapasok nang mag bukas ito at lumabas si Adrian at nabitawan ni Ms. Merel ang envelope na hawak niya. Pinulot ni Adrian ang envelope matapos ay binigay ito kay Ms. Merel. Pinagmamasdan ko lamang sila sa kalayuan nang yakapin siya ni Ms. Merel. Pilit na kumawala si Adrian at hindi na siya nilingon pa.

"Akin ka lang! Tandaan mo 'yan!" Sigaw ni Ms. Merel matapos ay malakas na sinara ang pinto ng Dean's office. Hindi ako umalis sa pwesto ko kung kaya't napansin ako ni Adrian.

"X-xeres.." nanlalaki ang matang usal niya.

"Bakit parang naka kita ka ng multo?" Naka pamulsang litanya ko habang sinusuri ang kanyang ekspresyon. Sinundan ko siya ng tingin nang lampasan niya lang ako.

"Look, Xeres. Yung nakita mo kanina walang na-"

"Have you seen what's inside the envelope?" Pag puputol ko sa sasabihin niya dahil wala naman na akong balak alamin pa ang namamagitan sa kanila ni Ms. Merel.

"Ahh...Oh." Natigilan siya matapos ay hinarap ako. Sinuri niya ang paligid bago nag patuloy sa pananalita. "Let's talk later. After class."

•.•

Narito kami ngayon sa garden. Katatapos lang ng klase namin. "So, tell me. What did you sa-"

"Her blood test. Vynette Nadia's blood test." salubong ang kilay na napalingon ako sa kanya.

"Her bloodtest?? Ha! Teka paano nil-"

"I'm they took it the whole day she went missing, kahapon." wika niya matapos ay humalukipkip.

"We must get her out of here bago pa mahuli ang lahat." bahagya akong natawa sa litanya niya.

"You should've done that at first, Adrian." usal ko matapos ay tinalikuran siya.

Third Person POV

Flashback
Araw ng incidente.

"ACKKKK!!" nag pupumilit kumawala ang isang babae mula sa pag kakatali sa kanya sa upuan.

"Sir. Kailangan po natin siyang pag pahingain. Sa oras, na to ay babagsak na ang katawan ni 932." nag aalalang wika ng isang babaeng naka suot ng labcoat.

"Itigil niyo." utos ng isang may edad na lalaki.

Kaagad namang tinanggal ng babaeng naka labcoat ang mga naka dikit sa katawan ni Vivana matapos ay inalalayan itong tumayo.

"Merel. Ihatid mo siya sa kwarto niya." dagdag pa ng lalaki. Inilabas niya ito ng laboratoryo at nag tungo sila sa kakahuyan malapit sa Unibersidad. Patuloy sila sa pag lalakad nang biglang tumumba sa lupa ang babaeng may hawak kay Vivana na si Merel.

"Dali! Itatakas kita dito." litanya ni Adrian na kanina pa pala niya sinusundan sila Vivana nang makita niyang lumabas sila sa likod ng Cafeteria. Hinila ni Adrian si Vivana ngunit, hindi pa man sila tuluyang nakakalayo ay bumigay ang mga paa ni Vivana dala ng pag e-experimento sa kanyang katawan.

Walang nagawa si Adrian kung hindi buhatin siya at nag paka layo layo sila. Ang hindi nila alam ay mayroong daanan palabas ng Universidad sa loob ng kakahuyang iyong. Nag tagumpay si Adrian. Nailabas niya si Vivana Naira Camero at naisipang dalhin ito sa kanyang orphanage nang mapagtanto niyang dala-dala niya ang kanyang cellphone na mayroong naka install na tracker.

"Vi. Kaya mo pa bang mag lakad??" tanong ni Adrian kay Vivana. "Kaya ko na kahit papaano. Kaya ibaba mo na ako." ibinaba ni Adrian si Vivana matapos ay hinarap ito.

"Malapit na ang orphange mo dito. Babalik ako sa main road para itapon itong cellphone ko baka kasi masundan tayo." paliwanag ni Adrian matapos ay nag paalam kay Vivana saka tuluyang umalis.

Pilit na nag lakad sa eskinita si Vivana. Ang buwan ang nag sisilbing liwanag ngayon ni Vivana sa kanyang dinadaanan. Kampante siya marahil malapit nalang din ang kanyang orphanage nang maramdaman niyang may nakasunod sa kanya. Pa simple niya itong nilingon at nakita ang isang misteryosong lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Nanlaki ang mga mata niya nang mamukhaan niya ito kung kaya't tumakbo siya palayo habang walang suot na pang yapak.

Sa kabilang banda, si Adrian ay nag tungo sa main road at doon iniwan ang cellphone niya. Matapos ay nag tungo siya sa orphanage para tingnan kung nakarating na ba doon ng ligtas ang kanyang nobya. Ngunit, agad rin naman siyang nanlumo nang hindi na naka balik pa si Vivana.

Kaagad siyang lumisan ng orphanage at hinanap si Vivana. Para bang nabunutan siya ng tinik nang makita niya ito na nakatayo sa may tindahan habang may kausap sa telepono.

"Nandito ka lang pala." bulong ni Adrian saka nag lakad papalapit sa gawi ni Vivana nang biglang tumakbo papalayo si Vivana na kanya namang ipinag taka.

"Vivana!! Sandali lang!" sigaw ni Adrian. Ngunit, hindi siya narinig nito epekto ng pananakit ng tainga ni Vivana. Hindi pa man niya nalalapitan si Vivana nang makarinig siya ng malakas na pag busina. Natigilan siya pag lalakad kasabay nang paglapit ng lalaki sa kanyang likuran at walang anu-ano'y hinampas si Adrian. Itinabi ng lalaki sa gilid si Adrian matapos ay muli niyang sinuri ang sitwasyon ni Vivana saka tuluyang umalis. Walang ka malay-malay ang misteryosong lalaki na nahulog sa lupa ang safety pin ng kanyang suot na uniporme.

End of Flashback.

Seksyon 2-C Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon