O N C E

36 7 25
                                    

CAPITULO 11

Xeres Fresco Valenciano POV 

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng bintana habang pinag mamasdan si Vynette na kausap si Adrian. Sinundan ko lamang siya ng tingin nang marinig ko ang sinabi ni Adrian.

"I'm sorry Vivana. I was not able to protect you." natigilan siya sa harap ng whiteboard. 

Tch.

Mamaya maya'y napansin kong lumabas ng classroom si Vynette kung kaya't naisipan kong palihim siyang sundan. Nag tungo kami dito sa garden ng University.

"You're just going to stand there? Ayaw mong umupo?" lumabas ako sa pinagtataguan ko nang marinig kong mag salita si Vynette saka siya napatingin sa akin.

Tumikhim lamang ako matapos ay naupo sa tabi niya. "Is she happy here?" rinig kong tanong niya.  

Flashback- 

November  21, 2019  

Kakalabas ko lang ngayon ng library at naisipang mag tungo sa garden nang maka salubong ko sa hallway si Ms. Merel Duana. Bahagya akong napa yuko at binati siya upang mag bigay galang. Ngunit, mukhang hindi niya ako pinansin at nag patuloy lang siya sa pag lalakad na aking ipinagtaka marahil palagi naman siyang bumabati pabalik kapag may nakaka salubong siya. 

Muli ko siya nilingon at pinanood na nag lalakad nang mapansin kong hawak hawak niya ang isang brown envelope. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at nag lakad pa tungo sa garden. Napa irap nalang ako nang mapansin kong nandito si Adrian. 

"Anong ginagawa mo dito?"  wika ko matapos ay naupo sa bench. 

"Umalis ka diyan, doon ka sa kabila." reklamo pa ni Adrian kasabay nang pagdating ng isang babae. Maikli ang buhok nito at may itsura. 

Ngayon ko lamang siya napansin dito sa loob ng University. O baka sadyang hindi ko lang talaga binibigyang atensyon ang mga tao sa loob ng classroom? Kung kaya't hindi ako pamilyar sa mga itsura nila maliban kay Adrian. "Vivana, tara dito." pag anyaya ni Adrian nang makaalis ako sa aking kinauupuan.

"Hindi ba nakakahiya sa kanya? Pinaalis mo pa pwede naman tayo ang lumipat." rinig kong sabi ni Vivana saka umupo sa bench.

"Huwag mo ng pansinin 'yan. Siya nga pala, kailan ka free? Ipapakilala kita kay Dad." 

Tsk. 

Kaagad akong tumayo sa aking kinauupuan at lumipat ng pwesto upang hindi ko sila makita. Naiirita lang ako sa ka-sweetan nila. Ang tagal naman kasi mag break ng  section 3-A. 

"Sa weekends." sagot ni Vivana

*squeak* 

*squeak* 

*squeak* 

Napalingon ako sa hamster na nag lalakad matapos ay kinuha ko 'yon at nilagay sa tabi ko. Kakahintay ko sa break ng kabilang section, hindi ko namalayang nakatulog ako. 

•.•

"Uhmm... Psst."

Nagising ako nang may kumalabit sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at napansing nakatayo si Vivana sa harapan ko. 

"Malapit na ang next class. Bumangon ka na diyan." saad niya dahilan para mapa upo ako sa bench matapos ay nag-stretching pa bago tuluyang tumayo. 

Seksyon 2-C Where stories live. Discover now