D O C E

31 5 34
                                    

CAPITULO 12

Vynette Nadia POV

Narito pa rin ako sa garden. Mayroon na lamang akong dalawang oras na natitira para sa susunod na klase.

"Oh, tubig." napalingon ako kay Xeres na nakatayo sa harapan ko at iniabot sa akin ang plastic bottle. Inirapan ko lang siya habang patuloy pa rin ang pag hikbi ko.

"Inumin mo na. Hindi titigil 'yan pag hikbi mo." saad niya pa saka inilapag sa tabi ko yung bottled water. Hindi ko magawang humarap sa kanya ngayon marahil sa na sabi ko sa kanya.

Nakakahiya.

"Ehem." napalingon kami sa lalaking nag lalakad papalapit sa amin. Pasimple akong umiwas ng tingin sa kanya at pinahid ang naman ang namamasa kong mga mata.

"Adrian? Why are you here?" bihira ko lamang kasi siya makita na gumagala sa University. Palibhasa abalang abala siya sa mga gawain niya sa Student Council.

"Tch." nag iba ang ekspresyon ni Xeres nang makita niya si Adrian.

"Hmm?? Nag papahangin lang. Sakto nakita ko kayo dito sa garden. Tapos tatapusin ko na rin ang natitirang papeles na ibinaba ng Dean." sagot ni Adrian saka pumagitna sa amin ni Xeres. Marahan naman akong umusog marahil baka masikip sa pwesto ni Xeres.

"Ano ba, Adrian? Nang aasa-" hindi natapos ni Xeres ang sasabihin niya nang umakbay sa kanya si Adrian matapos ay hinila siya palayo sa kinauupan niya.

"Mr. Vice President sumama ka sa akin may kailangan pa tayong tapusin." wika ni Adrian habang si Xeres naman ay pilit na kumakawala sa pag kakaakbay ni Adrian. Pinanood ko lamang sila na papalayo sa akin hanggang sa mag laho sa aking paningin.

Napa sandal na lamang ako sa puno at muling tumingin sa cellphone ko upang alamin kung ilang oras na lamang ang natitira bago mag umpisa ang susunod na klase ko.

"Ahh..." napabuntong hininga ako at nai-hilamos ko ang kamay sa aking mukha nang makitang may isang oras pa ako.

Tumayo ako sa aking kinauupuan saka nag tungo sa Cafeteria baka sakaling magutom ako kapag nakakita ako ng mga pagkain.

"Miss. Pwede maki upo?" napalingon ako sa lalaking nag salita. Pinagmasdan ko siya at masasabi ko na may edad na rin ang itsura niya. Isa siyang trabahador o propesor sa Unibersidad marahil sa name tag sa kaliwang bahagi ng kanyang damit. Pamilyar ang mukha niya.

"Miss??" natauhan ako nang magsalita siya.

"A-ahh. Opo. Sige po." pasimple akong napatingin sa name niya marahil sa nag tataka ako sa kulay nito. Pula. Samantalang ang name tag naman ng mga propesor dito ay asul.

'Dean?'

"Bakit nga pala nag iisa ka dito?" tumikhim ako nang tumingin siya sa akin. Malalim at malumanay ang tono ng boses niya hindi ko alam pero, kinabahan ako. Pati na rin sa mga tingin niya.

"May ginagawa po kasi ang mga kaibigan ko po." pag dadahilan ko kahit na hindi ko alam kung na saan ngayon sila Kesari.

"I see. What class are you from?" nag iwas na ako ng tingin marahil naiilang na ako sa mga tinginan niya.

"Class 2-"

"Magandang hapon po, Mr. Demetrio." automatiko akong napalingon sa nag salita nang marinig ang boses na 'yon.

"Ayos ka lang, Adrian??" umusog ako sa aking kinauupuan nang mapansing hapong-hapo siya matapos ay sumenyas na umupo sa tabi ko.

Adrian Jules POV

Seksyon 2-C Where stories live. Discover now