V I E N T E C I N C O

18 6 13
                                    

CAPITULO 25

Kesari Dulce POV

"Riley! Vynette!!" hindi mag kamayaw na sigaw ko at nilapitan sila nang sabay silang nahimatay sa loob ng classroom. Kaka umpisa palang ng break time namin at halos ay lumabas ng classroom.

"Geez. Ano ba ang nangyayari sa inyo?? Help!! Hindi ko kayo kaya buhatin at dalhin sa clinic ng sabay!!" natataranta ako ngayon. Hindi ko alam ang gagawin. Puros babae ngayon ang naiwan sa loob ng silid at karamihan ay petite pa.

"Hey! Ikaw tumawag ka ng mga lalaki para madala sila sa clinic." utos ko sa isang kaklase namin na kaagad din naman niyang sinunod. Wala pang ilang minuto nang pumasok si Konnor kasama si Daniel.

Binuhat ni Konnor si Vynette samantalang, si Riley naman ay binuhat ni Daniel. Dali-dali kaming nag tungo sa clinic hindi na namin pinansin pa ang titig nga mga ibang estudyanteng nakaka salamuha namin sa hallway.

"Hanggang dito na lamang kayo." hinarang kami ng nurse nang makarating kami sa labas ng clinic. Ipinasok nila Konnor sila Vynette at Riley sa loob ng Clinic ngunit, sila rin ay agad na pinalabas.

"Balik na ako sa classroom namin. Balitaan niyo nalang ako, Kesari, Konnor." paalam nung kasama ni Konnor.

"Salamat, Daniel."

Wala na kaming nagawa ni Konnor at napa upo na lamang sa bench sa labas ng clinic. Makalipas ng ilang minuto nang makarinig kami ng mga yapak papalapit sa kinaroroonan namin. Sabay kaming napalingon ni Konnor sa pinanggalingan ng ingay. Tumatakbong palapit sa amin sila Adrian at Xeres. Samantalang, si Gadiel naman ay kalmadong nag lalakad.

"A-anong nangyari??" nag hahabol hiningang wika ni Xeres nang makalapit sa amin matpos ay sumilip sa maliit ng bintana sa pinto ng clinic.

"Bigla nalang silang nahimatay."

"Saan na naman ba kayo nag punta ha??!" automatiko akong napalingon kay Konnor nang lumakas ang tono ng boses nito.

"Sorry.." pag papaumanhin ni Adrian. Napa singhap si Konnor matapos ay tumayo saka sumenyas kila Adrian at Xeres at nag paalam sa amin. Naiwan kami ni Gadiel sa labas ng clinic samantalang, silang tatlo ay nag lakad palayo sa amin.

Napa sandal ako sa aking kinauupuan habang pinag mamasdan ang tatlong nag lalakad nang mapansin kong nakatingin rin si Gadiel sa kila Xeres.

"Balik na tayong classroom." ani Gadiel na ipinag taka ko.

"Eh, nasa clinic pa sila Riley. Hintayin nalang natin sasabihin ng Doctor saka tayo bumalik."

"Wag na. Ayos lang sila. Mamaya babalik na rin sila sa classroom." wika niya matapos ay nag lakad papalayo. Napa buntong hininga na lamang ako at bumalik na rin sa loob ng classroom.

Xeres Fresco POV

"What are you guys trying to do?? Alam kong may pinaplano kayo." ani Konnor habang naka halukipkip sa harapan namin.

"We'll escape..." napa tingin ako kay Adrien nang walang alinlangan niya itong sinabi sa harapan ni Konnor.

Aaminin ko noong nalaman kong hindi si Adrian ang lalaking nakita ko, nakonsensya ako marahil sinisi ko siya. Dahil sa buong akala ko'y hinayaan niya lamang mamamatay si Vivana.

"Itatakas namin si Vynette sa mala impyernong Unibersidad na 'to bago pa mahuli ang lahat..." saad ko habang nakatingin kay Konnor.

"Nasisiraan na ba kayo??"

"Hindi ko man nailigta-" hindi natapos ni Adrian ang sasabihin niya nang pagtaasan siya ng boses ni Konnor.

"Hindi ako makakapayag! Paano nalang kung dahil sa pag gawang pag takas niyo mas maging alanganin ang buhay ni Vynette?!"

"Gadiel will help us, Konnor. Kaya wag ka ng mag alala." saad ko pa makapang palubag loob man lang. Ngunit, sarkastikong natawa lang si Konnor at mas lalong sumama ang tingin sa aming dalawa.

"Ha! Mas lalong hindi ako papayag!! Itigil niyo 'yang pinaplano niyo kung ayaw niyong pati kayong dalawa mapahamak."

Tinalikuran kami ni Konnor saka tuluyang umalis dito sa garden.

Iritadong napasuntok ako semento at malutong na napamura matapos ay kaagad rin pilit na kinalma ang sarili.

Tangina mo, Konnor! Then I guess we'll do it on our way.

Inis akong umalis ng garden at nag tungo sa lobby nang mapansin kong nag kukumpulan ang batch level namin sa harapan ng bulletin board. Napa buntongg hininga ako nang mapagtantong may iilang oras nalang ang natitira bago ko tanggalin ang pinost namin ni Adrian.

Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko at nakitang 9 am na. Napa sapo ako sa noo ko nang mapansing hindi na ako naka attend ng pangalawang klase namin.

May anim na oras pa ang natitira bago ko tanggalin ang nailagay namin ni Adrian sa main bulletin. At may isa't kalahating oras pa bago mag umpisa ang susunod na klase ko kung kaya't naisipan kong bumalik nalang sa dorm namin.

Tahimik akong nag lalakad sa hallway ng dorm nang mayroon ako natanaw sa kalayuan na dalawang misteryosong lalaki na nakatayo sa labas ng room na tinutuluyan nila Vynette.

Automatiko akong napatago sa isang sulok nang lumingon sila sa gawi ko. Dala ng curiosity pasimple akong sumilip. Naka tayo lamang sila sa labas ng kwarto nila Vynette nang lumapit ang isang lalaki at kay hirap-hirap na binuksan ang kwarto nila.

Marahan akong umalis sa pinag tataguan ko nang pumasok sila sa loob ng kwarto nila Vynette. Kailangan malaman nila ito malaman.

Dali-dali akong lumabas ng dorm nang masagi ko si Sir Izan dahilan para matapunan ako ng kape sa uniform.

"Hala! Pasensya na Mr. Valenciano" pag papa umanhin ni Sir Izan matapos ay iniabot ang panyo niya. Kinuha ko naman 'yon nang mapansin kong sinuri niya ang kapaligiran.

"Bakit po? May hinahanap po ba kayo??" nag tatakang wika ko habang pinupunasan ang nabasang parte sa uniform ko.

"Ah.. Wa-"

"Nasa loob po sila ng dorm. Pinasok po nila ang dorm nila Vynette." walang alinlangan na saad ko.

"Mauuna na po ako. At bukas ko na rin po ibabalik itong panyo niyo." paalam ko matapos ay tinalikuran si Sir. Hindi pa man ako nakakalayo nang marinig ko siyang nag salita.

"You didn't hesitated. " nag tataka ako napalingon kay Sir Izan na ngayon ay nakatingin sa gawi ko.

"I may not know fully know you. I don't know what your motive is. But, all I know is that I can trust you, Sir. I saw how sincere you are earlier, Sir Izan." saad ko pa saka tuluyang lumisan.

Seksyon 2-C Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon