Twelve

182 6 0
                                    

Bungad saamin pagpasok sila Royal Kheem at Royal Keurth. Kino-control ni Royal Kheem ang mga bagay na nasa baligid niya. Habang si Royal Keurth naman ay kasama Royal Coleen, pareho silang dalawa ng kapangyarihan, ang electricity.


Nakita nila ako at tinuro ang stadium. Malamang nandoon si Queen Gal. Kailangan ko na magmadali, kakaunting oras nalang ang meron ako. Nakapaikot sa Sacred Pagonia Circle ang Pamerochity at Seriousity.


Nagulat ang EEs at SB nung nakita nila ako. Hinawakan ko ang air symbol at tinutok sakanila ang hangin. Sa kaliwang kamay ko ay hangin ang cinocontrol ko, sa kanang kamay naman ay apoy. Nalalaman at nararamdaman ko kung pano nila ako aatakihin dahil nababasa ko ang iniisip nila.


Tumakbo at tumalon papunta sakin si Ana pero natamaan ko siya ng fireball kaya natumba siya. Madami pa ang lumapit sakin pero hindi nila ako nadaplisan nang kahit ano.


Nilabas ko ang espada na meron ako para makipaglaban ng physical. Inalala ko nang mabuti lahat ng mga tinuro nila sakin. Nasa likod ko si Chin at Jaymee. Magkakatalikuran kami laban sa anim. Na-out of balance ako nung sumipa ako buti nalang ay nasipa ni Chin yung isang bampira. Si Jaymee naman ay cinover kaming dalawa.


Binato ko ng balisong yung bampira na muntik na matamaan si Dawn.


"Thank you!" sigaw niya. Ngumiti ako at tinuloy na ang pakikipaglaban.


Meron na akong nga sugat at ang puting halter top ko ay may bahid na ng dumi at dugo. Natanggal na rin ang ipit ng buhok ko at natira nalang ay yung maliliit na tirintas.


Tumalsik ang espada ko kaya nakahanap ng oppurtunity si Kylie na kunin ang bag ko. Nagpanggap ako na nagaalala sa bag. Hindi ko na siya nahabol dahil binantayan siya ng mga dark sorcerers. Delikado na sumugod ako papunta sakanya.


Tumingin ako kay Prince. Tumango siya saakin. Ibig sabihin ay ligtas ang Ithrincht. Ang nasa bag ko ay ang pekeng libro. Nakay Royal Coleen ang totoong Ithrincht. Magkikita kami sa baba ng Sacred Pagonia Circle.


"Gwy sa likod mo!" sigaw ni Kylene. Nagteleport siya sa likod ko para iligtas ako. Tumango ako sakanya, bumalik na siya sa pwesto niya kanina.


Si Leslie naman ay kasama si Nath. Dinadamay siya sa invisiblity nito para gamutin yung mga nanghihina. Lumapit sila sakin para pagalingin yung mga sugat ko. Hindi ko namalayan na malaki at malalim pala ang sugat ko sa braso. Natamaan ata ni Oliver kanina ng balisong niya.


Si Jaff at Nina ay nagsama para protektahan si Royal Coleen. Electricity, laser at tubig kaya hindi sila malapitan ng mga dark sorcerer. Tinapatan sila ng parehas na kapangyarihan kaya medyo nahirapan sila.


Si Ela at Eka ay magkasama na ginagamit ang hangin. Once na mainhale 'yon ng kalaban ay magugulo ang utak nila. Distraction lang ito dahil tumatagal lamang yun ng limang segundo dahil hindi kinakaya ng kapangyarihan nila Ela at Eka nang matagal.


Sila Liya, Relly, Jeremy, Keila at Dawn ay nagaabang sa taas. Nakahanda na sila at nakapalibot sa Sacred Pagonia Circle. May mga pana at baril sila para matulungan ako na makarating sa taas.


Sila Bea, Lindsey at Jash naman ay nasa baba ng hagdan papunta sa taas. Nakaabang na sila doon para bantayan. Si Marc naman ay ginawang messenger dahil sa sobrang bilis niya kumilos.


Napatigil kaming lahat at napatigil sa taas. Si Krievleathe at Queen Gal ay nagtatalo sa taas. Naglalaban ang dark magic at ang ilaw na nilalabas ni Queen Gal. Nakakasilaw ang parehas na magic, ang dark magic ay may halo na kulay green na kumikintab. Ang light magic naman ay may halong gold na kumikintab din.


Frost Academy [ Short Story ]Where stories live. Discover now