Three

424 24 10
                                    

"Tell me about yourself." sabi ni Prince. Luh ano 'to? Job interview? Charot lang. Pasalamat ka gwapo ka.


"Tanong ka nalang tapos sasagutin ko." sabi ko sakanya at sumubo ng pagkain.


"Where did you grow up? Family?" casual niyang tanong sabay higop sa latte niya.


"Bhattahan. May dalawa akong kuya, sina Kuya Weng at Kuya Yanyan. Mga magulang ko ay sila Mama Nette at Papa Lenn." sagot ko sakanya.


"How about your powers?"


"Writer kasi ako. Part ako ng journalism sa school ko dati tapos nakakahalata na ako na halos lahat ng sinusulat ko nagkakatotoo. Kumbaga yung mga simpleng bagay lang." Tumango lang siya at kumain ulit.


"Ay! Nagulat ako dati, biglang naging blue tas yellow yung mata ko. Tapos after non, tada welcome to frost academy!" sabi ko sabay ngiti kasi naalala ko yung taranta naming lahat non, nadulas pa si Kuya Yanyan sa hagdan kamamadali.


Tumawa lang siya at tinuloy na yung pagkain. Wala namang masyadong nangyari dahil kinilala lang namin ang isa't isa. Nagsalitan kami ng tanong tungkol sa sarili.


Nasa ibang bansa daw ang parents niya kaya si Principal Peinnelope muna ang nagalaga sakanya simula pagkabata. Wala siyang powers pero half tao siya at half vampire kaya nakapasok siya sa academy.


Nagkwento din siya tungkol sa buong kaharian ni Queen Gal, ang Pagonia. "Bam" naman ang tawag sa mga part ng royal family.


Nakakalungkot lang daw na ang kaisa-isahang anak ni Queen Gal ay nawawala. Hindi nila alam kung patay o buhay pa kaya ipinatayo nila ang Frost Academy. Inaasahan daw nila na makikita nila ang anak niya sa pamamagitan nito.


Ang Seriousity at Pamerochity pala ang inaasahan na magtatanggol, magaalaga at magpoprotekta kung sakaling dumating na ang anak ni Queen Gal. Umaasa sila na buhay pa kasi nakasaad sa propesiya na ang prinsesa lang ang makapagsasaayos ng buong kaharian.


"Are you done?" tanong niya. Tumango ako at pinunasan ang bibig ko para makaalis na rin kami. Medyo gabi na at maaga pa ang training bukas dahil malapit na ako Axtheer Power Simulation.


Hinatid niya ako sa Tower F, ayaw ko nga sana kaso nagpupumilit siya kaya hinayaan ko nalang.


"See you tomorrow." sabi niya at binigyan nanaman ako ng mamon. Crush talaga ako neto, pusta ko buong powers ko. Charot.


"See you." sabi ko nalang at nagwave.


Umakyat na ko sa room ko para magpahinga saglit at magayos. Pagkatapos ko gawin lahat ng night routine ko ay inayos ko na ang mga dadalhin ko bukas dahil maaga daw ang training. Malapit na rin kasi ang Axtheer Power Simulation.


Ang Axtheer Power Simulation ay isang exam para sa mga studyante. Dito malalaman kung lumakas ka ba o hindi. Sa ganitong test napagusapan si Kylie dahil sa nagawa niyang mahila ng dark sorcerer.


Kinabukasan, maaga ako pumasok dahil ginaganahan akong magtraining. Seriousity ang kasama ko magtraining ngayon dahil tuturuan daw nila gumamit ng baril at pana.


Tinali ko na ang buhok ko at nag warm up. Buti nalang malinaw ang mata ko kaya di ako mahihirapanh umasinta. Natanaw ko na rin ang ibang mga studyante na magtetraining din, sa Dwein Ground sila. Hahayaan lang sila dito sa Writhea Ground sa mismonh araw ng Axtheer Power Simulation.


"Gwy oh." sabi ni Relly sakin at hinagis niya yung pana. Siya kasi ang magtuturo sakin.


"Thank you." Sinalo ko naman yun at sumunod kay Relly papunta dun sa lugar ng archery.


Frost Academy [ Short Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon