Seven

126 6 0
                                    

Wala pa akong maayos na tulog simula kagabi kaya hapon na ako nagising. Buti nalang linggo ngayon kaya walang pasok. Ang hirap matulog lalo na napaparanoid ako. Honor student ako pero hindi ko gaano hilig ang pagsolve ng mga ganito.


Hindi ko na namalayan yung oras, pagabi na pala. Bumangon na ako para kumuha ng makakain. Wala akong gana masyado kaya nagpadeliver nalang ako ng chicken wings.


Pagkatapos um-order ay umupo na ako sa desk ko. Tinignan ko lahat ng scratch papers ko simula kagabi. Nagsikalat lahat sa table dahil nakailang ulit ako. Hindi ko makuha-kuha yung tamang sagot.


2-1 3-1 1-1 2-5 3-6
1-7 4-8 2-4 2-1 4-3


Lahat na yata ng pwedeng solution ay nagawa ko na. Matagal kong tinitigan yung tatlong letter. Malakas ang loob ko na may mga clues akong makukuha.


First letter:


I know who you are.


Second letter:


I told you already that I know who you are. Find me and you'll know the truth.


Third letter:


It's Krievleathe.
Pagonia's nightmare.
Eleven's debut in the academy will be the day.
See you all, Bams.


To you Gwy, don't you want to know the truth? I'm always watching you. Come and I'll tell you everything.


Sa lahat ay magkakadugtong ang mga sentences maliban sa pangatlong letter. I checked the numbers Ang unang number ay hindi lumalagpag sa apat. First number is the line.


first: It's Krievleathe.
second: Pagonia's nightmare.
third: Eleven's debut in the academy will be the day.
fourth: See you all, Bams.


Happy counting? Tinry ko bilangin ang 2-1 at equivalent siya sa "P". Tinuloy tuloy ko lang hanggang sa matapos. Nanlaki yung mata ko sa nakuha kong pangalan,


"Peinnelope?"


Siya ba? Kung siya nga, bakit naman siya magpapakilala sakin? At principal na siya ng academy ah? Bakit niya sisirain yung matagal nilang binuo, pinaghirapan at pinaunlad? Ano rin ang meron sakin? Dahil ba 'to sa theory nila Prince? Alam niya kaya?


Napatigil ako sa pagiisip dahil narinig ko yung doorbell. Sinilip ko muna pero wala na yung nagdeliver. Ang nakita ko nalang ay yung paper bag na may laman na chicken wings. Binuksan ko yung pinto at may letter na nakalagay.


It's free. I hope I made you smile. Enjoy your meal, lady!


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan dahil bakit ako makakatanggap ng free na chicken wings? Ano meron?


Kinuha ko nalang yung paper bag at nilagay sa kusina. Kumuha na akong plato para may mapaglagyan. Wala akong balak magkain, papapakin ko lang. Pagopen ko ng paperbag ay amoy na amoy yung sauce.


"What the??" sinara ko ulit yung lalagyanan ng chicken wings dahil nakababad siya sa dugo nanaman.


Kumuha ako ng garbage bag at tinapon yung chicken wings. Binaba ko siya lobby at tinapon sa may trash bin. Bumalik ako sa unit ko at di na kumain, mas lalo ako nawalan ng gana kumain.


Sa totoo lang natatakot na ako sa pwedeng mangyari. Sana panaginip lang 'to. Sana walang masaktan. Nakakatakot dahil hindi pa ako ganoon kalakas para labanan kung sino man siya.


Frost Academy [ Short Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon