Five

167 9 1
                                    

Naiwan ako dito sa unit ko kasama sila Kaye, Trisha, Ela, Chin, Dawn at Keila. Yung ibang members ng Pamerochity at Seriousity ay pinapunta sa office, sa 3rd floor.


Nandito na sila Miss Thelee at Miss Zeihla. Sila ang namumuno pagdating sa ganito. Ini-imbestigahan nila ang nangyari. They checked the cctv pero nahacked yung system. Walang ibang nakakita na umakyat at pumasok sa room ko. Wala ring finger print na nakuha. Masyado raw magaling ang gumawa nito. Masyadong malinis. Halatang pinaplanuhan nang mabuti.


"We found this letter, nakabalot siya sa ibang papel sa ilalim ng damit." sabi ni Miss Zeihla. Inabot niya sakin yung letter.


I told you already that I know who you are. Find me and you'll know the truth.


Tumaas ang balahibo ko sa nabasa ko. Naalala ko yung letter na natanggap ko kagabi. Malamang iisa lang sila na nagpapadala sakin ng mga ganito. Nakapagtataka pa raw dahil ngayon lang ulit nagkaroon ng ganitong threat sa Pagonia.


"May natanggap po akong letter kagabi. Sandali po, kukunin ko." sabi ko kina Miss Thelee at Miss Zeihla. Dumiretso ako sa bedroom ko at kinuha sa drawer yung letter. Pagkakuha ay binigay ko ito sakanila.


"I know who you are?" basa ni Miss Thelee sa letter, "Halatang iisa lang ang gumawa nito. Bakit hindi mo agad sinabi 'to samin?"


"Hindi ko na po siya ginawang big deal dahil akala ko biruan lang o may nagprank lang sakin." sagot ko sakanila.


"Wala ka bang napapansin na suspicious? Sa mga kaibigan, kaklase o nakakasama mo?" tanong nila sakin. Napaisip naman ako.


"Wala po sa mga kaibigan at kasama ko. Pero lately po ay malakas ang kutob ko na may nakatingin o sumusunod sakin. Ipinagsawalang bahala ko nalang dahil akala ko po ay guniguni lang 'yon dala ng pagod."


"Okay. We'll bring this to our unit para mas masuri pa siya. For now, we will send some of our officers para magbantay sa building niyo. We're looking forward for your cooperation, Gwy Omi." sabi ni Miss Zeihla. Kinuha nila lahat ng pwedeng evidence.


"Thank you po ulit, Miss Thelee and Miss Zeihla." sabi ko sakanila at hinatid sila palabas ng unit ko.


Dumiretso na rin kaming pito sa office para magusap usap tungkol sa nangyari. Nagulat ako nung nakita ko na andun din si Prince. Naka-on yung laptop at andaming papel na nasa lamesa, may mga librong nakabuklat pa. Napatigil sila sa ginagawa nila nung pumasok kami.


"Ano na nangyari?" tanong ni Jeremy. Lahat sila ay nakatingin sakin.


"Kami ata dapat magtanong, anong nangyari dito?" tanong ni Dawn pabalik.


"We have a theory about Gwy and about what's about to come. Eleven. Krievleathe. Everything." sagot ni Prince.


"Sabi nila Miss Thelee at Miss Zeihla, sila na raw ang bahala imbestigahan about dito." sabi ko sakanilang lahat. Napatingin ako kay Prince na nireready yung mga papel.


"Anong theory ba yan?" tanong ni Trisha.


"Just sit and listen to us." sabi samin ni Jaymee. Umupo na kaming pito, buti nalang at pang 25 na tao ang kasya dito sa office. Library kasi yung kalahati ng 3rd floor kaya hindi siya ganon kalawak.


"Eleven and Princess Jan, Queen Gal's daughter, is the same." sabi ni Leslie. Napakunot ang noo naming pito. Nagtinginan naman sila Kaye at Trisha.


"It's not impossible naman." sabi ni Ela kaya napatingin kami sakanya, "What? It's kinda obvious." sabi niya at inirapan kami.


"Then?" tanong ni Chin. Nakatingin lang siya sakanila, halatang naghihintay ng sagot.


Frost Academy [ Short Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon