Nine

129 7 0
                                    

Naging payapa naman yung dalawang araw. Walang nangyaring masama at walang napahamak. Nagdiwang ang lahat dahil ngayon na ang Axtheer Power Simulation. Madami ang excited dahil makikita ulit nila si Queen Gal. Naeexcite ako na kinakabahan.


Bago magsimula ang event ay magoopening remarks muna sina Royal Kheem at Royal Keurth. Madaming babae ang nagtilian dahil sa suot nila. Mas lalo silang gumwapo sa combat attire nilang dalawa. Kitang kita ang magandang katawan nila.


"Good morning everyone!" masayang bati nila saamin. Nagsigawan lalo ang lahat dahil sa sobrang saya.


"How are you all feeling? Who's excited? Who's nervous?" tanong ni Royal Kheem saamin. Madami ang sumagot pero hindi na ako nagabala na makisigaw dahil kailangan ko ireserba ang energy ko.


"What a wonderful day it is, isn't it? It makes us happy seeing all of you prepared for your performance. But, we're all sorry because day 1 and day 2 of Axtheer will be cancelled. Everyone will only have one chance to show what they've got." sabi ni Royal Keurth.


Nagsimula ang bulong-an dahil na disappoint sila. Hindi rin naman namin sila masisisi dahil sa mga nangyayari sa Pagonia.


"Before we start the performances, let us all welcome our Queen!" Nagpalakpakan kaming lahat. May mga humihiyaw at nagchecheer kay Queen Gal.


Nakasuot siya ng champagne na long gown. Mukha siyang gown ng nga detective dahil may slit siya at kita doon ang baril at balisong na dala niya. Medyo revealing sa harap at backless sa likod pero may strap na nakaikot para humigpit lalo ang gown sakanya. Ang buhok niya ay nakatirintas at nakatali nang mataas. Hindi siya mukhang 47 years old. She's really pretty.


Kumaway muna siya saaming lahat bago bumati, "Hello everyone!"


"I am very excited to see your performances. I don't want to prolong this speech. I just want to say that I am happy that you'll share with us what you can do. Enjoy this day and enjoy your performance. Slay 'em, Frosties!" sabi niya at bumaba na siya sa Sacred Pagonia Circle.


Nagstart na ang Axtheer Power Simulation. Hindi siya by year level. Halo halo siya basta naka-alphabetically. Malamang ay mamayang hapon pa ako dahil sa letter "O" nagsisimula ang apelido ko.


Naging smooth naman ang flow ng event simula kaninang umaga. Walang bahid ni Krievleathe. Ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi ako natawag sa mga may surname na letter "O". Ang sabi nila ay baka daw hindi lang nasama dahil transferee ako. Baka daw ihuli ako.


Hanggang letter "R" lang ang surname na meron dahil ang "S" ay para sa royal family. Ang letter "T" hanggang "Z" naman ay apelido para sa mga may dark magic.


"Gwy Salfied." sabi nila. Nagsitinginan silang lahat sakin. Napakunot ang noo ko. Anong Salfied? Baka nagkamali lang sila. Ako nalang ang hindi pa nagpeperform kaya sigurado ako na ako yung tinatawag.


Lumapit nalang ako papunta sa Sacred Pagonia Circle. Nginitian ako ni Queen Gal, ngumiti ako sakanya pabalik at tumingin sa harap. This is it. Ang unang Axtheer ko.


Nagsimula ako magpakita ng iba't ibang self defense, forms at technique. Ginawa ko lahat ng inaral ko na meron at walang weapon na gamit. Hinarap naman nila sakin yung pad. Sinipa at sinuntok ko na yon.


"Punch Stage 10. Kick Stage 12." sabi nung operator. Ganon padin yung record ko katulad nung Pre-Axtheer. Nakangiti lang si Queen Gal habang nanunuod kaya tinuloy ko nakang ang performance ko.


"I'll now start my magical ability." malakas kong sabi. Huminga muna ako nang malalim bago magsimula.


Inalis ko ang black kong leather jacket. Sando na pangtraining nalang ang top ko. Ang dating maliliit na apat na symbol ay naging mas malaki na. Nagulat silang lahat dahil pati ang ibigsabihin ng malalaking symbol ay mas malakas kesa sa dati. Mas naging darker din ang pagkakaukit nito sa braso ko.


Frost Academy [ Short Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon