Ten

142 5 1
                                    

"You're a Salfield. You are my daughter."


Nanlaki mata ko dahil sa sinabi niya. Ano daw? Tama ba narinig ko? Isa akong Salfied? Isa akong Bam? Tama yung theory na napagusapan namin dati?


"Sinabi ko sa buong council yung theory na naisip namin. Parehas kami ng sagot na nakuha kung sino si Princess Jan at Eleven. It's really you." sabi ni Prince sakin. Hindi parin ako makapaniwala kaya napatulala nalang ako.


Napalingon ako nung narinig ko na may kumatok. Binuksan naman ni Prince yung pintuan. Mas lalo akong nagulat na makitang nandoon na sila Mama at Papa. Ngumiti sila sakin pero alam kong ngiting malungkot 'yon.


"Nak.." bati sakin ni Mama. Hinawakan niya ako sa balikat at hinaplos yung likod ko.


"Ma? Ano po 'to?" tanong ko kay Mama Nette dahil may dala dala siyang album at paper bag.


"Patunay na hindi ka talaga saamin. I'm so sorry, anak." sabi ni Mama. Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha. Niyakap ako nila Mama at Papa nang mahigpit kaya mas lalo akong naiyak.


Pagkaupo namin ulit ay nilabas ni Mama yung album. Andun yung mga baby pictures ko kasama sina kuya. May nilabas naman si Queen Gal na gold locket necklace. Inabot niya saakin yon at nakita ko yung mukha ko dun. It's really me. Ako nga talaga siya. Ako talaga si Princess Jan.


"Eto yung suot suot mo nung nakuha ka namin." sabi ni Mama at nilabas yung champagne color na damit na pang baby at purple na satin na tela. "Dito ka naman nakabalot nung iniwan ka sa labas ng bahay."


"Iniwan sa labas ng bahay?" tanong ko. Bakit naman ako iiwan sa labas ng bahay? Ayaw ba nila sakin?


"What?" gulat na tanong ni Queen Gal. Umiiyak na siya ngayon habang nakatingin sakin, "I'm sorry. I'm sorry, my princess."


"Paano niyo po nagawa sa akin yun?" tanong ko kay Queen Gal. Binigyan na siya ng tubig nila Royak Keurth dahil nahihirapan na siyang huminga.


"You were too strong kahit baby ka palang. Kaya after I gave birth, nakatulog ako for 2 days. I can still remember your smile after kita ipanganak. Then when I woke up, you were gone already." she stopped talking para punasan yung luha niya. Ramdam mo sa boses niya yung sakit.


"Sabi nila sakin, someone took you. Sobrang lakas daw ng dark magic niya kaya walang nakapalag sakanya. That's why we built the academy. We need to be strong para hindi na maulit yun, para hindi na nila tayo matalo." dagdag pa niya.


"Oo, anak. Bata ka palang ang lakas lakas mo na. Napapaiyak mo pa ang mga kuya mo noon dahil natatalo mo sila sa arm wrestling." kwento ni mama, natawa nalang kaming lahat dahil naalala ko yun. Lagi ko sila natatalo kaya iiyak sila para magsumbong kila Mama.


"Hinayaan na namin dahil akala namin normal lang yun. Wala kaming ka-alam alam na may kapangyarihan ka pala. Kung hindi pa lumabas kapangyarihan mo nung nag debut ka, hindi pa namin malalaman." sabi ni Papa.


"Pasensya na po kayo at kinuha namin si Gwy sainyo. Hindi po namin alam na isa pala talaga siyang Prinsesa. Akala namin prinsesa lang siya ng pamilya namin eh." biro pa ni Papa. Halata sa boses niya na pinipigilan niya umiyak.


"Hindi niyo ho kailangan humingi ng tawad. I should be the one saying sorry for putting you in a tight situation. I also want to thank you for treating my daughter as if like she's your own. Don't worry, after nito ay hahayaan ko naman siya na makasama kayo paminsan minsan." sabi ni Queen Gal.


Tumango lang sila at tumingin nalang sila Mama at Papa sakin. They can't stay here nang matagal dahil hindi na kakayanin ng katawan nila yung energy ng mga powers na nandito. Lalo na umiyak sila, mas manghihina sila lalo. Namumutla na silang dalawa kaya tinawag na yung dalawang escort sa labas.


Frost Academy [ Short Story ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora