Eleven

139 6 0
                                    

"Principal Peinnelope. Ikaw? Ikaw si Krieveleathe?" tanong ko. Tumawa naman siya nang malakas at pumalakpak.


"Kylie, pakialis ng blindfold niya." Kylie? Buhay din siya?


Pagkatanggal ay nakita ko ang EEs at SB. Buhay silang lahat. Walang namatay. Pero bakit? Bakit nila 'to ginagawa. Lahat sa mukha nila ay may bahid ng ngisi sa mukha.


"Now you know the truth." sabi ni Principal Peinnelope. Ayoko na siyang tawagin na Principal dahil hindi niya deserve pero may respeto padin ako sakanya.


"Si Prince... Kasali din ba siya?" mahina kong tanong.


"Oo sana kaso tanga pamangkin ko eh. Minahal ba naman isang katulad mo. Sayang. Mamamatay ka rin naman." sabi niya ulit.


"Wala sa usapan natin ang papatayin siya." sabi ni Erox. Ngumiti lang sakanya si Principal Peinnelope at humarap ulit sakin.



"Pero bakit? Bakit niyo ba 'to ginagawa? Akala ko ba gusto mo paunlarin ang academy?" tanong ko sakanya.


"Nanggaling ako sa pamilya ng mga dark sorcerer. Hindi lahat ng may mga dark magic ay masama. Nadamay ang mga magulang ko sa gulo sa Pagonia noon. Pinapatay sila dahil akala nila na magulang ko ang nagtangka na saktan ang reyna. Kaya heto ako ngayon. Kapag nasaamin ka at nakuha namin ang kapangyarihan mo ay guguho ang munto ni Gal." diretsong sabi niya.


"Ako ang maghahari sa buong Pagonia. Ako na ulit sng mamumuno sa Frost Academy. Hindi na kailangan ng golden leaf tattoo ng mga may dark magic para makapasok dito. Kahit sino ay maaaring magaral sa academy, hindi basehan kung dark magic ba o hindi." paliwanag niya sakin.


"Pwede mo namang gawin yan ah? Hindi kailangan na may masaktan o mamatay. Tutulungan ka pa namin na ilaban yan sa council. Hindi kailangan na umabot sa ganito, Principal Peinnelope." sabi ko.


"Matagal na wala si Peinnelope. Ako si Krievleathe." madiin niyang sabi saakin. Wala na talaga siyang puso. Masyado na siyang malamig at puno ng galit.


"Hindi ko kailangan ng ganyan mo dahil may plano na ako." sabi ni Krievleathe. Nagtawanan naman silang lahat, halatang may pinaplano silang hindi maganda.


"Sa mga oras ngayon ay madilim na sa buong Pagonia. Hindi na babalik katulad nang dati ang araw. Maghahari ang kadiliman. Bukas, susugod ang mga alagad ko sa academy." sabi niya at nginindatan ako. Si Erox naman ay nakatitig lang saakin. Iniwas ko ang tingin ko sakanila pero tuloy padin sila sa pagsasalita.


"Ano kaya magandang regalo sa nanay mo? Bangkay mo o trono niya na nasakin na?" tanong niya pa ulit. Pinagmasdan ko lang siya, pinipilit na basahin ang nasa isip niya.


Nagiba na rin pala ang buhok niya, ang dating brown ay napalitan ng pula. Yung maamo niyang mukha noon ay tumapang na sa paningin ko dahil sa makapal na make up. Namumula ang labi niya at ang eyeshadow naman niya ay combination ng dark colors. Nangayayat din siya pero mas naging fit.


Suot suot niya ang itim na dress. Fit ito sa taas pero flowy lang siya baba. Mukhang anytime ay ready na siya na isagawa yung plano niya. Nilibot ko ang tingin ko dito. Para siyang isang abandonadong building. Madaming weapon ang nakapalibot. Madaming baril, pana, espada, balisong at bomba. Tiyak na gulo talaga kapag nagsimula na sila maghasik ng lagim.

Kinausap niya na sila sa gilid. Nakinig naman ang EEs at SB nang mabuti at tumango. Lumapit sakin para ibalik yung blindfold at takip sa bibig. Narinig ko nalang na nagsara na yung pinto. Wala rin na kahit anong boses, umalis yata sila. Pinilit ko makawala sa nakagapos saakin pero mahirap dahil nga may power dampening 'to.


Frost Academy [ Short Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon