Six

148 7 2
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nangyari yon. Naging abala na kaming lahat sa training para sa Axtheer Power Simulation. Pre-Axtheer ngayon. Lahat kami ay hahayaan na magpakita ng aming ability sa Sacred Pagonia Circle. Pwede kami dito magpractice pero limited lang ang oras.


Walang balita tungkol sa nagpapadala sakin ng threats. Wala rin akong napapansin na nakatingin o sumusunod sa akin. Sabi nila baka daw natakot dahil nga matataas ang posisyon ng mga tumutulong sakin.


Nagkasundo sila Trisha at Kaye na wala munang maguusap sa theory nila hanggat walang sapat na ebidensya. Napagusapan din na wala kaming ibang poproblemahin ngayin kundi ang Axtheer Power Simulation lang.


Sila Mama, Papa, Kuya Yanyan at Kuya Weng naman ay bumalik na sa Bhattahan dahil may pasok pa sila kuya. Hindi rin sila pwedeng mawala nang matagal dahil sa business nila Mama at Papa.


Hindi ko muna inisip lahat ng nangyari. Nagfocus nalang ako sa pagpapalakas para hindi ko na kailanganin pa ng tulong ng ibang tao para maprotektahan ang sarili ko. Napapansin din naman nila na mas lumalakas na ako, hindi na katulad dati na lalampa lampa.


Wala pa akong ibang napagsasabihan pero nararamdaman ko na mayroon akong bagong kapangyarihan. Lumalakas na ang mental abilities ko. Hindi ko alam pero may mga beses na nakakabasa ako ng isip ng iba, minsan hindi rin gumagana.


Sa training ay nagfocus lang ako sa powers ko at sa physical strength ko. Pagkatapos ng training ay diretso agad ako sa unit ko para aralin naman yung pagbabasa ng isip ng ibang tao.


"Gwy Omi, it's your turn." Dumiretso na ako sa gitna ng Writhea Ground, nandito ang Sacred Pagonia Circle. Umakyat ako papunta sa circle. Nakatingin naman sakin lahat ng mga studyante. May mga bulungan at may ibang mga seryoso lang.


"Let's start first with physical strength." sabi ni Principal Peinnelope gamit ang mic.


Tumango ako sakanya at huminga muna nang malalim bago nagsimula. I did sa forms, with and without weapon. Next ay susuntukin at sisipain ko yung pad, it will measure kung gaano kalakas ang sipa ko.


"Punch Stage 10. Kick Stage 12." sabi nung operator nung Pad. Nagbow ako sakanya at humarap ulit sa lahat. Andaming nagbulungan after nila marinig yon. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko may mali?


"Magical Ability." sabi ulit ni Principal Peinnelope. Tumango ulit ako at inayos ang army green kong halter top. Sabi ng Pamerochity at Seriousity na ilagay ko yung writings ko sa katawan ko mismo. It's invisible pero nakikita siya once na ginamit ko.


Naglagay ako ng water, air, land at fire sa braso ko. Water at air ang nasa left. Land at fire naman ang nasa right. They were all shocked nung nakita yung symbols sa braso ko.


Pinakita ko lang sakanila na kaya kong i-control ang apoy at tubig. Hindi ko muna ginawa yung mga tricks na inaral ko dahil sa mismonh Axtheer Power Sinulation ko 'yon ipapakita. Hindi ko ginalaw ang land symbol.


Hinawakan ko yung symbol ng air sa braso ko. Gumawa rin ako ng tricks gamit ang hangin. Bago ko tapusin ang performance ko ay lumipad muna ako pababa ng circle at nagbow.


Nagsipalakpakan silang lahat after ko magperform. Nauna na magperform ang Pamerochity at Seriousity dahil sila ang pinakamalalakas dito sa academy. Umupo na ako at tumabi sakanila.


"Paano mo nagawa yun?" tanong ni Marc sakin.


"Ha?" naguguluhan kong tanong sakanila.


Frost Academy [ Short Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon