One

1K 26 52
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas nung nakilala ko ang Seriousity, sila lang din ang palagi kong nakakasama dito. Nalaman ko rin na dalawang grupo pala ang pinakamagaling dito sa academy. Hindi naman daw sila nagpapataasan dahil magkaiba ang skills nila.


Ang Pamerochity, tawag sakanila ay mga "pampam". Sila ay mas magaling kapag dating sa paggamit ng espada, balisong at iba pang weapon na pangmalapitan. Mas chill at makukulit daw sila kumpara sa Seriousity na masyadong seryoso lalo na kapag dating sa labanan. Sampu ang miyembro nila, si Trisha daw ang leader.


Ang Seriousity naman, tinatawag silang "mga ser" dahil sobrang seryoso. Mas magaling naman sila pagdating sa mga weapon na pangmalayuan tulad ng pana at baril. Matatalas ang mata nila kaya pangmalayuan sila habang ang ang Pamerochity ay malakas ang pakiramdam. Sampu din ang miyembro nila at si Kaye naman ang leader.


Andito pala kami sa Writhea Ground. Pamerochity at Seriousity lang ang pinapayagan na magpractice dito tuwing umaga. Hindi ko alam kung bakit pinapagfocus ako sa training nang sobra. Inutusan daw sila na turuan ako na lumakas lalo. Mataas daw ang expectation nila sakin at huwag ko daw silang biguin.


"Gwy, sa Pamerochity ka buong linggo. You need to train how to fight using swords. You also need to learn martial arts." sabi ni Miss Peinnelope, yung principal. Tumango ako at nagbow sakanya bago siya umalis.


"Hi! I'm Chin. Ako magtuturo ng martial arts sayo, pati ayun oh, si Jaymee." sabi niya at ngumiti. Ang cute niya kasi nagsparkle pa mata niya.


"I'm Ela and this is Eka. We are going to make turo sayo ng sword tricks later after ka turuan nila Chin at Jaymee." sabi nung Ela, napakaconyo pero hinayaan ko nalang. Ngumiti naman si Eka at nakipagshake hands sakin.


Nagpakilala naman sila isa isa. Si Trisha ang leader nila. Nakilala ko din sila Marc, Jaff, Lindsey, Nina at Keila.  Pagkatapos magpakilala, nagkanya kanya muna sila ng training. Tatlong linggo nalang kasi ang natitira bago ang ability test. Kailangan na mas lumakas sila kundi bababa ang rank nila sa academy.


Lumapit na sakin sila Chin at Jaymee, suot na nila ang iilang gears para sa sparring daw. Binigyan din nila ako dahil gagawin ko din daw mamaya yung mga gagawin nila. Ang astig kasi bago palang ako dito pero may sarili na akong mga gamit.


"Hey, Gwy. Watch us." sabi nung Jaymee.


"Aralin mo na din kung paano kami nakikipaglaban, ha?" sabi ni Chin. Nagsparring naman sila ni Jaymee. Ang galing nilang dalawa.


Tumagal ng 5 minutes yung sparring nila, mas mataas ang rank ni Chin kaya siya ang nakakuha ng winning point. Lumapit din si Kylene dito para turuan daw ako.


Nagturo siya sakin ng ilang way ng pagsuntok pero medyo nainis yata siya sakin dahil medyo nahihirapan ako gayahin. Kulang daw sa lakas yung suntok ko.


"Ano ba kasing meron sayo?" tanong ni Kylene habang minamasahe yung sentido niya.


"Hindi ko din sure kung ano meron sakin eh." sagot ko pabalik. Hindi ko naman kasi talaga alam? Kung alam ko lang edi sinabi ko na. Duh.


"Ah di mo sure?" tanong ulit niya at tinaasan ako ng kilay.


"Di ko nga sure, paulit ulit." sabi ko at lumapit kila Jaymee para sila nalang magturo sakin. Bumalik naman si Kylene sa Seriousity.


Tinuruan nila ako ng basic kicks at ng mga self defense. Pagod na pagod na ako kaya pinagpahinga muna nila ako. Bigla namang may dumaan sa harap ko, sobrang bilis kaya humangin. Akala ko si Barry Allen na eh, si Marc Allen pala.


Frost Academy [ Short Story ]Where stories live. Discover now