Eight

132 7 0
                                    

Early dismissal kami ngayon dahil sa nangyari. Hindi namin mahanap si Prince para kamustahin pero sabi nila, kausap daw siya ng council. Siya lang din naman kasi ang nakakasama ni Principal Peinnelope. Nagtext nalang kami sakanya na andito lang kami para sakanya incase na kailanganin niya ng tulong namin.


After sa stadium ay wala na nagusap tungkol sa nangyari. Lahat ay natatakot na baka pati sila ay madamay. Walang clue na binigay si Krievleathe kung sino ang next victim niya. Inabisuhan ang lahat na magdoble ingat dahil nasa paligid lang siya. Ang Investigation Team naman ay gumagawa na ng plano kung paano siya mahuhuli.


Pinagbawalan din kami na gumala muna. Lahat kami ay pinagsabihan na magstay muna sa kanya-kanyang unit bago pa may madamay ulit. Ang mahuli na lumabas ngayong araw ay automatic na hindi makakapagperform sa Axtheer Power Simulation. Kapag na disqualified ka ay hindi ka na makakapasok sa frost academy sa loob ng limang taon. Wala namang sumuway o lumabag dala ng takot kay Krievleathe at sa parusa.


Pagpasok ko sa unit ko ay hindi na ako nagulat nung may letter nanaman na nasa coffee table. Tumingin muna ako sa paligi bago isara yung pinto. Again, wala nanaman siyang naiwan na bakas or clues kung sino siya. Parang wala nalang ito sakin dahil nakasanayan na pero hindi parin nawawala sakin yung takot na baka pati pamilya ko ay madamay.


Amoy dugo nanaman yung letter. Sa tingin ko ay blood ang ginamit na ink ni Krievleathe, iba ang texture niya sa totoong ink. Pagbukas ko ay may another four line nanaman ang nandoon. Walang numbers kundi yung mala poem lang.


How was my last game? I knew you solved it. I also hope that you liked my gift. Now here's another one.


Kryptonite. Guess who in the both group.
Let it be. Maybe one? Maybe three?
At last, 4 more days before the return.
Execluded. Dark and light? Leader is up.


No more clues, darling. Time is running, be fast in order to save them. Happy guessing!


Dumiretso muna ako sa bedroom para magbihis. After non ay umupo na ako sa desk ko. Nilabas ko na yung notebook at pen ko. I started guessing. Baka kung sino ang makuha ko dito ay siya naman ang next victim ni Krievleathe. Mahirap siya i-solve pero once nagets mo na ang technique na ginagamit niya ay madadalian ka nalang.


Ang first letter kada line ay nangingibabaw. Naka-calligraphy siya at mas makapal kumpara sa ibang letters. Sinimulan ko munang ihiwalay yung K, L, E at A.


Guess who in the both group? Ibigsabihin parte siya ng grupo. Apat na grupo lang naman ang nakakasalamuha ko. Pamerochity, Seriousity, Emo Ebabes at Sa Bangha. Impossible na nasa Pamerochity at Seriousity dahil malalakas sila at mahigpit ang security ngayon sa tower namin. Sinulat ko ang Emo Ebabes at Sa Bangha sa notebook ko.


Let it be. Maybe one? Maybe three? She skipped two. Baka dalawa kada grupo or isa? Baka isa sa isang group tapos tatlo sa kabila? Kailangan ko magisip nang malalim para magets kung ano ba pinaparating niya dito.


At last, 4 more days before the return. Kaninong return? Kay Eleven? Baka 4 days bago niya gawin yung plano niya. Sa mismong araw ng Axtheer para masira yung event? Anong meron sa loob ng apat na araw? Bakit yun ang date na pinili niya? Kung saan lahat ay nagaral nang mabuti para lumakas.


Execluded. Dark and light? Leader is up? Chineck ko yung dalawang grupo na sinulat ko. Hindi ako nagkakamali na sila 'yon dahil "execluded" ang tawag sakanila sa academy. Dark naman ay pangasar sa Emo Ebabes dahil kay Kylie, siya rin ang leader. More on light powers ang Sa Bangha, si Lerie naman ang leader.


Frost Academy [ Short Story ]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora