Four

206 11 3
                                    

Natapos na yung training namin kaninang umaga. 5am kasi kami nagsimula dahil may klase kami ng 9am. Sabay sabay kami natapos ng training at sabay sabay na rin kami pumasok. Buti nalang at light training lang kami kanina dahil baka di ako nakapagfocus sa klase kung pagod ako.



"Sir Paris' quiz is super hirap talaga! Thank his parents na gwapo siya hmp! I hope makapasa ako sakanya. It drained my braincells!" reklamo ni Ela.


Lahat kami ay exhausted agad dahil katatapos lang namin magquiz sa isang subject. Sobrang hirap ba naman ng quiz. First subject quiz agad! Ayoko talaga ng mga surprise quiz na yan. Yun lang yung surprise na di nakakatuwa.


Ngayong umaga ay kasama ko ang Pamerochity. Tapos mamayang hapon ko naman kaklase ang Seriousity. Bago magquiz kanina ay nakasagutan nanaman namin ng mga pampam ang Sa Bangha, grupo nila Lerie. Ayan tuloy di kami gaano nakapagfocus sa pagrereview.


Nagsimula kasi yung sagutan dahil tumabi sakin si Erox. Hindi ko inasahan na makikita ko siya dito dahil akala ko isa lang siyang mundane o normal na tao. Nagulat ako dahil di ko man lang nalaman na may dugong manloloko este dugong werewolf pala siya. Tropa niya pala sila Lerie tapos ayaw nila sakin kaya ayun, um-attitude sila. Crush ata ni Ana si Erox eh. Yuck.


"Sino ba kasi si Erox?" tanong ni Trisha. Lahat naman sila tumingin sakin, hinihintay yung sagot ko. Huminga muna ako ulit nang malalim bago sumagot,


"Ex kong cheater. Hmp." sagot ko sakanila. Napasinghap naman sila sa sinabi ko. Kitang kita sa mata nila na iba talaga yung galit nila sa mga cheater. Kahit sino naman magagalit doon, diba?


"Luh tapos kinukulit ka?" tanong ni Nina sakin. Tumango lang ako bilang sagot sakanya. "Ang kapal kamo ng pagmumukha niya. Baka kasing kapal ng balahibo niya."


"Pre kita mo ba pormahan non? Jejemon pa kamo." sabi ni Marc. Nagtawanan naman sila kaya natawa din ako. Jejemon naman talaga yon. Kitang kita sa pormahan niya pati sa ayos ng buhok niya. Wala naman kaming against sa fashion niya, natawa lang kami dahil nakuha pa niyang umasta kahit siya na yung nanloko.


"Sa ganda mong 'yan, lolokohin ka pa? Bonak." sabi ni Lindsey. Napailing pa siya at dinamdam ang inis.


"His eyes are malabo na yata." sabi ni Ela, "I agree!" gatong pa ni Jaff.


"Sabi pa niya dati, wag daw susukuan yung pangarap. Di daw siya sumuko kaya nakuha ako. Cheater naman!" inis kong sabi.


"Hayaan mo na, andyan naman si Prince eh." pangaasar ni Chin. Aba nag finger heart pa.


Nagasaran lang silang lahat papunta sa canteen. Lunch time na kasi, buti nalang konti yung tao dahil di sabay sabay ang lunch time. Nagulat naman kami nung nakita namin magkasama ang Sa Bangha at Emo Ebabes. Parang mga tanga.


Dalawang lamesa ang pagitan namin dahil dun lang yung table na pangmaramihan. Nauna na si Marc, speed daw siya eh. Si Chin naman lumipad, nakakatamad daw maglakad.


Medyo nahuhuli ako sa paglalakad kaya natamaan ko sila nung tinisod ako ni Kylie. Aamba na sana yung Pamerochity pero pinigilan ko sila. Gutom na kaming lahat kaya sayang lang oras kapag magaaway nanaman.


"Ouch!" sigaw ni Kylie. Paglingon ko ay nakita ko si Prince na hawak hawak ang pulso ni Kylie. Namumula na kaya binitawan na ni Prince.


"Wag si Gwy." Natahimik ang lahat kaya rinig na rinig siya sa buong canteen. Ang lamig ng boses niya, dala na rin siguro ng pagiging pambira niya. Halos lahat kami ay tumayo ang balahibo dahil sakanya.


Frost Academy [ Short Story ]Where stories live. Discover now