Chapter 35

2.9K 70 2
                                    

WARNING! This chapter contains mature scenes that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk.

R-18

"I'm sorry," I said.

He cupped my face.

"I'm sorry too for not understanding you," he said.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko.

I smiled.

"So, tayo na?" Tanong niya na ikinabigla ko.

Ang bilis naman ata. Hindi naman sa nagpapakipot ako pero isn't it too fast? Well, seven years isn't fast! Pero hindi man lang muna ba siya manliligaw sa akin? I'll definitely say yes but of course ayoko namang sabihin niya na easy to get ako.

"Y-You're not courting me...first?" Nahihiyang tanong ko.

Napaiwas ako ng tingin nang makita ang mapanuyang ngiti niya.

"You want me to court you...hhmm?"

I swear, namumula na ang pisngi ko.

"O-Of course! Hindi naman ibig-sabihin na mahal mo ko at mahal kita e tayo na agad," sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

It was a five seconds of silence bago ako bumaling sa kaniya. Nang hinarap ko siya ay nakita ko ang gulat at mangha sa kaniyang mga mata. What? Did I said something ridiculous?

"Mahal mo ko," that wasn't even a question. Nahiya tuloy ako ng tuluyan dahil sa sinabi kong nakakuha ng atensyon niya.

"A-Ahhh....ehh..." wala akong masabi kaya sinusubukan kong mangapa ng salita.

"I'll court you then," he said with a mocking smile.

He stayed there for one hour bago umalis papunta sa campo.

Nang makaalis siya ay hindi na nawala ang ngiti sa aking labi. Kaya naman ay buong-araw akong good mood.

Umuwi ako sa bahay nina Kate pagkatapos ng trabaho. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako nang makapasok kaya naman ay agad itong napansin ni Kate.

"This day must be different. Laki ng ngiti mo 'no?" Nanunuya niyang sambit.

Nahiya tuloy ako bigla.

"Tita!" Si Ely na tumatakbong papalapit sa akin. Kinarga ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Sa condo ko na nga pala ako ngayon tutuloy. Pinalinis ko na kanina," sabi ko habang binababa si Ely mula sa pagkaka-karga.

"May nangyari nga talaga ngayong araw. Anyways, of course. No problem! Kahit pa nga kay Alvaro ka na tumira e, walang problema sa akin iyon," nang-aasar na sambit ni Kate.

I playfully rolled my eyes bago umakyat papunta sa kuwarto para kunin na ang mga gamit ko na ililipat sa condo.

"Bye." Kate waved her hand and I kissed Ely first before leaving.

Sumakay ako sa sasakyan ko at umalis na. Nakangiti ako habang nagmamaneho. Hindi naman halatang masaya ako e 'no?

When I get there, nagpatulong ako sa staff roon sa gamit ko. Nang makapasok na ako ay agad kong inayos ang gamit ko sa closet. Medyo natagalan ako kasi tinanggal ko pa ang mga luma kong mga damit.

Nang matapos ay nagpahinga na ako at nagpasyang mag-order ng pagkain dahil gutom narin ako. Hindi pa nga pala ako kumakain.

Naglinis ako ng buong unit habang hinihintay ang pagkain. At nang matapos ako ay saktong tumunog ang doorbell hudyat na andiyan na ang inorder ko.

Whatever It TakesWhere stories live. Discover now