Chapter 14

2.8K 77 1
                                    

"Aalis na raw tayo bukas," pag-aanunsyo ni Nurse Cej sa 'kin.

I looked at Alvaro for confirmation.

"Right, hindi ko pala nasabi sa iyo kanina. Bukas ang alis ninyo, kaya napaaga dahil hindi raw muna kayo tuloy sa Alegria. Kayong lahat ay babalik muna sa ospital."

I nodded.

"Ihahatid ba kami ng sasakyan ninyo?" I asked hoping for him to accompany us. Kahit paghatid man lang makita ko pa siya.

"Hindi na. May susundo sa inyong chopper, pinadala ng ospital," sagot niya.

Nalungkot tuloy ako. Bago pa lang nga kami sa aming relasyon ay LDR na agad. Makakaya ko ba ito? I will surely miss him everyday.

Naglakad na papalayo si Nurse Cej kaya hinarap ko si Alvaro nang may lungkot sa mata.

"I know what you're thinking. LDR? It's not gonna happen. Next week, I will be have a two-month break kaya magkikita pa tayo," he asured me with his smile.

I felt relieved at what he said.

Mabuti nalang.

Kinabukasan ay dumating na nga ang sinasabi ni Alvaro na chopper.

I can see the logo of our hospital.

This will be a lot of work again since babalik na ulit kami sa ospital.

Nang makasakay na kami sa chopper ay kumaway ang mga sundalo sa amin gano'n rin kami sa kanila.

For almost five days in this place, I'm sure mamimiss ko ito.

I looked at Alvaro smiling at me, ngumiti rin ako pabalik.

He mouthed, 'I love you'.

I smiled.

I then mouthed, 'I love you too'.

It was a short ride since medyo malapit ang ospital. We land on the helepad at sinalubong kami ng mga doktor at mga nurse, gano'n rin ang chairman.

The chairman looks worried.

Nang makababa kami ay agad naglakad papalapit sa akin ang chairman.

"Are you hurt?" He cupped my face at tiningnan ag buo kong mukha pati narin ang katawan.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa mukha ko at tumikhim.

"Okay lang po ako," I answered.

Nilagpasan ko siya at sinalubong ang ilang katrabaho.

On that day ay pinauwi muna kami ng Chairman at sinabing bukas nalang daw muna kami magtrabaho. Kaya naman pagkarating ko sa condo ko ay agad akong humiga.

Namiss kong matulog sa higaan ko.

Napagagod rin ako dahil marami ang nagtanong sa amin kanina tungkol sa mga nangyari sa amin do'n. Hindi rin nakaligtas ang mga gwapong sundalo na i-chi-ni-chika ni Nurse Cej.

Napabuntong-hininga ako.

I miss him. Kumusta kaya siya do'n? Kumain na ba siya? Probably yes kasi alas dyes na ng umaga.

Nagshower ako at nagtagal sa bathroom dahil namiss kong magbabad sa bathtub ko.

Nakatulog pa nga ako sa pagod e.

When I woke up, it's my shift. Nagbihis agad ako at dumiretso na sa ospital.

Balik trabaho nanaman po tayo.

After one surgery ay nagpahinga muna ako saglit at bumili ng milktea. Paglabas ko sa bilihan ay nakita ko si Nyx na may dalang suit case. He looks like a lawyer, parang hindi prosecutor 'to.

Nakita ko siyang papasok sa kaniyang sasakyan at siguro aalis na. I called him kaya siya napalingon sa gawi ko.

He's shocked when he saw me.

"Eris!"

Agad siyang lumapit sa akin gamit ang nag-aalalang mukha.

"I heard about you? Nasaktan ka ba?" He asked. Halatang nag-aalala.

"I'm fine."

"Mabuti naman. I was worried about you. I thought you...you..."

"...died," pagdudugtong ko sa sasabihin niya.

He looked at me with serious eyes.

"Fortunately, I wasn't."

I smiled to assure him that I'm completely fine.

"Good to hear that. Alis na nga pala muna ako I have trial for this afternoon. See you later."

Nagpapaalam na siya sa akin gano'n rin ako.

It was a tiring day gano'n na rin sa sumunod na mga araw.

Weekend passed at gano'n parin ang sitwasyon.

I missed him at nagsisi akong hindi ko hiningi ang number niya. Sino bang girlfriend ang walang number sa boyfriend? Well, ako.

Hindi ko tuloy siya matawagan o kahit text man lang.

It was monday at kakapasok ko pa lang sa trabaho.

Nasa front desk ako ng ospital nang may nagsalita sa likuran.

"Look who's here? Ang may jowang sundalo na nilalandi ang chairman, even the prosecutor hindi man lang pinalampas."

It was Tania. She used to be my friend pero ngayon ang layo na namin sa magkaibigan.

She hates me at inaamin kong ayaw ko rin sa kaniya.

Masyado siyang pakealamera sa buhay ko.

We we're on the same medical school kaso nagshift siya ng course dahil sa akin, or atleast that's what she said.

Hindi ko alam kung bakit. Bigla nalang isang araw ayaw na niya ako at lumipat na agad ng course. Hanggang sa nagtapos ako ng pag-aaral she's been pestering my life.

That's why I hate her from then on.

"Anong ginagawa mo dito Tania?" I asked.

"It's Engineer Hernandez."

"Wala akong pakealam."

"Oh how rude. Ganiyan ba ang ugali ng isang doctor? By the way, I'm a patient. Treat me right," sambit niya.

Nag-init ako nang makita ko siya pero dahil sa mga sinasabi niya ay kumulo ang dugo ko.

I swear I'll pull her hair pag magsalita pa siya.

"Hey."

Napalingon kaming dalawa sa dumating.

It was Alvaro wearing a button-down black polo shirt na nakatupi hanggang siko and black slacks wide-arms opened.

He looked at me with a smile on his face.

"Miss me?"

He was about to hug me nang magsalita si Tania.

"Ethan?"

Dahilan nang pagbaling niya sa kaniya.

"Tania?"

Nagulat ako nang yakapin siya ni Tania.

"Oh my God Ethan! It's you! Namiss kita."

I swear to God I could kill someone at this rate.

Whatever It TakesWhere stories live. Discover now