Chapter 10

3.4K 104 19
                                    

Sa sinabing iyon ni Alvaro ay naghiyawan lahat ng mga doktor na katabi ko at nangunguna roon si Nurse Cej at Nurse Cha pati narin ang mga sundalong tinutukso papalabas si Alvaro.

I don't know to react pero habang naghihiyawan ang lahat tuod na nakaupo lamang ako doon.

"Doc De Lavigne kayo pala no'ng Kapitan nila?" tanong ni Nurse Cha dahilan ng pag-init ng pisngi ko.

Hindi ko siya sinagot at binilisan narin ang pagkain at saka lumabas doon.

Paglabas ko napagtanto kong kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko.

Tanaw ko si Alvaro na ngayon ay kausap ang isang sundalo habang nakatingin sa 'kin. Tumatango-tango siyang nakikinig sa sundalo pero sa akin naman nakatingin.

Tinapik niya ang braso nito saka kinuha ang isang susi at pumasok sa isang sasakyan.

Pinaandar niya ito pero huminto sa harap ko. Binaba niya ang bintana at hinarap ako.

"Hop in," sambit niya.

Wala akong choice dahil pag pumunta ako sa ward ay tiyak na tutuksuhin lamang ako nina Nurse Cha saka kailangan ko rin siyang makausap tungkol aa nangyari kanina.

Pumasok nga ako gaya ng sabi niya. Sinuot ko rin ang seatbelt bago niya pinaharurot ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Date," simple niyang sagot dahilan ng paglaki ng mata ko.

"Anong date? Wala ka bang trabaho at parang kay dali lang makipag-date sa 'yo?"

He just chuckled.

"May kailangan akong puntahan malayo 'yon e kailangan ko ng kasama para hindi boring."

"Ba't kailangan ako pa?" tanong ko naman.

"Hindi naman kita pinilit a, kusa kang sumama," sambit niya habang nakangiti.

Oo nga naman.

"Nga pala kanina ba't mo sinabi iyon tinutukso na nila tuloy tayo. They're assuming that we're a thing!" pahestirya kong sambit.

"Iyon nga ang gusto ko e. Ang malaman nila na may tayo para mas malaki ang chance ko, narinig ko pa namang may nagkakagusto sa 'yong sundalo," sambit niya habang nakanguso.

"At sa tingin mo naman na may chance ka nga sa ginawa mo?" tanong ko sa kaniya.

Nilingon niya ako saglit bago ibinaling sa daan ang paningin.

"Atleast sa paningin nila may tayo. Okay na ako do'n," sambit niya at natahimik ako.

Ayokong magsalita. I just don't want to. Kaya sa buong biyahe ay tahimik ako hanggang sa makarating kami.

May kinuha lamang siyang dalawang kahon at bumalik rin.

Nang makapasok siya sa driver's seat ay tiningnan niya ang wrist watch niya.

"May oras pa tayo para sa date natin," sambit niya at pinaandar na ang sasakyan.

"What?!" gulat kong tanong pero hindi niya naman sinagot.

Nakarating kami sa isang maliit na coffee shop sa probinsyang iyon.

Lumabas siya sa sasakyan gano'n rin ako.

"Anong lugar ba ito?"

Nakita ko kasing may gumuhong lupa sa unahan at mga kahoy na nasa kalsada. It looks like a dead end pero may kalsada namang papunta roon.

"Alegria na ito pero roon ang pupuntahan niyo nagkalandslide nga lang at hindi na makita ang daan," sagot niya sa tanong ko.

Tumango ako at pumasok na kami sa coffee shop.

Umupo kami doon at isang cute na batang babae ang lumapit sa amin. Maybe she's thirteen or fourteen?

She handed us the menu at naghintay sa order namin.

Nagpapart-time ba siya dito? I shrugged and pointed something in the menu.

Umalis na ang batang babae nang maka-order na kami.

"Kailan nga pala kami makakapunta nang tuluyan sa pupuntahan namin?" I asked.

"After one week baka maka-alis na kayo. Are you that eager to avoid me?" tanong niya.

Nagulat ako sa tanong niya dahil hindi naman iyon ang nais kong iparating. I just really want to ask.

"I'm not avoiding you. Ba't naman kita iiwasan?"

Natigil ang pag-uusap namin nang ilapag ng batang babae ang kapeng inorder namin. We both thanked her after that.

It was an awkward silence kaya kailangan kong mag-isip ng mapag-uusapan pero naunahan niya na ata ako.

"Ba't a nag-doktor?" he asked.

"It's my dream proffession. Ikaw ba't ka nagsundalo?" I asked him back.

"Bata palang kasi ako mahilig na ako sa baril-barilan. At first I want to be a police but then naisipan kong maging sundalo na lang."

"Ah," tanging response ko sa sagot niya.

It was an awkward silence again.

"Kanina nga pala 'wag mo nang ulit sasabihin 'yon a tutuksuhin talaga ako ng mga kapwa ko doktor. It's making me uncomfortable when they do that."

He just looked at me with his serious eyes.

"I like you."

Muntik na akong masamid sa sinabi niya.

"Stop joking. Nasamid tuloy ako."

"I'm serious Eris," sagot niya habang seryosong nakatingin sa akin.

Napalunok tuloy ako dahil sa titig niya.

"You know what Alvaro stop playing with me. I-It's not working," I said.

Nakita ko ang mangha sa kaniyang mata at ang pag-awang ng kaniyang labi.

"Can you please say that again?"

"Say what? That you should stop playing with me coz it's not working?" nagtataka kong tanong.

"No. My surname. Say my surname again please."

Nagtaka ako. Hindi naman apilyedo niya ang sinabi ko a. It's his name. O baka naman hindi niya iyon pangalan!

"Is Alvaro not your name?"

Narinig ko ang pagtawa niya. Matagal-tagal pa siyang nakabawi sa pagtawa bago ako sinagot.

"It isn't. It's my surname."

"But why is everyone calling you Alvaro?" I asked.

E kasi naman it also sounded like a name for me not a surname.

"We don't call by first names. It has always been by last names kaya gano'n." nakangiti niya paring sagot.

Tumango ako. Oo nga ganoon pala iyon

"Then, what's your name?"

He held out his hands before uttering a word.

"Hi miss, I'm Captain Newt Ethan Fuego Alvaro. Nice to meet you." nakangiti niyang sambit habang nilalahad ang kamay.

Tinanggap ko naman ang kamay niya.

"Doctor Eris Mania Salvatera De Lavigne. Nice meeting you too."

I smiled as I held his hand.

It was such a raw feeling. Shaking his hands feels so surreal. I don't know.

Simple lamang iyong pagpapakilala pero parang may iba akong nararamdaman. It was like I'm a kid recieving a hand from a boy whom I like to play.

Natigil ako sa aking pag-iisip nang magsalita siya.

"Don't worry. I'll give you my surname soon. You will be my one and only Mrs. Alvaro."

Whatever It TakesWhere stories live. Discover now