Chapter 5

4K 101 16
                                    

"Doc 'di ka pa ba uuwi?"

Nabalik ako sa ulirat ko galing sa malalim na pag-iisip.

Tiningnan ko ang orasan at napagtantong tapos na pala ang shift ko.

"Ahh uuwi na ako ngayon."

Kinuha ko na nga ang bag ko saka dumiretso sa sasakyan ko. Pagkasara ko ng pintuan ay hindi ko muna ito pinaandar.

Sinandal ko ang ulo ko sa steering wheel at binalikan ang nangyari kagabi.

It was a 1 minute kiss bago ko napagtantong hinalikan niya pala ako.

I slapped him for that.

Napalakas ata ang sampal ko kaya napabaling siya sa gilid.

I was in shock kaya ko siya nagawang sampalin.

"O-oh I'm s-sorry." Sambit ko bago nagdesisyong umalis na.

Hindi niya naman ako pinigilan at mabuti rin iyon dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko at dumagdag pa itong kumakalabog kong dibdib.

"Arrrgghhhhh!"

Napasigaw ako kaya nauntog ko ulit ang ulo ko sa steering wheel.

Nababaliw na yata ako.

Nagdesisyon na akong umalis at umuwi na lamang pero natanaw ko si Nurse Cha na tumatakbo at may dalang papel sa kamay.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at sinalubong siyang hinihingal.

"Oh Nurse Cha ano 'yan? At bakit ka ba tumatakbo? Hiningal ka tuloy."

"P-pasensya na Doc, p-pero may ipinabibigay 'yong p-pasyente sa r-room 104." Paputol-putol niyang sabi.

Tinanggap ko ang envelope na dala niya.

"Sige na Nurse Cha bumalik ka na roon baka kailanganin ka."

"Sige po Doc. Ingat."

Pumasok ako sa sasakyan ko at tinitigan ng matagal ang envelope bago pinaandar ang sasakyan at umalis.

Pagdating ko sa condo ko ay nilapag ko ang bag ko kasama ang envelope sa kama at ilang beses iyong tinitigan habang ako'y naghuhubad.

Pumasok ako sa bathroom at humiga sa bathtub tsaka ulit inisip ang envelope.

Ano kaya ang laman no'n?

Is it a letter?

Kung sulat nga iyon para saan naman?

Apology Letter? Dahil ba sa nangyari kagabi?

Sa isang oras kong pag-iisip ay nagpasya na akong umahon na at magbihis.

I looked again at the envelope at nagpasyang buksan ito.

If this is a letter then what's the big deal? Why am I acting weird? Ba't parang ikinasasaya ko pang binigyan nga ako ng sulat. And in my head it wasn't just a plain letter or apology letter...ba't parang iniisip kong love letter nga ito?

Kumalabog ang dibdib ko sa naisip.

Nawala rin ang sayang iniisip ko nang mapagtantong pinaglalaruan niya nga lang pala ako.

I'm such a fool for almost falling to his trap.

Kaya pinagpasyahan ko nang hindi nalang basahin ang liham.

Pero habang kumakain ako ay iyon parin ang iniisip ko. Padarag kong binitawan ang kubyertos at kinuha ang envelope.

I opened the envelope and I was right it was a letter, but I'm not sure what kind of a letter it is.

'Mahal kong binibini,'

It says.

Unang salita palang alam kong punong-puno na ito ng pambobola.

'Nais ko sanang magpasalamat sa mabuting pakikitungo mo sa akin.'

Natawa ako sa unang linya. Hindi ko matandaang mabuti nga ang pakikitungo ko sa kaniya.

Wait, why am I enjoying this? Pero bahala na.

'Nais ko ring humingi ng tawad sa nangyari kagabi. Hindi ko kasi inaasahang magagawa ko iyon.  Inaamin ko ring masakit ang sampal mo pero hindi ko na iyon inalintana dahil nakahalik naman ako.'

Aba't ang mokong na 'to.

'Sana'y hindi ka magalit sa akin.'

Napangiti ako sa linyang iyon. Oo nasampal ko siya pero hindi ko kailanmang naramdamang nagalit ako.

'Aalis na ako ngayon kaya mamimiss kita at sana mamiss mo rin ako.
Hindi ko alam kong kailan ako makakabalik o kung babalik pa ba ako. Baka pa nga mamatay ako habang ginagawa ang misyon ko. Pero syempre mabubuhay ako para sa bansa, sa pamilya ko, at para sa'yo.
Hanggang sa muling pagkikita mahal kong binibini.

Nagmamahal, Alvaro'

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pero kirot ang namayani sa puso ko.

Is he an old-fashioned man? O ganito lang talaga siyang magsulat ng liham. Sa pagkakaalam ko ay bago sila sumabak sa gyera ay magbibilin muna sila ng 'will' nila sa sulat.

Babalik pa kaya siya?

Wait, why am I thinking this?

Nagpasya nalang akong matulog kesa isipin ang bagay na iyon.

Kinabukasan ay nagmamadali akong umalis dahil may emergency meeting ang piling mga doctor at nurse.

"Magandang Umaga sa inyong lahat. Napili ang ospital natin bilang volunteers sa karatig ospital sa kabilang bayan. At kayong mga nandito ang napili kong ipadala doon. It was hard for them to perform surgeries there since kulang ang kanilang materials kaya nais nilang humingi ng tulong sa atin." Pag-aanunsyo ng Chairman.

"Mamayang madaling-araw ang alis ninyo kaya umuwi na muna kayo sa inyo at maghanda para sa pag-alis mamaya." Pinal na sabi ng Chairman.

Nang magmadaling-araw na ay umalis na nga kami. Inaantok pa ako kaya nakatulog ako sa biyahe.

Sa kalagitnaan ng biyahe namin ay biglaang napahinto ang sinasakyan naming van kaya nagising kaming lahat.

"Ano ho 'yon manong?"

Nasagot ang aming tanong nang matanaw namin kung ano ang nakaharang sa kalsada--mali, sino-sino ang nakaharang sa kalsada.

I saw men holding their guns habang nakatutok sa amin.

Are we gonna die?

Am I gonna die?

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon