Chapter 24

2.6K 71 0
                                    

"Are you okay?" Alvaro asked.

I don't know but even after what Alvaro have done ay nararamdaman ko paring ligtas ako kapag nandiyan siya.

Hindi ko siya masagot dahil sa mga ala-alang ngayon lang pumasok sa aking isipan.

Did I really killed my father?

Nasaan na ba sina Tito at Kate?

May dumating bigla na mga nurse at dumalo sa akin.

Ipinahiga nila ako sa stretcher at agad na idinala sa ambulance.

Pero bago paman masirado ang pintuan ng ambulance ay narinig ko ang usapan na nagpakaba sa akin ng lalo.

"Captain Nakatakas raw!"

Nakatakas? Sino? Si Tania?

Tania was so eager to kill me kaya alam ko kung bakit siya nakawala sa mga kamay ng mga sundalo. That kind of mindset is so easy to read.

Bahala na kung ano ang mangyari sa kaniya basta't magawa niya ang gusto niya.

Sa kalagitnaan ng biyahe papuntang ospital ay 'di ko na napigilan at pumikit na ang mga mata ko.

Nagising nalang ako na nasa isang private ward na.

Parang kailan lang ako ang bumibisita ng mga pasyente sa kaniya-kaniya nilang ward pero ngayon ako na mismo ang pasyente.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Alvaro suot ang kaniyang BDA.

Ang kaniyang mga mata ay punong-puno ng pag-aalala.

"Okay ka na ba?" Tanong niya.

What's our score here? Kung makatanong siya parang may kami pa. I didn't said that though.

Tango lamang ang naisagot ko.

Umupo siya sa upuan na katabi ng kamang hinihigaan ko.

"Nakatakas ba si Tania?" Hindi ko na napigilang itanong.

He looked at me at tumango.

Kumalabog bigla ang dibdib ko.

Natatakot ako sa kung anong kayang gawin ni Tania. Hindi lang sa akin kundi sa mga taong malalapit sa akin. She might kill them and I'm worried for that.

Tania's a psycho hindi natin alam kung ano pa ang kaya niyang gawin.

"Kasalukuyan na siyang hinahanap ngayon," Alvaro said.

Tumango lang ako at napaiwas ng tingin nang may biglang pumasok sa isip ko.

"I-Is it true that p-pinakidnap mo a-ako?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

Hindi siya nagsalita agad.

"No," tanging sagot niya dahilan ng pagbaling ko sa kaniya.

Hinanap ko sa kaniyang mga mata ang pagsisinungaling but all I could see is sincerity.

"Really? Bakit narinig ko ang pangalan mo sa mga taong dumakip sa akin?" I asked at him.

Nakita ko ang pagkalito sa kaniyang mga mata.

"That wasn't me," lito niyang sagot.

"Really? It seems you though," sabi ko.

"I swear I didn't tell those shits to kidnap you! Mahal kita, bakit ko naman gagawin iyon?" He said with frustration in his eyes.

My heart hurt at what he said.

Oh God! I wish that was true.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Tania told me you were one of them a-at...nagtraydor ka raw. Is it true?" Tanong ko at ibinaling ang paningin sa kaniya.

"No. That's what she thinks because I used her!" He spat.

Nanlaki ang mata ko. He used her?

Her what? Her body? What the hell!

Sa harap ko pa talaga niya sasabihin na may nangyari sa kanila? I can't believe him!

"You used her? Her body?!"

Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata.

"No. That's not what I meant. Ginamit ko siya para sa misyon Eris. The General called me to look after Tania dahil kasabwat siya ng mga sindikato. Sinamahan ko siya to fish informations. So, stop what you're thinking!"

Nagulat ako sa sinabi niya.

I looked away.

"S-She told me you had s-sex. She told me that you cheated with her behind my back. Is it true?" I asked not looking at him.

I don't want to see his face while saying words I don't want to hear.

"Nothing of all those words she said is true," sabi niya dahilan ng paglingon ko.

"Really? 'Cause it seems so true."

I rolled my eyes.

"Do you really think I would do that to you?" Tanong niya.

"Yes," I said without looking.

"Do you trust me?" He asked again.

"I do--"

"Then I tell you, walang nangyari sa amin ni Tania. I love you Eris. I could never do that to you." Pagpuputol niya.

Namayani ang katahimikan pagkatapos niyang sabihin iyon.

Nagkatinginan kami and I could hear my heartbeat from my chest.

Ba't ganito? Pag nagsalita siya kung gaano niya ako kamahal ay bigla nalang tumitibok ng mabilis ang puso ko.

Parang automatic na na gano'n ang response ng puso ko tuwing sinasabi niya iyon.

Gano'n na ba ako talaga karupok sa kaniya?

Isang 'mahal kita' lang niya, nanlulumo na ako. Bumibigay na ako.

Naputol ang aming titigan nang bumukas ang pintuan at iniluwa noon sina Nurse Cha at Nurse Cej.

"Doc!"

Agad silang lumapit sa akin at dinaluhan ako.

"Kumusta doc? Okay ka na ba?" Si Nurse Cha.

"Okay na ako. Salamat sa pagpunta niyo, talagang dumiretso kayo dito pagkatapos ng trabaho a," I glanced at their Nurse gown.

They both chuckled. Pati narin si Alvaro. Natigilan tuloy ako at nagtaka.

"Doc naman! Malamang sa ospital na ito kami nagtatrabaho e," si Nurse Cej sabay tawa. Tumawa rin si Nurse Cha at nangingiti si Alvaro.

Oo nga. Ba't 'di ko naisip iyon? Siguro dahil sa gamot na itinurok sa akin kaya ganito ako mag-isip.

Nagkwentuhan kami doon. Nakisali narin si Alvaro and everytime I will look at him feeling ko ang awkward.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Doktora Gaviola.

She's an associate director sa ospital na ito at base sa aking nakikita ngayon ay siya ang naggamot sa akin.

She checked my vitals and asked questions.

Nang lumabas si Doktora ay sumunod namang pumasok ang isang babaeng naka-itim lahat ang suot.

From her hair down to her black boots. She was wearing a black turtle neck croptop, black ripped jeans with a black gucci belt, a black boots and a black coat.

I could tell she loves black. Suot niya rin ang isang black na aviator.

Tinanggal niya ang aviator niya at ngumiti sa akin.

I couldn't smile. She was fierce when she walked in and I was then nervous at her aura pero nang ngumiti siya nawala ang kaba ko.

Her face was so familliar it was in the back of my mind but I couldn't tell who?

"How are you cous?"

Nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung sino ang nasa harapan ko.

"K-Kate?!"

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon