Chapter 7

3.5K 98 1
                                    

Halos mag-iyakan na ang ilan kong kasamahan dahil sa mga naririnig na mga putukan ng baril.

Ang ginang na kanina'y katabi ko ay ngayon ay nandoon sa matandang nakahiga hinahawakan ang kamay habang umiiyak.

I'm scared but it never showed.

Nagtipon kami sa isang gilid habang tinututukan ng baril. A tear escaped from my eye when I realized I am about to die.

Natanggap ko na naman ito pero takot parin ako.

I saw Ismael holding his gun habang nagtatago sa isang kahoy loading his gun bago nagpaputok muli.

Someone shot him kaya natigil ang pagbaril niya.

"Papatayin ko ang mga ito kung ipagpapatuloy niyo iyan!" Sigaw niya sabay turo sa amin.

I trembled because of what he said.

Ang kasamahan kong doktor ay maingay na nag-iyakan while me, I'm crying silently.

Narinig naming nawala ang mga putukan. I then saw a soldier, hands up pero hawak parin nito ang baril.

Nanlaki ang mata ko sa nakita. It was Vince!

Kung nandito si Vince posibleng nandito rin si Alvaro.

Papalapit siya kay Ismael pero bago pa siya makalapit ay nagpaputok si Ismael kaya naman ay umiwas siya pero nadaplisan parin ng bala ang kaniyang gilid kaya napahawak siya dito.

Tinutuok niya ang baril kay Ismael kaya hindi nanlaban si Ismael at dinakip ito ng ilang sundalo. Nakita ko ring pinaligiran nila ang matandang kanina lamang ay inoperahan namin.

Ang ginang naman ay dinakip at nag-iiyak.

Naawa ako sa kaniya pero ngayon pa ba ako maaawa kung mismo ako ay kaawa-awa?

Doon ko palang napagtantong wala na ang mga lalakeng kanina ay nakatutok ng baril sa amin.

Napatalon ako sa takot ng may humawak sa balikat ko.

In just a split of second my heart skipped and I know who it was.

Ang mga mata niya ay nakatingin sa akin at punong-puno ng pag-aalala.

Alvaro put my head on his chest nang may nagpaputok ng baril sa banda namin.

For the first time I felt safe in his arms. But would he be safe trying to protect me.

"Major, kailangan namin ng back-up."

Sambit niya habang hinahawakan ang earpiece sa tenga tila may kinakausap.

Tiningnan niya ako at hinawakan ang pisngi ko.

"Thank God you're safe." Sambit niya bago ako hinila patayo at ganoon rin ang ilan kong kasamahan para ilabas na kami do'n.

Humupa na ang putukan at dinala nila kami sa isang sasakyan.

Nang bitawan ako ni Alvaro para bumaling sa kabilang sasakyan ay bumalik ang pangamba ko. Bumalik ang takot ko nang bitawan niya ako.

I never asked him to stay but instead I told myself in my mind to be strong and that I don't need him for that.

Naging matagumpay ang pagsaklolo nila sa amin nadakip narin ang ilang mga rebelde.

Thinking about them naalala ko ang matandang inoperahan namin. Paano siya?

I can't help but ask one of the soldier na kasama namin sa sasakyan.

"Iyong pinuno nila?"

"Dadalhin po siya sa kampo at doon na papagalingin habang binabantayan ng ilang mga sundalo."

Tumango-tango ako.

Nang makarating kami sa kanilang kampo ay agad kaming dinala sa isang tent at kinunsulta kung may mga natamo bang sugat sa amin. There were medics at army surgeon na tumulong sa amin.

Pinagpahinga nila kami sa medical area nila.

"Akala ko talaga Doc mamamatay na tayo." si Nurse Cha.

I smiled.

"Akala ko rin."

Nagpahinga kami do'n hanggang sa nakatulog. Pagkagising ko ay agad akong lumabas sa ward and there I realize nasa kampo ako ng mga sundalo.

Gabi na pero marami ang mga sundalong nakakalat siguro dahil sa nangyari. They will write pages of reports.

Umupo ako sa may bato at tiningnan ang bituin.

Mag-isa nalang akong nagising kanina, siguro kumakain na sila Nurse Cha. I want to go there 'cause I'm hungry too pero hindi ko alam kung saan kaya dito nalang muna ako.

How I wish I can be a star. Shining bright even at this darkest hour.

Natanaw ko sa kalayuan ang isang sundalong papalapit na may dalang tray ng pagkaing papalapit sa akin. It was dark kaya hindi ko maaninag ang mukha.

Nang tuluyan na itong makalapit ay napagtanto ko kung sino ito. It was Alvaro.

He handed me the tray.

"Kain ka na."

Tinanggap ko iyon at pumasok sa ward.

Akala ko ay umalis na siya pero nakasunod parin siya sa akin.

"Okay ka na ba?" He asked.

"Yeah." Tipid kong sambit.

Nilapag ko ang tray sa higaan at sinubukan nang kumain.

I was a bit distracted kasi nakatingin siya habang kumakain ako.

"I'm sorry for coming late." Sambit niya dahilan ng pag-angat ko ng tingin.

Ngumiti ako ng tipid.

"Don't be sorry. Atleast you came dahil kung hindi kayo dumating ay baka pinaglalamayan na ako ngayon." Nakuha ko pang tumawa sa sinabi.

"I won't let that happen." He said.

"Alin ang paglamayan ako?"

"Oo. Hindi ko iyon gagawin dahil ililibing na kita ng deritso."

Seryoso ko siyang tinignan at nakitang nakangiti ito.

I dropped the spoon and fork.

"How dare you!"

Tumawa lamang ang nakaka-inis na sundalo kaya natawa narin ako.

"I love to see your smile."

Napatigil ako sa pagkain at tiningnan siya.

"Well, I hate your smile." Sabi ko na siyang nagpawala ng ngiti niya sa labi at sumimangot.

Tumalikod siya at naglakad papalayo nang may papadyak-padyak na parang bata kaya natawa ako.

"Babalikan kita kaya kumain ka na muna diyan." Sambit niya habang naglalakad palayo.

Inaamin kong napagaan niya ang nararamdaman ko. Inubos ko ang pagkain at lumabas para sana ibalik ang tray pero nakita ko ang matandang babae na nakaluhod sa mga sundalo. Nagmamakaawa itong papasukin.

Tiningnan ko kung ano ang nasa loob dahil nakaglass naman ito at napagtantong doon dinala ang matandang inoperahan namin. She was begging for them to let her in.

Pupuntahan ko na sana para sabihan kung pwede siyang papasukin pero nakaranig ako ng putok ng baril kaya nabitawan ko ang tray at napa-upo sa takot.

Nilingon ko kung saan ito galing at nakitang nakatayo si Ismael sa may gilid ko habang pinapaputok ang baril sa itaas.

Nakita niya ako at ibinaling sa akin ang pagtutok ng baril kaya nanginig ako sa takot.

This time, I'm sure I am going to die.

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon