Chapter 23

2.6K 64 0
                                    

"Eris halika dito!" Sigaw ng pinsan kong si Kate.

Agad akong lumapit sa kaniya.

"Try mo dali," sabi niya at inilahad sa akin ang isang baril.

Sapilitan niyang ipinahawak sa akin iyon. Nagulat ako nang maramdaman ang bigat nito.

"H-Hindi ako marunong Kate," sabi ko at sinubukang ibalik kay Kate ang baril.

Nasa likod kami ng bahay nila. Ang sabi niya ay maglalaro lamang kami ng bahay-bahayan pero iba ang dala niya. It's a gun. Hindi laruan pero totoo.

"You will learn it Eris. Tuturuan kita. Naglalaro ako ng airsoft remember kaya 'wag kang mag-alala," she said at pumwesto sa likod ko para gabayan ako.

I was scared because I might fail. Baka iba ang mabaril ko at hindi iyong sakong nakabitin.

"Humawak ka dito," she instructed.

I clicked something and start to position, ready to shoot.

Kinalabit ko ang baril. Napatalon ako sa gulat kaya nalihis ang pagtutok ko.

Nakita ko sa kalayuan na may nakahandusay. It was a dog lying on the grass at duguan.

"K-Kate nabaril k-ko ata ang aso," nanginginig kong sambit.

"Oh shit! I forgot to tell you to wear this," sabi niya at ipinakita ang isang parang headphone.

Nilapitan namin ang aso.

Patay na nga talaga iyon. Naawa tuloy ako sa kaniya.

"Ilibing nalang natin," suhestiyon ni Kate.

Inilibing nga namin iyon.

Nang matapos ay inaya ulit ako ni Kate pero tumanggi na ako dahil baka iba na ang matamaan ko.

I was just 12 years old at that time and Kate is just 16 yet she was so expert about gun. Tito is a police kaya kapag wala si Tito ay pumupunta si Kate sa kuwarto para kunin ang baril ni Tito.

Wala silang tauhan kaya malaya siyang gamitin ito.

Ni hindi alam ni Tito na nag-a-airsoft siya.

"I could tell Kate that when you grow up you'll be like your dad," sabi ko habang kumakain ng chips sa veranda kasama siya.

She chuckled bago nagsalita.

"I won't be like him. Ayokong magserbisyo sa gobyerno. I want to build my own organization. Alam mo 'yon...mafia or something, but don't get me wrong. It's in a good way naman," she smiled at me.

"You'll be a sindicate?!" Gulat kong tanong.

Nakita ko ang irita niyang pagbaling sa akin.

"Sabi ko nga diba in a good way. At syempre mas lamang pa ako sa mga sindikatong mga 'yan," she said habang nakataas ang noo.

Natutunan ko naring bumaril dahil kay Kate. Sinasama niya ako everytime maglalaro siya ng airsoft.

It was monday morning when I went home from school nang makita ko si Mama na hindi mapakali.

"Ma ano pong nangyari?" Tanong ko.

"Your Tito told me to go to meet someone dahil busy siya pero busy ako anak at hindi niya rin mautusan si Kate kasi hindi raw ma-contact. Pupuntahan ko pa ang Papa mo sa azucarera kasi may problema roon," sabi niya habang nakahawak sa sentido niya.

"Ako nalang po ang makikipagkita. Puntahan niyo nalang po si Papa doon," sabi ko.

Inangat ni Mama ang tingin niya sa akin at ngumiti.

"Thank you anak." She then hugged me.

Pumunta ako sa kung saan ang meeting ni Tito at nong makikipagkita sa kaniya.

I waited inside a restaurant. Nakita kong may lumapit sa akin na isang matandang lalake at nakipagkamayan.

"Good evening. I'm Attorney Lopez," sabi niya at nginitian ako.

His surname is familliar.

"Eris De Lavigne po."

"I assumed that you're here because both your mother and your Tito is busy," sabi niya at umupo.

Tumango ako sa sinabi niya.

"I can't discuss you this pero may ipapabigay nalang ako sa Tito mo."

Nilahad niya sa akin ang isang folder. I didn't bother to look inside of it kasi alam kong wala lang rin naman akong maiintindihan.

"I have to go. May client pa ako," pagpapaalam niya at umalis.

Sumakay nalang ako ng taxi kasi wala naman akong sariling sasakyan.

I looked at the folder I am holding. His surname is really familliar to my ears.

Oh! It's Tania's surname.

Binigay ko kay Tito ang folder na ipinapabigay ni Attorney Lopez nang gabi ring iyon.

Nang pumasok ako kinaumagahan ay nabalitaan ko nalang na lumipat na si Tania. I was about to ask her if kilala niya si Attorney Lopez.

Days passed at nag-iba ang trato sa akin ni Tania. She's suddenly so mean towards me. Wala naman akong ginawa.

Umuwi ako ng gabing iyon na mulungkot dahil sa mga ipinapakalat ni Tania na kung ano-ano tungkol sa akin.

Pagpasok ko sa bahay ay isang kalabog agad ang narinig ko.

"Bakit mo ba kasi ginalaw iyon? Ayan tuloy lugmok na tayo ngayon!" Narinig ko ang sigaw ni Papa.

"I didn't mean it okay! Hindi ko naman kasi alam na importante pala iyon. Ni hindi ko rin naman alam na ang Zaldariaga nalang ang natitirang investor natin. Sinabi mo nalang sana sa akin para hindi pa umabot sa ganito," sigaw ni Mama.

Akala ko ay huhupa ang problemang iyon nang gabi ring iyon pero no'ng patulog na ako ay may narinig akong isang malakas na putok.

Agad akong napatayo sa gulat.

I walked outside my room at pumunta sa sala. Nakita ko si Mama na nakahandusay sa sahig at duguan.

Nilingon ko si Papa na nakahawak ng baril at gulat ang mga mata.

I cried at what I saw.

"Ma!"

Nilapitan ko si Mama at nakita ko siyang nahihirapang magsalita.

She caressed my face before she closed her eyes. Umiyak ako habang hawak-hawak ang kamay niya.

Galit ang namuo sa akin. I looked at my father. Punong-puno ng pagkamuhi at galit ang nararamdaman ko.

"I-I'm sorry," sambit niya na halos bulong na lamang.

"How dare you! You killed my mother!"

Sinugod ko siya at hinampas-hampas sa dibdib.

"Your a monster! How dare you!" Sigaw ko habang hinahampas parin siya.

I looked at the gun na ngayon ay nasa sahig na. Kinain ako ng galit ko kaya kinuha ko ang baril at itinutok iyon sa aking ama.

Hindi ako nagdalawang-isip na paputukin ang baril. And with that, I killed my father.

Natauhan lamang ako nang pumasok sa isipan ko ang nangyari. My mother got killed by my father and I killed my...father.

Napaupo ako sa sahig nang pumasok lahat sa isip ko ang nangyari.

I killed my father.

Nilagay ko sa ulo ko ang baril. Willing to kill myself too.

I pulled the trigger at nandilim ang paningin ko.

I opened my eyes and saw Alvaro's face. He was caressing my face nang may pag-aalala sa mga mata.

Nakita ko sa likuran niya si Tania na ngayon ay hawak-hawak na ng mga sundalo at hinihila papalabas sa silid.

Hindi ko na nasundan ng tingin si Tania dahil bigla nalang akong niyakap ni Alvaro. I then hugged him back with my hands trembling.

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon