Chapter 21

2.5K 79 2
                                    

I cried when I got back in my condo.

I hate him! How could he cheat on me!

May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? Naibigay ko naman ang time ko sa kaniya diba? Pero bakit parang may hinahanap siya sa akin na andoon sa Taniya na iyon?

Sana sinabi niya sa akin na ayaw na niya, papayag naman ako e. Hindi na sana ako nasaktan ng ganito.

Narinig ko ang sunod-sunod na doorbell. Alam kong si Alvaro iyon kaya hindi na ako nag-abalang buksan.

Nakatulugan ko ang pag-iyak dahilan ng pagkalate ko sa trabaho.

Namumugto ang mga mata ko kaya nagdesisyon akong lumiban muna. I emailed a letter to the Chairman pagpapaalam na a-absent ako.

Siguro maglilinis nalang muna ako ng condo unit. If Alvaro's outside at naghihintay sa akin ay hahayaan ko lamang siya. I'm not ready to face him yet. Masakit parin.

Buong araw hindi ako lumabas sa condo ko. Pinagka-abalahan ko ang paglilinis sa unit ko at panonood ng mga movies.

Ginawa ko ang lahat para makalimutan ang nangyari kagabi. I know it's impossible to move-on that fast, pero kailangan ko parin subukan.

Buwan lang rin naman ang relasyon namin ni Alvaro. Kung tutuusin I shouldn't cry, pero masakit e.

I looked through the peephole para tingnan kung may tao ba. Nakita kong wala kaya nagpasya akong lumabas at kumain mag-isa.

Naka-hoodie lamang ako nang lumabas ako sa unit ko. Sinadya kong iwan ang cellphone ko dahil alam kong tadtad iyon ng text ni Alvaro. I don't want to talk to him yet.

I decided to eat samgyupsal at uminom ng soju. I don't want to go to the bar kasi maingay doon. I just want a peaceful date with myself para makapag-isip-isip.

I swore to myself I won't fall inlove again like this. Kasalanan ko rin naman kasi nagpadalos-dalos agad ako. Sana hindi ko nalang siya sinagot kung ganito rin naman ang gagawin niya. Pero hindi ko naman alam iyon.

Masakit pagtaksilan. I could say that.

Umuwi ako nang mag-alas dyes.

Pagbukas ng elevator sa palapag kung nasaan ang condo ko ay nakita ko sa labas roon si Alvaro.

I froze. Although inasahan ko nang pupunta siya pero gulat parin ako.

Nakita niya ako kaya agad siyang lumapit sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin at sinubukang lagpasan siya.

Hindi ko napagtagumpayan dahil hinarang niya ang sarili niya at hinawakan ako sa balikat.

"Eris listen to me. About last night--"
"Save it next time. Sa ngayon hindi pa ako handang marinig ang sasabihin mo. Sinira mo ang tiwala ko kaya baka pati ang sasabihin mo hindi ko na paniwalaan," sabi ko na siyang ikinatigil niya.

"Please Eris, I'm sorry. I did not mean to hurt you," he looked sincere but who knows baka nagsisinungaling lamang siya.

"Sinaktan mo parin ako," I said trying to swallow the lump in my throat.

"Eris I swear to god there is nothing in between Tania and I," he looked desperate holding my both hands.

"We broke up Alvaro. I don't care anymore. Siguro nasaktan mo nga ako pero wala na akong pake sa kung ano man ang namamagitan sa inyo ni Tania," sabi ko sabay bawi ng kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Please, let me go. Ayoko na," pagmamakaawa ko sa kaniya.

His eyes were bloodshot kaya hindi ako makatingin ng diretso.

Tinalikuran ko siya at naglakad papasok sa unit ko. But before I could go in I felt his hug behind me.

"Just a minute," he whispered.

I cried silently standing there. Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng yakap niya hanggang sa bumitaw na siya. I took that as cue to go inside.

I closed the door at agad napasandal.

Umiiyak ako habang naka-upo roon. Ang kaninang tahimik na pag-iyak ay napalitan ng hikbi.

It's another hard night for me. I didn't cry all night but my chest is in pain. Kailangan kong maging okay dahil may pasok ako sa trabaho bukas.

Matamlay akong pumasok sa ward. I did not put much make-up that's why I look pale plus stress dahil sa nangyari.

"Doc may sakit po kayo? Sana hindi nalang kayo pumasok," nag-aalalang tanong ni Nurse Cha.

"I have to," sagot ko at nginitian siya.

Nagsagawa ako ng rounds. I used to be cheerful towards my patients pero hindi ko magawa ngayon. Tipid ako kung ngumiti at kung magsalita.

Nang matapos ang shift ko ay nagpasya akong umuwi agad.

Trabaho nalang kaya ang mahalin ko? But I shouldn't love my work right? Kasi baka iwan rin ako. Lahat pa naman ng minamahal ko ay iniiwan ako.

I sighed.

Mahalin ko rin kaya problema ko? Baka iwan rin ako e.

I laughed at my thought. Nababaliw na ata ako.

Pumunta ako sa parking lot at hinanap ang sasakyan ko.

Papasok palang ako ay agad na may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko.

Nagpupumiglas ako pero mahigpit ang hawak ng humihila sa akin kaya hindi ako makaalis.

"S-Sino ka?"

I turned my head to the man who's holding me. He was wearing masks at may kasama pa siyang tatlo. Babae ang isa dahil naka-ponytail at nakamask rin.

Pinapasok nila ako sa isang SUV.

May panyong tinakip sa ilong ko. Nalaman kong may nilagay sila roon kaya hindi ko nilanghap. But I am out of breath kaya nalanghap ko. My head hurt at umikot ang paningin ko.

Before I closed my eyes, I heared the man talked to someone through the phone.

"Nakuha na po namin Boss Ethan."

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon