Chapter 20

2.7K 76 1
                                    

I did not choose to overthink kaya ipinagkibit ko na lamang iyon ng balikat.

Baka naman sina Nurse Cej lang iyon diba? But, they never called him Ethan. I shooked my head at pumunta na lamang sa kusina para paghandaan si Alvaro ng makakain.

Nakita ko siyang pumasok sa condo at nagpaalam na maliligo muna.

It's already five in the morning, mamayang nine pa ang duty ko. Now that I think about it, kailan kaya ang balik ni Alvaro sa campo nila?

His phone vibrated again. Naririnig ko ang tunog ng shower kaya sa tingin ko ay naliligo pa nga siya.

Sinubukan kong hindi iyon pansinin pero nakakuha ito ng atensyon ko.

I was about to silent his phone pero nabasa ko ulit sa lockscreen ang isang mensahe.

Unknown: Mamayang dinner ah, I'll wait for you :)

Tumunog ulit ang phone niya at nagpop-up ulit ang parehong number.

Unknown: I'm excited kaya hanggang ngayon hindi pa ako makatulog.

Unknown: Gising ka na ba? Probably not, kasi hindi ka nagrereply.

Unknown: Anyways, good morning. Tulog na lang muna ako.

Sunod-sunod ang mga mensaheng iyon.

Who is this? I have a hint pero hindi naman ata diba?

I turned his phone into silent mode at bumalik sa kusina.

"Aren't you gonna sleep?" Tanong niya nang makalabas sa bathroom.

"Hindi na siguro dahil nine iyong shift ko e baka ma-late ako," sagot ko sa tanong niya.

"You should sleep Alvaro. Wala ka pang tulog," I suggested.

Tumango siya at humiga sa sofa. Sasabihan ko na sana siyang sa kuwarto nalang matulog pero nakahiga na siya at handa nang matulog kaya hindi nalang ako nag-abala.

I drank my coffee at bumalik sa kuwarto ko para sana matulog at mag-aalarm nalang ako para hindi ako ma-late. When I woke up at exactly eight in the morning naka-amoy ako ng mabango.

Lumabas ako sa kuwarto at nakita si Alvaro na nagluluto. Napangiti ako. He looked attractive habang hawak-hawak ang sandok.

"Mornin'," he greeted.

"Good Morning. What are you cooking?" I asked at pinagmasdan ang bawat galaw niya.

"Bacon and ham," sagot niya at inilapag sa lamesa ang niluto.

"Sit. Sabay tayong kumain."

I giggled at what he said.

Nakangiti ako habang kumakain. Pinagmamasdan ko lamang siya gano'n rin siya sa akin. But there was something in his eyes na para bang may gusto siyang sabihin.

Biglang nag-iba ang pakiramdam ko sa naalala kanina.

"Aalis ka ba ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"You mean this morning? Hindi, sa condo lang ako," sagot niya.

"No, I mean this whole day? M-Mamayang gabi?" Tanong ko trying to find out something.

Nakita ko siyang napahinto sa pag-Kain at nag-isip.

"Hindi. Saan naman ako pupunta? Unless kung ikaw ang kasama ko."

He seems sincere. Baka some obssessed woman na may gusto lamang sa kaniya ang nagtext na iyon?

I shrugged. It seems that I'm wrong.

Hinatid niya ako sa ospital at siya naman ay sa condo niya lang.

Whatever It TakesWhere stories live. Discover now