Chapter 33

2.6K 67 6
                                    

Dahil sa nakita ay buong araw ata akong nakatulala habang iniisip ang nakita kanina.

"Doc, okay ka lang ba?" Si Nurse Cha nang magkasalubong kami.

Tumango ako sa kaniya at nginitian siya.

"Kanina pa po kasi kitang napapansin na wala sa sarili," hindi mapigilang sambit ni Nurse Cha.

"Okay lang ako," I assured her with a smile at nagpaalam na aalis na.

Pupunta ako ngayon sa isang restaurant. May kikitain akong investor.

Nang makapasok sa sasakyan ay agad ko itong pinaandar papunta sa kung saan kami magkikita.

Nahagip ng aking paningin si Alvaro na inaalalayang makapasok si Tania sa kaniyang sasakyan.

I sighed.

It seems like they're together. Ang saya nilang tignan.

Bitterness crept in me. What can I do? Hahadlangan ko pa ba sila? They seem...perfect...together.

Winala ko iyon sa aking isipan nang makarating na sa restaurant.

"May reservation po Ma'am?"

I nodded at sinabi ang pangalan ko. Agad niya naman akong iginiya sa isang lamesang may naka-upong lalake na nakatalikod sa akin.

Likod palang niya halatang bigatin at may itsura.

Nang tuluyan ko na siyang maharap ay nanlaki ang mata ko.

It was the man I saw from the bar! Iyong kahalikan ko. Nahiya tuloy ako bigla.

"It's you. I'm Mr. Alvarez," sambit niya at naglahad agad ng kamay.

Tinanggap ko iyon at nakita ko ang mga mata niyang nanghihingi ng sorry.

Umupo ako kaharap niya at nagtawag agad ng waiter dahil nakakailang kapag kami lamang dalawa.

Nang makaalis na ang waiter ay doon na ako nailang. Tumikhim ako at sinubukang pag-usapan ang tungkol sa pag-invest niya. Hindi ako nagtagumpay sa gagawin dahil inunahan na niya ako.

"I'm sorry doon sa bar," he said sincere to his words.

Nginitian ko siya bago nagsalita.

"Pareho tayong lasing noon and we shouldn't do that...again," sambit ko.

Tumango siya, nandoon parin ang pagsisisi sa mga mata.

Pinag-usapan namin ang investment niya sa ospital and it took one hour for us to finally end the conversation.

"Matt!"

Nakita ko ang paglapit ng isang babae na may dalang batang tatlong-taong gulang ata, sa lamesa namin.

"She's Andra. My cousin," pagpapakilala ni Matthew or I should say, Mr. Alvarez.

Ngitian ko ang babae ganun din siya sa akin.

"Thank you for today Sir," I offered him my hand to shake at tinanggap niya naman iyon.

"I'll go ahead now," pagpapaalam ko at umalis na doon.

Umalis na ako doon at bumalik sa ospital para kunin ang naiwang mga gawain at dadalhin na lamang sa bahay nina Kate para doon tapusin.

Pagnatapos ko na ang trabaho ko dito sa Pilipinas ay baka bumalik na nga ako sa States.

Umuwi akong pagod nang araw na iyon.

I heard my phone beeped nang lumabas ako sa bathroom.

I grabbed it at tiningnan kung sino ang nagtext.

Whatever It TakesWhere stories live. Discover now