Chapter 30 *Request*

661K 11.8K 3.2K
                                    

Mensahe ni Majinbu

Sorry po for the very very late update. Busy lang po sa work. Salamat sa mga nag-antay!

***

Chapter 30

*Request*

[Dionne’s POV]

“hay buhay parang life..” nag buntong hininga ako then napatingin ako doon sa malaking cross sa harap ko “God, kung ano man po ang problem niya sana tulungan mo siya” bulong ko.

Nandito ako ngayon sa church para sa practice namin ng choir. Day-off ko today at kahit na ayokong umalis sa bahay para samahan si Japoy, mas pinili kong pumunta dito dahil hindi ko rin naman dapat kalimutan ang duties ko sa simbahan. At dahil medyo napaaga ang dating ko, mag-isa pa lang ako ngayon dito at inaantay ko yung ibang choir members. Nag stay muna ako sa loob ng simbahan at naupo sa isa sa mga benches doon habang nagiisip ng malalim.

Hanggang ngayon wala parin akong idea kung bakit umiiyak nun si Japoy ng makita ko siya sa park. Nung makauwi kami ng araw na yun, ni hindi na niya binanggit saakin yung dahilan. Nag kulong lang siya sa kwarto niya magdamag. Gusto ko sanang tanungin siya kaso malakas ang pakiramdam ko na ayaw niyang pagusapan ang bagay na yun at kailangan niyang mapag-isa.

Pero sana lang i-open niya saakin. Gusto kong makatulong sa kanya at nasasaktan din ako pag nakikita ko siyang nalulungkot.

Hay. Mahal ko na ata talaga siya.

After a few minutes, nakarinig ako ng kotse na pumasok sa may bakuran ng simbahan kaya naman tumayo ako at naglakad palabas para silipin kung sino yung dumating.

Pagkalabas ko naman ng simbahan, nakita kong may naka-park doon na isang malaking sasakyan at sa labas nun, may isang babaeng busyng busy na ginagamit ang cellphone niya. Nung una, hindi ko siya masyadong mamukaan, pero nung inangat niya ang ulo niya, doon ko lang napansin na si Ashley pala to.

(A/N: kung sino po yung hindi na nakakatanda kung sino si Ashley, siya po yung friend ni Dionne sa church na kasamahan niya rin sa choir. Go back to chapter 4 ^__^ )

Nilapitan ko naman agad si Ashley

“Uy Ashley nandiyan ka na pala!” bati ko sa kanya then tinapik ko siya sa balikat

Napatingin saakin si Ashley at doon ko lang napansin na naka make-up pala siya ng maayos ngayon. Usually kasi, pag pumupunta dito sa simbahan si Ashley, hindi naman siya nag m-make up.

“ayos na ayos ka ngayon ah” sabi ko sa kanya tapos napatingin ako sa damit niya. Naka top and shorts lang siya “uhmm kaso baka pagalitan ka ni Kuya Romy kasi naka shorts ka lang na papasok sa simbahan”

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon