Chapter 2 *Kiss*

928K 18.8K 4.6K
                                    

Sa mga nagtatanong kung ano ang nangyari doon sa site ko sa weebly.... dinelete ko na siya :)

****

Chapter 2

*Kiss*

[Jake’s POV]

“she’s Dionne Sy, anak siya ng kaibigan ko. She’ll be your P.A from now on”

Tinignan ko yung Dionne mula ulo hanggang paa. Chinita siya at may mahabang itim at straight na straight na buhok. Halatang may lahing Chinese ang isang to.

“hi Sir Jake, nice meeting you po. Sorry pala kanina” nilahad niya ang kamay niya na parang gusto niyang makipag shake hands

I look her hands with disgust “may I ask when is the last time you sanitize your hand?”

“h-ha?”

“kung di mo naiintindihan sa English then itatagalog ko para sayo. Kelan mo huling hinugasan yang kamay mo?”

“Japoy!! Manners!!” saway ni Tito Jin.

Sumimangot ako dahil sinaway niya ako at dahil tinawag na naman niya ako diyan sa stupid nickname na yan. Tong si Tito di nagiingat eh! paano kung may nakapasok na paparazzi dito sa unit ko at nag install ng hidden device para makapag stalk saakin? Paano kung narinig nila ang mabaho kong nickname? edi yari ako? Sira ang career ko? Tss.

“Japoy it is not right to keep a girl waiting” sabi ni tito habang nakatingin doon sa kamay ni Dionne na nakalahad parin. Dahil wala na kong magawa, hinawakan ko ang dulo ng daliri ni Dionne gamit ang dalawang daliri ko at nakipag shake “fingers” sa kanya while digust is written all over my face. Kadiri talaga. Malay ko ba kung ilang bacteria ang dumapo sa daliri ng babaeng yan. Asar naman oh, kakapaligo ko pa lang nadumihan na ako agad =__=

“be kind to her ok? And wag mo siyang aawayin at pahihirapan ha?” sabi ni Tito Jin “make sure hindi siya magugutom. And also—“

“wait wait wait” pag awat ko kay tito “sino ba ang P.A saamin dalawa? Ako o siya? Bakit saakin mo siya binibilin ha? Sino bang pagsisilbihan dito?”

“oh wag kang magalit! Reminders lang” sabi ni tito

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon