Chapter 17 *Stolen*

703K 14.8K 4.5K
                                    

Chapter 17

*Stolen*

[Jake’s POV]

“uwaaaaaa Daddy tignan mo yung rabbit oh! Ang cute cute cute cute cute” itinapat ni Maya saakin yung hawak hawak niyang rabbit. Tinignan ko naman ito maigi

“may kamukha yan!”

 

“sino daddy?”

 

“hmmm” lumingon ako kay Dionne “tingin ko kamukha yan ng mommy mo!”

“huh? Hindi ko yan kamukha no! Ang sama mo talaga Japoy!” sabi ni Dionne habang nakapout “kanina ka pa! lahat na lang ng animal na makita natin sinasabi mo kamukha ko!”

“hahahahahaha eh mukha ka kasing animal!” pang aasar ko sa kanya. Habang naglilibot kasi kami sa loob ng zoo, lahat na lang na puntahan naming animal ay sinasabi kong kamukha ni Dionne. Aba ganti ko sa kanya yun no matapos niya ba naman akong sabihan na kamukha nung gorilla! Hah! Kala niya siya lang magaling mang asar ha! wag niyang minamaliit ang isang Jake Marquez!

“ang bad bad bad mo talaga Japoy!” T___T

“Daddy wag mo awayin si mommy!” saway naman ni Maya saakin “ang ganda ganda nga ni mommy eh! mukha siyang angel!”

Bigla naman nag smile si Dionne then humarap siya saakin “oo nga Japoy, hindi ka ba nagagandahan saakin?” ^___^

Tinignan ko maigi ang mukha ni Dionne. May singkit siyang mata, maitim at mahaba ang buhok niya na diretsong diretso, she has a rosy cheeks and a very kissable lips. Kung titignan mo ang features ng mukha niya, napaka amo nito at mukhang inosente. Idagdag mo pa yung—adjlsfsalrhfsdlt.. BWISET! Ano ba tong iniisip ko?!

“h-hindi! Hindi ka maganda! Mukha kang animal!!”

Bigla na naman nag pout si Dionne “ang sama sama talaga ni Japoy” T___T

“Daddy! Lagi mo inaaway si Mommy! Dapat sweet kayo sa isa’t isa kasi kayo ang mommy at daddy ko! say I love you to mommy na!”

Nagulat naman ako sa sinabi ni Maya “huh?!”

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon