Chapter 7 *Her smile*

823K 16.4K 2.9K
                                    

A/N

I make a teaser video for Angel in disguise, nandoon po sa right side. Watch niyo ah? May mga clues sa video na pwedeng mangyari sa mga susunod na chapters.

Anyways, maraming salamat sa mga nagbabasa nito :)

***

Chapter 7

*Her smile*

[Jake’s POV]

“Aring’s karinderya, inihaw, atbp”

“nandito na tayo!!” sabi ni Dionne sabay hila saakin papasok sa isang maliit, madumi, mainit, at mabahong kainan.

Kinalag ko ang pagkakahawak niya saakin “bat ganito ang kainan dito?! Ang liit liit, ang baho baho ang init init pa!! wala manlang aircon! Tignan ko pa lang yung lugar nangangati na ko!”

“grabe ka naman. Masarap diyan. Wag mo na lang isipin maysado ang ambiance ng lugar. Or isipin mo na lang nasa mamahalin kang restaurant”

“there’s no way I’m gonna eat in that place! Milyong milyong virus ang nagkalat diyan no! mamaya magka Hepa pa ako or kung anong virus pa tumama saakin!”

“hindi yan. Matagal na kong kumakain diyan and tignan mo ko, buhay na buhay pa!” pagkukumbinsi ni Dionne saakin 

“eh basta ayoko!”

Tinalikuran ko na siya. Di ko talaga masisikmurang kumain diyan no! napakadumi! Mamaya kung ano pang mangyari sakin! Edi umiyak ang buong Pilipinas pag nawala ako?! Tss! Tong chimay na to eh puro kapahamakan ang alam dalhin sakin!

“uy J-japoy!” humabol saakin si Dionne “galit ka ba?”

Tinignan ko siya “obvious ba?! Naisnatchan na ko ng wallet, na blackmail pa kong kumain sa pipitsuging lugar na yan! Pero para sabihin ko sayo, wala akong planong mamatay ng maaga no!!”

Nagulat ako ng biglang lumungkot ang mukha ni Dionne “ganun ba? Sorry ah, di ko naman alam na magagalit ka” tumingin saakin si Dionne pero this time naka ngiti na siya “tara na sa restaurant para kumain” inabot niya yung wallet ko “pasensya ka narin sa ginawa ko ha? Promise di ko na uulitin” nauna na siya maglakad saakin.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon