Chapter 22 *Subic*

667K 11.8K 1.8K
                                    

Chapter 22

*Subic*

[Dionne’s POV]

“Japoy malapit na ba tayo? Onti na lang ba makakarating na tayo” tanong ko kay Japoy habang tinutusok tusok ko ang pisngi “uy Japoy gumising ka na! baka padating na tayo!”

“Anak ng--!!!” tumalikod saakin si Japoy at ng kabit ng headset.

Hala napikon na ata kakakulit ko.

Papunta kasi kami ngayon sa Subic para mag shoot nung movie nila Japoy. One week kaming mag i-stay doon at nung malaman ko yun, sobrang excited ako. It’s been a long time eversince makapunta ko sa beach! Mahal na mahal ko talaga ang mga beaches kaya naman excited na excited na ko. Sana makarating na kami agad! ^__^

“manong malapit na po ba tayo?” this time yung driver naman ni Japoy ang tinanong ko

naku malayo pa tayo, ay mag papa gas muna ako ah”

“ay sige po”

Dumaan kami sa isang gas station then nagpa gas si manong driver. Nag paalam din siya na mag c-cr daw muna siya kaya naman naiwan kaming dalawa ni Japoy sa kotse.

“Japoy?” tawag ko dito sabay kalabit sa braso niya kaya lang di niya ako nilingon. Mukhang nakatulog ata ang isang to.

“Japoy penge ako nung chichirya mo ah? nagutom ako eh!” ^__^

Hindi parin kumibo si Japoy kaya naman nagbukas na lang ako ng chichirya niya doon at nagsimula itong kainin. Tinignan ko ang natutulog na likod ni Japoy.

Hay siguro nga pagod na pagod siya lately dahil sa pagaasikaso kay Maya tapos sabayan pa na ang dami-dami niyang shootings at mga kung anu-anong interview. Dumagdag pa nga ata sa pagod niya nung nagkasakit ako. Imbis na ako ang mag-alaga sa kanya, siya pa tong nag alaga saakin.

“sorry Japoy” bulong ko sa kanya “promise ko, mas aalagaan na kita ngayon. Promise ko talaga yan”

Nagulat ako ng biglang tumagilid si Japoy saakin pero nakapikit parin siya. I waved my hand near his face para i-check kung gising ba siya pero hindi, ang lalim ng tulog niya.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon