Chapter 14 *Mr. Stalker*

672K 13.1K 2.7K
                                    

A/N:

Dears! open na po ulit yung twitter ko.. if you want you can follow me @AlyloonyStories ... anyways hindi po ako masyadong nagpa-follow back pasensya na po.. ayoko po kasi matabunan yung tweets nung mga fina-follow ko... pasensya na po talaga.. pero sa tumblr ko nag ffollowback ako :)

And also sa mga nagtatanong kung ano ang fb account ko, wala na po akong fb account na open for public.. yung account na ginagamit ko po is for personal use ko po kaya hindi ko po kayo pwede i-add doon.. pero pwede kayo makipag communicate sa page ko >> www.facebook.com/alyloony ... diyan po ako nag ppost ng mga announcements :) Salamat po

Enjoy reading :3

***

Chapter 14

*Mr. Stalker*

[Dionne’s POV]

“Japoy, ready na yung almusal mo. Aalis na ko ah?” sabi ko kay Japoy na kasalukuyang nanunuod ng TV sa living room niya

“hmpf!” nakasimangot niyang sagot saakin sabay iwas ng tingin.

Napangiti na lang ako sa expression niya atsaka ko kinuha yung gitara ko at lumabas na.

Mula pag uwi namin kahapon, hindi ako pinapansin ni Japoy at talagang nakasimangot lang siya mag damag. Siguro nagtatampo siya saakin kasi hindi ko napag bigyan yung request niya. Pero pagbibigyan ko naman siya kung hindi lang importante ang lakad ko ngayon eh.

Hay di bale, mag lilinis na lang ako mamaya ng unit niya pag uwi ko tapos uuwian ko na lang siya ng alcohol pang peace offering para di na siya mag tampo saakin. ^___^

Bumaba na ko sa condominium ni Japoy tapos dumiretso na ako sa church kung saan kami magkikita kita. Walang practice ng choir ngayon dahil nag set ng children’s party ang church na to sa isang restaurant para sa mga batang may cancer. Kaya ko tinanggihan si Japoy kasi gustong gusto ko talaga maki-isa sa project na to. You see, some of those kids has a limited time to live. Bilang na ang oras nila sa mundong ito kaya naman gusto ko kahit papaano ay makatulong akong pasayahin ang mga batang yun.

Nang makarating ako sa church, nakita ko naman na naka-abang si Ashley saakin.

“Dionne!”

Lumapit ako sa kanya “hi Ashley! Good morning!”

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon