Chapter 44 *Flight for freedom*

652K 13.3K 5.8K
                                    

A/N: Sana'y inyong mapatawad ang author dahil sa tagal ng paguupdate. Sobrang dami ko na po kasing ginagawa. Sorry na T___T

Please don't mind the typo in this chapter... di ko pa nae-edit! hehehe

Enjoy reading!

 ***

Chapter 44

*Flight for freedom*

 

[Dionne’s POV]

“Dionne-chan dapat kakain ka ng madami ha? Sasarapan ko talaga ang luto ko para sayo! Patitikimin kita ng mga Japanese foods!” masiglang sabi ni Rui habang busy siya sa pagluluto.

Nandito ako ngayon sa unit ni Rui. Matapos kasi ng suntukang naganap, agad kaming umalis doon dahil madaming naka witness at for sure, panibagong issue na naman ito. Pakiramdam ko nga mamayang gabi nasa news na agad yung nangyari eh. For sure ngayon madami din ang nag hu-hunting kay Japoy para tanungin sa nangyari.

Napabuntong hininga ako. Kahit na nasasaktan ako ng dahil kay Japoy, hindi ko parin maiwasang mag-alala sa kanya. Nag iisa siya ngayon at yung mga binitiwan kong salita sa kanya ay masasakit. Hindi ko alam kung na-apektuhan ba siya doon pero nakakarmadam ako ng konesensya.

“Don’t worry about him, he’ll be fine,” sabi ni Rui saakin kaya napatingin namam ako sa kanya

“H-ha?”

“I know you are thinking about Japoy”

Napa-yuko ako “Rui, sorry ha?”

“You don’t need to say sorry. Hindi ko naman kayang magalit sayo kasi mahal kita eh”

Natigilan ako sa sinabi ni Rui at hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

“Uhmm Rui—“

“—puntahan mo na si Venus sa living room baka kung ano na ang ginagawa nun doon,” pag putol ni Rui sa sinasabi ko.

“Okay”

Pumunta ako sa living room ni Rui at nakita ko si Venus na nakaupo sa sofa habang may binabasa.  Halos kadadating lang ni Venus sa unit ni Rui dahil sinundan niya kanina si Japoy. Naupo ako sa tabi niya.

“Venus, kamusta siya?”

Tumigil sa pagbabasa si Venus at tinignan ako. “He refused to talk to me. Sabi niya gusto niya mapag-isa”

“Uhmm hindi ba malala yung mga sugat niya dahil sa suntok?”

Medyo napangiti si Venus “hindi naman pero sigurado akong galit na galit yun kasi nasuntok ang pinakamamahal niyang mukha”

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon