Chapter 35 *another revelation*

635K 11.8K 2.1K
                                    

Chapter 35

*another revelation*

 

 

[Rui’s POV]

“miss sure kang magugustuhan niya to? Maganda ba talaga?” tanong ko doon sa sales lady habang hawak hawak ko ang isang kwintas .

 

“oo naman po! Maganda talaga yan and for sure matutuwa yung girlfriend mo niyan sir Rui” sabi niya saakin

Napangiti lang ako. Girlfriend? Parang ang sarap naman marinig yun.

Sana nga… girlfriend ko na lang siya.

Binili ko na yung kwintas na kanina ko pa tinitignan. Nandito ako sa mall ngayon at naghahanap ng panregalo kay Dionne. Alam ko kasi na kasama siya mamaya doon sa party. Simula nung nagtapat ako kay Dionne, hindi ko pa ulit siya nakakausap ng matino. Ramdam ko naman na pag magkasama kami sa set, iniiwasan niya ako. Hindi ko rin naman siya ginugulo nun dahil alam ko na kailangan niya rin makapag-isip isip.

Pero buong buo na talaga ang desisyon ko. Liligawan ko si Dionne kahit na wala pa siyang gusto saakin. Okay na saakin na mapatunayan ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Malay natin, magbago ang ihip ng hangin at magkagusto rin siya saakin.

 

After kong mabili yung necklace, lumabas narin ako sa jewelry shop at plano ko ng umuwi nun para makapagpahinga muna saglit dahil mamayang gabi, aattend na ko sa party para doon sa movie namin.

Kaso syempre, buhay ng isang artista, bago ako makalabas ng mall, nangawit muna ang panga ko kaka ngiti ko dahil may mga humatak pa saakin para magpa picture.

“hay salamat!” sabi ko pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse ko

Akala ko katapusan na ng buhay ko kanina eh. =___=

Pinaandar ko na yung kotse ko at dumiretso sa bahay ko. Natulog lang ako saglit and after that, nag ready narin ako para sa party.

“iho, ito ba yung coat na susuotin mo?” tanong saakin Manang Fe, yung PA ko at the same time, siya rin yung yaya ko simula pa maliit ako.

“opo manang. Salamat po. Ay ayaw niyo po ba talagang sumama sa party mamaya?” tanong ko sa kanya

“naku naman hijo alam mo namang wala akong hilig sa ganyang mga bagay eh!”

“sayang naman! Balak ko pa naman pormal na ipakilala yung nililigawan ko sa inyong lahat”

Totoo yun. Nag pa-plano na kasi ako na ipakilala si Dionne sa mga kaibigan ko. Alam ko napaka advance ng move na ito pero gusto kong ipagmalaki ang babaeng mahal ko sa harap ng maraming tao. Gusto kong ipakilala sa kanila ang nagiisang babae na bumihag ng puso ko.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon