Chapter 29 *comfort*

604K 11.7K 795
                                    

Chapter 29

*comfort*

[Dionne’s POV]

 

“saan ba nagpunta si Jake ha?! Bat mo ba kasi siya hinayaan umalis!!” sigaw saakin ni Venus

“h-hindi ko talaga alam! Sabi niya saakin magpapahangin lang daw siya…”

 

“you useless freak!! Call him now!”

 

“naiwan niya yung cellphone niya..”

 

“Arggh! Then go outside and look for him! Ano to, ako maghahanap sa kanya para sayo ha? Ako na ba ang chimay niya ngayon?! Bilisan mo at magsisimula na ulit yung shooting!”

“o-ok!”

Dali-dali akong lumabas ng bahay kung saan nagsho-shooting ng movie sila Japoy. Halos magiisang oras narin kasing hindi bumabalik si Japoy dito. Ang sabi niya saakin magpapahangin lang siya sa labas pero nung lumabas naman ako para tawagin siya na handa na ang lunch niya, wala siya doon. Inikot ko na yung buong bahay pati narin yung garden, pero hindi ko siya makita. Wala rin naman nakakaalam kung saan siya nagpunta. At ngayon, saakin nila hinahanap si Japoy at hindi ko malaman kung saan siya nag punta. Nagagalit na nga sila saakin dahil hindi makapag start ang shooting.

Pero wala man lang ni-isa sa kanila ang kabahan kung saan nag punta si Japoy. Halos atakihin na ako sa takot dito dahil sa pagiisip ng iba't ibang bagay kung bakit siya nawawala. :(

Sinubukan kong hanapin siya doon sa park baka sakaling doon siya nagpapahangin kahit alam kong imposible na pumunta siya doon ng tanghaling tapat. Alam ko namang ayaw na ayaw niyang naarawan at pinagpapawisan, pero nagbakasakali parin ako. Wala naman din kasi siyang ibang pagtatambayan eh.

Hay nasaan na kaya si Japoy? Bakit kasi bigla na lang siyang nawala :’(

Tumawid ako doon sa park na nasa tapat ng bahay kung saan kami nag sho-shooting tapos nag ikot ikot ako doon. May nakita naman akong tindero ng taho at cotton candy doon na busy sa pagkukwentuhan. Agad ko silang nilapitan para magtanong.

“uhmm manong nakita niyo po ba si Japoy?” tanong ko sa kanilang dalawa

 

“Japoy? Sinong Japoy?” sagot naman ni manong na nagtitinda ng taho

 

“Ah si ano po.. uhmm si Jake Marquez..?”

“yung artista?” tanong naman ni manong cotton candy

“opo! Siya nga po! Yung artista na sikat, gwapo, mayaman, malinis at mabango!” ^__^

 

Nagkatinginan yung dalawang manong sa harap ko at bigla na lang silang humagalpak ng tawa.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon