Chapter 28 Mind vs. heart

592K 10.9K 1.7K
                                    

Chapter 28

Mind vs. heart

[Jake’s POV]

“ok cut! Good job guys!”

Bumangon ako sa pagkakadagan ko kay Venus then tumayo ako. Nakita ko namang bumangon din si Venus atsaka inayos ang nagulo niyang buhok ng dahil sa eksena naming dalawa.

“hay atlast natapos narin!” sabi niya habang nagsusuklay “ano ba kasi problema ng chimay mo at bigla na lang nagsisisigaw habang umiiyak? Mamaya may sayad na sa utak yung isang yun.” =__=

Ngumisi lang ako kay Venus pero hindi ko siya pinansin. Naupo ako sa upuan doon habang hindi mai-alis ang ngiti sa labi ko.

I’m positive, may gusto talaga saakin yung chimay na yun.

Una: Hindi siya nagalit nung halikan ko siya.

Pangalawa: iniiwasan niya ako nung sinabi kong balewala ang halik na yun saakin.

Pangatlo: ganyan ang reaction niya sa eksena namin ni Venus!

Positive! May gusto talaga ang chimay na yan saakin. BWAHAHAHAHAHA.

Kung sabagay, hindi narin nakakapagtaka yun. Ako si Jake Marquez, gwapo, mayaman, sikat, malinis at mabango, halos lahat ng babae eh patay na patay saakin. Dionne’s just a girl and I can’t blame her for falling for me.

“why are you smirking like that?”

Napatigil ako sa pag de-daydream ng magsalita si Venus. Nakatingin siya saakin na akala mo eh tinubuan ako ng tentacles sa katawan.

“pake mo!” sabi ko sa kanya sabay talikod.

Sus if I know naiinlove din saakin tong isang to. Kung ang mala-dyosa ang gandang babae ni Venus ay nainlove saakin, malamang sa alamang eh maiinlove din ang mala chimay na gandang babae na si Dionne.

Ha! Pasimple pa siya dati! Alam ko na yung mga pangaasar niya saakin, yung mga pambubwisit niya eh way niya para magpapansin sa gwapong tulad ko. Feeling niya maiinlove ako sa kanya dahil doon. Sus asaness siya. =___=

Pero come to think of it, sa lahat ng mga babaeng naging patay na patay saakin, siya na ang pinaka maswerte sa lahat. Aba araw araw ba naman siyang nasa tabi ko. Nagkakaroon siya ng privilege na ipagluto ako ng pagkain, ipagtimpla ako ng kape, ipaglaba ako at ipaglinis ako ng bahay. Minsan nga nagpapatulong pa ako sa kanya mag bihis! Nakikita niya pa ang abs ko! Tingnan mo nga naman yang swerte ng chimay na yan.

But come to think of it, hindi lang basta abs ko ang nakita niya! Nakita niya narin yung..uhmm..you know, yung pinaka mahalagang parte ng lalaki. Naalala ko bigla yung unang beses kaming nagkita ni Dionne. Naliligo ako nun at bigla siyang pumasok sa banyo ko and she saw... everything.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon