Chapter 42 *Venus' Plan*

528K 11.5K 1.6K
                                    

A/N: Hello dears! sorry po kung medyo natatagalan ang paguupdate ko. Nagiging busy po kasi ako. Pero salamat ng madaming madami sa patuloy na nagaantay ng update. Medyo malapit lapit na matapos ang story nina Jake at Dionne :)

Enjoy reading the update :)

Chapter 42

*Venus' Plan*

 

[Venus’ POV]

Ang init!

Tinignan ko ang napakataas na araw sa kalangitan habang umiinom ako ng mango shake na kabibili ko pa lang. Pare-parehong nagsi-suguran na sila Jake, Rui at Dionne sa dagat kaya naman naiwan na lang ako mag-isa sa hut at nagmistulang taga bantay ng gamit nila. Dapat gawain ito ni Dionne eh!

Nilabas ko na lang yung Ipad ko at nag laro ng games doon pampalipas ng oras. Ni hindi man lang ako makapag sun bathing sa lagay na ito. Bwiset!

Habang busy ako sa paglalaro ng Zombie Tsunami sa Ipad ko, medyo naaninag ng peripheral vision ko na may parating kaya naman napaangat yung ulo ko para tignan kung sino ito. I saw Dionne approaching our hut kaya naman napatayo ako bigla para salubungin siya.

Hay salamat! Dumating narin isang to! Siya naman ngayon ang mag bantay ng gamit and it’s my turn to enjoy this outing! I need to get some tan!

“You’re here! Good! Bantayan mo yung gamit natin” sabi ko sa kanya habang papalapit ako. Nang medyo makalapit naman ako, napatigil ako ng makita ko ang expression sa mukha ni Dionne.

Medyo teary yung mata niya pati na mumula ang ilong niya na para bang kakagaling niya lang sa iyak.

“what’s wrong?” tanong ko sa kanya

“V-venus…” tinignan ako ni Dionne at nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin “bat ang sakit?” and with that, bigla na lang umiyak si Dionne habang nakayakap siya saakin.

                                                            ***           

“oh tubig” inabot ko sa kanya yung isang bote ng mineral water.

“S-salamat” sabi niya

Tinignan ko si Dionne, mugto ang mga mata niya. Ikinwento narin niya saakin yung nangyari kanina. Hinalikan siya ni Rui at nakita yun ni Jake kaya naman kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi ni Jake sa kanya.

Ewan ko nga ba kung paano ko naatim na making drama ng babaeng to. Pakiramdam ko lalamunin ako ng konsensya ko pag di ko siya pinakinggan.

 

Siguro dahil nakinig din siya saakin nung panahong ako ang umiiyak ng dahil kay mommy

 

“ano na gusto mo gawin ngayon?” tanong ko sa kanya

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon