Chapter 19 *The Wake*

661K 13.3K 2.1K
                                    

Chapter 19

*The Wake*

[Dionne’s POV]

“J-japoy, pasok na tayo sa loob?” tinignan ko si Japoy habang nakatingin siya doon sa bahay nila Maya kung saan nakalamay yung bata. Kanina pa kami dito sa labas ng bahay nila. Nasa loob lang kami ng kotse habang tinitignan namin mula sa malayo yung bahay nila Maya.

I sighed.

Nung sinabi ko kagabi kay Japoy na wala na si Maya, hindi siya umiyak nun pero ramdam na ramdam ko ang lungkot niya. Ni hindi na niya nakuhang kumain nun at dumiretso na kami sa bahay. Walang nagsasalita saamin ng mga panahon na yun. Pareho kaming tahimik at walang imik. Nung umaga naman, ipina-cancel niya lahat ng appointment niya. Nakaaway pa nga niya yung director ng movie nila pati narin yung iba pa na mga icinancel niyang mga guestings and interview. Buti na lang at kinausap sila ni Ms. Rhian, yung manager ni Japoy.

Tinignan ko ulit si Japoy na nakatitig sa bahay nila Maya. Huminga ako ng malalim and I tried my best para bigyan ng isang ngiti si Japoy.

“Japoy, pasok na tayo sa loob. D-diba tumawag si Maya? Sabi niya g-gusto n-niya tayong makita” huminga ulit ako ng malalim just to restrain myself from crying “i-iniintay na tayo ng baby natin. Tara na?”

Nilingon ako ni Japoy then he gave me a sad smile tapos tumango siya. Bumaba na kami ng kotse at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila Maya. Agad naman kaming sinalubong ng lola nito.

“Lola, condolence po” salubong kong sabi sa kanya

Nginitian niya lang ako at niyakap ng mahigpit. Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin at tinignan kaming dalawa ni Japoy

“kanina pa niya kayo hinihintay” sabi ni Lola saamin tapos sinamahan niya kami palapit kay Maya. Sinilip ko siya sa coffin niya at halos maiyak ako ng makita ko ang napaka peaceful na mukha nung bata. Nilagyan na siya ng wig at suot suot niya yung clip na bigay ni Japoy. Yakap yakap naman niya yung picture naming tatlo habang may nakapulupot na rosary sa kamay niya.

“alam niyo ba sobrang tuwang tuwa si Maya nung iginala niyo siya? Hindi ko pa nakitang ganung kasigla yung bata simula ng magkasakit siya” sabi ni Lola saamin “talagang tuwang tuwa siya sa inyo. Last year pa sinabi saakin ng doctor na wala ng pagasa yung bata, kaya naman lahat na ng hilingin ng apo ko ay ibinibigay ko sa kanya. Mabait na bata si Maya at wala siya masyadong hiniling na material na bagay. Pero kayo, napasaya niyo ng husto ang apo ko, kaya salamat ng madaming madami sa inyo. Lalo na sayo Jake. Alam ko na busy ka dahil isa kang artista pero sobrang saya ko dahil napagbigyan mo ang apo ko. Salamat talaga. Alam mo ba na bago bawian si Maya ng buhay ang saya saya niya dahil nakausap ka niya sa telepono at hawak hawak pa niya yung litrato mo? kaya laking pasasalamat ko talaga sayo na kahit sa maikling panahon lang ay napasaya mo ang apo ko”

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon