Chapter 36 * Tight Hug*

610K 11.6K 1.6K
                                    

A/N: thank you po sa mga matyagang nag aantay ng update! Medyo malapit-lapit naring matapos itong story na to.... pero don't worry! ngayon palang i-aannounce ko na...

MAGKAKAROON NG BOOK 2 ANG ANGEL IN DISGUISE!

Happy 1M reads pala sa AiD! <3

***

Chapter 36

 *Tight Hug*

[Dionne’s POV]

Jake, nagkabalikan na ba kayo ni Venus?”

 

“ano ba ang naging dahilan ng break-up niyo dati?”

 

“totoo bang babalik narin sa condo unit mo si Venus at mag li-live-in na ulit kayo?”

 

“kelan pa kayo nagkabalikan?”

Nginitian ni Japoy lahat ng reporters na nagtatanong sa kanya

“no comment” sabi niya dito bat tuluyan narin siyang naglakad palayo habang hawak-hawak niya ang kamay ni Venus. Nung papunta na sila sa may way ko, agad naman akong tumalikod at pinunasan ang luhang tumutulo sa mata ko.

“Dionne, let’s go” rinig kong sabi ni Japoy

“o-okay” sabi ko sa kanya habang iniiwas ko ang mga tingin ko sa kanya

Naunang maglakad si Venus at Jake habang ako naman ay nasa likuran lang nila.

Hindi mawala sa isip ko lahat ng nangyari kanina. Ilang beses ko na bang nakitang naghalikan si Japoy at Venus? Ilang beses na rin ba akong umiyak kada nakikita ko silang naghahalikan?

Pero bakit ngayon, mas tagus-tagusan ang sakit?

Para bang habang hinahalikan ni Japoy si Venus sa harap ng maraming tao, parang isinampal ang katotohanan sa mukha ko na kahit kelan, hindi ako mapupunta sa lugar na yun. Hindi mangyayari na ipapakilala ako ni Japoy sa harap ng maraming tao at sasabihin niya na mahal niya ako.

Nakakatawa lang isipin na kanina, may isang sikat na artista na gumawa saakin ng ganun pero wala akong naramdaman.

Bakit kaya ganun no?

Bakit kaya tayo nagmamahal ng taong imposible nating abutin samanatalang hindi natin magawang ibalik ang pagmamahal ng isang taong handa tayong saluhin.

Kung pwede lang na turuan ko ang puso ko, mas pipiliin ko na lang na hindi na lang mag mahal. Bakit ba kasi tumibok pa tong puso ko kay Japoy? Bakit ba ako minahal ni Rui?

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon