x19

51.6K 267 36
                                    

 Time Check: 4:05am, 15th of November 2012

Oh my Gosh! Lee Min Ho is arriving today. Geez!  I wanna see him. He'll going to stay here in the Philippines for 4 days. Errrr! And I'm hoping and praying to catch him in Araneta Coliseum this coming November 16, 2012 for Bench fun meet. T^T

Anyway, Update na ako! Excited kasi ko para kay Lee Min Ho eh. HAHAHAHA. Parang kailan lang pumasok siya sa panaginip ko tapos ngayon tadhana na ang nagpapalapit sa landas naming dalawa. :"> Sana magkatagpo na ang mga puso namin. Wahahaha! Charot lang. :)

  

Dedicated sayo to. Wish granted! Hehe. :P Thank you sa pagbabasa at sa suporta sa HPB. :*

                                          ***

Chapter 19

STEPHEN'S POV

Pagkaalis nila Alex at Jayke hindi na natigil ang utak ko sa pag-iisip. Tama si Alex. Sa lahat na lang ng problemang nararanasan ko lagi ko na lang yong tinatakbuhan. Pilit kong binabaling sa iba't ibang babae ang problemang hindi naman sila ang may gawa.

Pero ano magagawa ko kung pati sarili  ko hindi ko kilala. Hindi ko kilala ang pagkatao ko.

 Nanatili ako sa pagkakaupo ko simula ng iwan nila akong mag-isa. Nakasandal lang ako headboard ng kama ko. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na ako sa ganong pwesto. Nang magising ako tinignan ko kung anong oras na, 5:30pm na pala.

Nag-isip lang ako ng ilang sandali kung ano dapat kong gawin. At naisipan ko na kausapin muna si Alex bago si Jayke. Ayokong magtagal pa yung inisan namin ni Alex sa isa't isa. Tama naman siya eh. At wala akong masasabing masama tungkol kay Alex. Wala siyang ibang ginawa kundi maayos na ang pagkatao ko. Pero ako itong hindi nakikinig sa kanya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa side table ng kama ko para itext si Alex na magkita kami sa tambayan ng barkada. Para naman makapag usap kami ng masinsinan tungkol sa nangyare kaninang madaling araw.

Ilang minuto lang ang lumipas nagreply na din si Alex at hindi ako nabigo sa sagot niya. Pumayag siya na magkita kami mamaya 7pm. Agad akong kumilos at naligo.

Nang matapos akong maligo agad akong nagdiretso sa napag usapan naming lugar kung saan kami magkikita ni Alex. Ako ang nauna sa bar at hindi din nagtagal dumating din siya suot ang seryoso niyang pagkatao.

"Kanina ka pa?" Tanong niya.

"Hindi. Kararating ko lang din." Sagot ko.

Umupo siya sa harapan ko at umorder ng inumin niya sa waiter.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon